2ND TEARDROPS: NOV. 5 2008
LALAINE'S POV:
Bago ako pumasok ng school may natanggap akong padala.From the envelope, alam kong galing kay Enzo un. Oo, alam na alam kong galing sa kanya un, over 7 years of relationship kilalang-kilala ko na siya.
Inilagay ko muna sa ibabaw ng studytable ko at pumasok na ko..
It's an ordinary day kahit alam kung may kulang.
Habang nagbabasa ako ng bagong libro ni Bob Ong, biglang tumunog un cellphone ko.
"Hello?"
"Iha, it's Tita Inez"
"Oh? Tita Inez, kailan pa po kayo nakabalik?" SI Tita Inez, siya ang mabait na ina ni Enzo.
"Kahapon lang, iha" Medyo nagtataka ako sa maikling pagsagot ni Tita. Usually naman, madaldal siya. But I didn't bothered it.
"Si Tito Arthur po?" Tito Arthur? Siya naman ang mabait na ama ni Enzo. Kaya kung magiging mathematical equation siya, ganito ang kakalabasan: Perfect DAD [Tito Arthur] + Perfect MOM [Tita Inez] = 100% PERFECT SON [ENZO]
"May mga inaayos na papeles siya,Iha" Doon na nagsimula ang matamlay niyang pagsagot. pero hindi ko pa din maintindihan. pero sa palagay ko, may nakalimutan akong kamustahin.
"Uhm, Tita, si .. En.." URGH!! Hanggang ngayon, hindi ko pa din mabigkas sa bibig ko ang pangalan ni Enzo. Hindi maaari, kailangan mabigkas ko ito " si Enzo po?"
....SILENCE.....
Hindi ko alamkung bakit natahimik si Tita. Anong meron sa pangalan ni Enzo? Pero naririnig ko si Tita na nagpipigil. Is she crying?? Ano ba talaga ang nangyayari??
"Uhm, Tita?" Doon ko na talaga narinig ang paghagulhol ni Tita. Magsasalita na ko ulit pero naunahan na ko ni Tita,
"Si Enzo??.........
Iniwan niya na tayo" Lalo pang umiyak si Tita.
"Tita, ano po?" Nagsimula na rin bumuhos ang luha ko.
"Iniwan na niya tayo Lalaine."
"Tita, ano ulit?"Alam kong nagiging makulit na ko, pero ayoko lang kasi un mga naririnig ko. Gusto ko ulit marinig un sagot ni Tita, gusto kong maniwala na mali lang siguro un naririnig ko. Dahil hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan,.
"Anak, patay na si Enzo. Wala na siya." Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Parang nawala ang kaluluwa ko doon sa narinig ko.
Hindi ko nakayanan ang mga narinig ko, at ng dahil doon nabitawan ko ang cellphone ko. At ikinagulat ng lahat, nakita ako ng mga classmate ko na unti-unting napapaupo sa sahig habang bumubuhos ang mga luha ko.
At sa mga nakita nila, agad silang pumunta sa akin para malaman ang nangyayari sa akin. Pero kahit isang sagot, wala silang narinig sa akin. Dahil pakiramdam ko, nanglambot ang buong katawan ko..
Iisang bagay lang pumasok sa utak ko "wala na si Enzo"
Wala na rin nagawa ang mga classmate ko, pati na rin ang mga teachers kaya inuwi na lang ako.
Kahit pagdating ko sa bahay, wala din silang narinig na kahit isang salita galing sa akin. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko..
Pagkadating ko agad sa kwarto ko, naglock ako at humiga agad sa kama ko.
Wala akong pakialam sa mga katok at sigaw na naririnig ko..
Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko..
"Bakit nangyari toh??"
"Bakit si Enzo pa?"
"Paano nangyari toh"
"Bakit iniwan niya ko agad"
"Bakit ganitong pangiiwan pa ang ginawa niya?"
"Bakit umalis lang siya ng walang sign or warning?"
Bigla kong naalala un padala niya kaninang umaga..
It's a CD again. without a second consideration, I played it in my laptop..
Umiyak talaga ako throughout the video..
Hindi ko talaga matanggap na wala na siya..
Hindi ko talaga matanggap na iniwan na niya ko ng ganito lang..
"God, bakit siya pa?..
Bakit hindi na lang ako??
Ako ang may kasalanan ng lahat-lahat..
Pero bakit sia ang kinuha mo??...
ito ba ang parusa mo sa akin?"
.jpg)
No comments:
Post a Comment