LATEST UPDATE: CLASS 4-6 CH. 71 [FACEBOOK ACCOUNT]

MS.A

i just want to be UNKNOWN

*CLASS 4-6 official trailer*

Sunday, July 19, 2009

CHAPTER 18: Present VS. Ex


CHAPTER 18: PRESENT VS. EX



CIARA: Maniningil ng utang?? Hala, ano gagawin ko? Wait,. Tawagan ko na si Karissa..

Phone Call..

CIARA: HELLO KARISSA?!!!

KARISSA: Puwede ba Ciara?! Hindi ako bingi!

CIARA:Si Rayne?!!

KARISSA:Ano nangyari kay Rayne?! Nagpakamatay ba?!

CIARA:Sira!! May kumuha sa kanya?!

KARISSA: WhAT?!! Kidnapping?!

CIARA: Hindi siguro, kaschoolmate natin.

KARISSA: Huh? Saan daw sila pupunta?

CIARA: Maniningil daw ng utang.

KARISSA: Utang?! Sige, Saan ka ba?

CIARA: Andito na ko sa gate.

KARISSA: Sige, pupuntahan kita diyan.

CIARA: Bilisan mo ah?!


END OF PHONECALL..


[KARISSA’S P.O.V]

Sino kaya un??


VINCE: Bakit kaya umalis agad si Japs?

TIM: Hindi ko nga alam eh

VINCE:Usually naman nakikipaginuman un kapag brokenhearted.


OMG!!! Don’t tell me?!
Si Japs un!!
Gosh!!
Tumakbo na ko ng todong-todo sa gate,.,.
Takbo! Takbo!Takbo! Takbo!Takbo!
LIPAD!!Joke!
Hayan, nakita ko na rin ang aking bestfriend..



KARISSA: Ciara!!!

CIARA: Karissa! Bilis!

KARISSA: Asan na sila?

CIARA: Dun sila dumaan. Bilisan natin. Baka ano mangyaring masama sa kanya.

KARISSA: Ayos lang un. Walang mangyayari sa kanya.

CIARA: Huh? Kilala mo ba un humigit sa kanya?

KARISSA: Classmate ko siya.

CIARA: Class 4-6!?! Dapat na talaga tayong magmadali.

KARISSA: Ano ka ba, kahit worst section kami. Hindi naman ganun kasama un.

CIARA: Haynaku, bakit ba kasi niya hinigit si Rayne?

KARISSA: Feeling ko, para puntahan un letcheng ex ni Rayne,,

CIARA: What?!!!

KARISSA: Ano pa ginagawa natin?! Takbo na!


[RAYNE’S P.O.V]

Ano bang problema ng gwapong lalaki na toh?
Oo! Gwapo siya!Super!!
Teka, tama na yan Rayne!



RAYNE: Saan mo ba ko dadalhin?

JAPS: Wala mong kwentang boyfriend!!


Ano daW?! ???
Sa boyfriend ko?!!
Ex na noh?!



RAYNE: Huh?! Ano?! Bakit?!

JAPS: Hindi mo ba narinig un sinabi ko kanina? Pagbabayarin natin ng utang!


Utang?!
May utang ba un sa akin?
Siguro sa kanya?
Bakit kailangan pa ko isama??
For decoration ba?



RAYNE: Kilala mo ba siya?

JAPS: Hindi.

RAYNE: Hindi?!!


Hindi daw niya kilala.
Loko-loko pala toh!
Tumigil ako at pati din siya tumigil dahil nga hawak-hawak niya ang kamay ko..
Syempre pati kamay ko inalis ko sa pagkakahawak niya.



JAPS: Bakit ba?!

RAYNE: Hindi mo pala siya kilala eh. Bakit pa tayo tumatakbo?! Alam mo ba kung nasaan siya?

JAPS: Oo naman.

RAYNE: Pinagloloko mo ba ko??! Addict ka ba?! Hindi mo siya kilala pero alam mo kung nasaan siya? Paano nangyari un?!

JAPS: Pinahanap ko.


>>FLASHBACK<<

PHONE CALL..

JAPS: Jake, may ipapahanap ako.

JAKE: Ano po un, Young Master?

JAPS: Hanapin mo isang lalaki, ang name niya Greg Fontabla and may girlfriend siyang Rayne Castillo.

JAKE: Sige po, Young Master.

JAPS: Malalaman ko ba agad mamaya?

JAKE: Opo.

JAPS: Good. Sige.


>> END OF FLASHBACK<<


RAYNE: Ganun ka ba kayaman?

JAPS: Well, siguro? Basta what I know is mas mayaman sa akin si Marion.

RAYNE: Wait nga, Paano mo nalaman un full name ni Greg?

JAPS: Easy, tinanong ko kay Karissa.

RAYNE: Huh?? Ano sabi ni Karissa?

JAPS: Wala.. Sinagot lang niya un mga tanong ko. Ang galing nga eh, hindi niya alam may gagawin ako. Slow pala bestfriend mo.

RAYNE: Ang sama mo! Bestfriend ko pa rin un!

JAPS: Tama na nga yan.,. Halika ka na!


Wow! Hinila niya ulit ako…
Gosh..
Parang ang lakas ng heartbeat ko..
Please God! Tama na!
Ayoko muna!!!
Please?!!



CLOUD 8 BAR…

Jake: Young Master, ito po un bar.


Gosh, ito un bar na pinuntahan ko kagabi kung saan nakita ko si…
Hai, ayoko na maalala..
Naiiyak na naman ako..
Parang hindi ko kaya,,,



JAPS: Andiyan ba siya?

JAKE: Opo.

JAPS: Good. Thanks, Jake. Maasahan talaga kita. Rayne, halika ka na.


Hinigit niya ulit ako,
Pero tumigil ako..



JAPS: Huh? Bakit?

RAYNE: Hindi ko kaya.

JAPS: Ano?

RAYNE: Hindi ko siya kayang harapin. Ok lang naman ako eh. Pabayaan na lang natin siya.

JAPS: Ayokong ginaganyan ang babae. Kaya halika na. Andito ako, ok? I’m your angel for today ok?


Wow! Killer smile!!
Gosh..
Paano ba naging heartbroken toh?!
Kung ako sa mga ex nito, hindi ko na toh papakawalan,..
Nakapasok na kami ng bar..
Kinakabahan talaga ako…
Naramdaman ata ni Japs na kinakabahan ako,
Kaya hinawakan niya ng mabuti un kamay ko,.,.
Umaabuso na siya ahh??
Wait, parang nakita ko na si Greg,..
And un kahalikan niya kagabi..



RAYNE: Uhmm..Japs, hayun siya.


Tinuro ko naman sa kanya kung nasaan si Greg,..
And lumapit na kami..
Pero bakit parang nagulat pa ata tong si Japs..



JAPS: Cindy?

GREG: Rayne?

JAPS: Siya ba un boyfriend mong nanloko sa’yo?


Tumango na lang ako,.
Hindi talaga ako makapagsalita..
Bakit magkakilala sina Japs at saka nun girl..



CINDY: Yup Honey, siya un boyfriend I mean, ex kong binreakan ko kahapon.

GREG: Yup Oh?? Siya ba??


Yuk!!
Ang flirt ng girl na nato!
Oh my?! Siya pala un ex ni Japs.
Gosh!
What a coincidence..?!!



CINDY: Yup. He’s so funny talaga. Feeling ko tuloy kahapon ako na lang un last girl sa mundo.


Kapal naman ng mukha nito!!
So it means, niloko din niya si Japs!
Kapal niya!
Ito ang para sa kanya!!

***PPPPPAAAAKKKK***



CINDY: Ouch!!


Oo! Sinampal ko siya ng todong-todo!
Wait, may speech pa ko.



RAYNE: Para sa pangaagaw ng boyfriend ko!


And another..

****PPPPPAAAAAKKKKK****

Oo! Mas malaks na this time!!



RAYNE: And for making fun with my friend!


Saan ka na ngayon?! Huh?!
Akala mo hindi ako marunong lumaban,,.
Well, dati ko pa toh gusto gawin..
Nagppractice lang ako..
Teka,, mukhang sasampalin ata ako ng bruhang toh!
Gosh!

WAIT,,may biglang humawak ng kamay niya..
Sino un??



JAPS: Subukan mo lang kung gusto mong mapalabas dito sa bar na toh.

GREG: Loko ka pala eh! Akala mo kung sino kang mayari ng bar na toh!!


OH MY GOSH!!
Sinuntok niya si Japs!!
Oh my un beautiful face ni Japs!
Sinuntok din siya ni Japs!
Sige kaya mo yan!!
Kung puwede nga lang, sirain mo na rin mukha yan unggoy na yan!
My!! Nagsusuntukan na sila!!
Paano ba toh!!
Buti na lang may mga guard toh..
Pinigilan na lang sila..



GUARD: Tumigil na po kayo. Lumabas na po kayo dito.


Opppss! Hindi kami un,,
Un wala kong kwentang Ex un at malanditot niyang girlfriend!



GREG: Huh?! Bakit kami un lalabas?! Eh sila un naunang sumugod dito..

GUARD: Kaibigan po sila ni Mr. De Vera.

GREG: Eh sino ba un Mr. De Vera?!

GUARD : May-ari po ng bar na to..

CINDY: Honey, halika ka na. Labas na tayo..


Oo nga! Lumabas na kayo!
Hayan! Lumabas na rin ang mga asungot!
Wait nga, Sino un Mr. De Vera?
Wala naman akong kilalang kaibigan na Mr. De Vera.
Teka, si Japs pala!



RAYNE: Japs! Ok ka lang ba?

JAPS: Oo. Sorry kung napahamak ka pa.

RAYNE: Ikaw nga tong napahamak eh. Naku, ang dami mong sugat,

JAPS: Wala toh, sanay na ko.

KARISSA: Rayne!! Ano nangyari?!

RAYNE: Bakit kayo andito?

KARISSA: Narinig kasi namin may nag-aaway dito.. Saka hallur? Hinahanap ka kaya namin.



Gosh!!
Ano nangyari sa bar nato?
Kawawa naman mayari nito.
Teka si Japs??



KARISSA: Si Japs???

RAYNE: Ito oh?

KARISSA: Ehh???!! ANo nangyari sa’yo?

JAPS: Puwede ba?


Ano ba naman toh..
Concern lang naman ako..
Teka, may papasok ng bar..
Jusko…Ang iingay..
Ano ba naman toh..
Nakaalis na nga ko sa Class 4-6..
Hanggang dito ba naman ba maiingay pa rin..
Well, Sira ka ba, Karissa? Hello? Bar kaya toh??



VINCE: Well, guys! Sorry na lang kayo. Malakas ang charm k---… WHAAATTA?!!! Anong nangyari sa bar ko?!!!

Aba? Parang nasunugan ahh?
Sa bagay.. Mas malala pa ata toh sa sunog?
Ano ulit narinig ko??
Bar ko??
Sa kanya tong club?!!



JAPS: Sorry Bro. It’s all my fault. Nagkaroon lang ako ng konting away..

VINCE&NATHAN: Away?!!

MARION: Nagulat pa kayo. ???


Oo nga naman..
May point si Marion..
Parang hindi niyo hobby un..
Hindi na nga hobby eh..Routine na!


JAPS: Don’t worry, babayaran ko lahat ng damage.

VINCE : Buti alam mo. Pero mas maganda kung babae na lang.

NATHAN: Hainaku Vince, diyan ka pa nanghingi ng babae.

JAPS: Sumusobra ka Nathan ah!

MARION: Tama naman eh.

JAPS: Pati ba naman ikaw Marion?


Haynaku..Nagsimula na naman tong mga toh,.,.
Parang balewala lang talaga sa kanila ang makipagbugbugan..
Ai, biglang nagring cellphone ni Japs.
Wow..Cute ng ringtone.. >>CYCLONE<<
Puwede bang sumayaw??ehehe..Joke..



JAPS: Hello? Head Teacher??


Head Teacher?!!
Hala!
Bakit siya tumawag?
Don’t tell me, nabalitaan niya agad toh..
Grabe naman..
Mukhang pinapagalitan si Japs ah.
Nilalayo niya kasi un cell niya sa tenga niya.
Kawawang tenga ni Japs..



JAPS: Opo..Sige, pupunta na ko..


Binaba na niya un cellphone niya,,
Mukhang badtrip na ahh..



JAPS: Un kalbong un! Kaladkarin ko siya palabas eh! Ang sakit ng tenga ko dun ah! Tama bang sigawan ako?!

MARION: Bakit?

JAPS: Pinapapunta ako sa school ni golden bald.

VINCE: Bakit daw?

JAPS: Ewan ko. Pero galit na galit un golden bald Head Teacher natin eh.

NATHAN: Kailan ba un nakipagusap sa atin ng hindi galit?

MARION: ANo pa ginagawa niyo? Punta na tayo.

JAPS: Sasama kayo?

VINCE: Of course naman, Syempre gusto namin makita un gwapong kalbo na un. I’m sure umuusok na naman un malapad niyang ulo!


Tawa naman ang mga loko..
Tama bang pagtripan un kalbo naming Head Teacher..
Ay, ano ba yan.nahawa tuloy ako..
Teka, sila lang pupunta?
Hindi kami sasama?



RAYNE: Japs, sasama ako.

JAPS: Huh? Huwag na. Madadamay ka pa.

RAYNE: Ikaw ang nadamay. It’s my entire fault.

JAPS: Puwede?

RAYNE: Please?

MARION: Hayaan mo na siya kung gusto niya sumama. Tagal niyo eh

VINCE: Oo nga. Mamaya na kayo maglambingan!

JAPS: VINCE!! Shut up!

KARISSA: Kami din!

MARION: Whatever!


Hayan na naman yang favorite line niya!
“Whatever???” Hello??
Upakan ko pa siya eh!
Well, wala na silang magagawa..
Sumama na kami.
Ready na un mga tenga namin sa malakas na sermon ni HT..
Hayan, andito na kami Head Teacher’s office..
Kakakaba naman..
Bahala na.



HT: Mr. Japs Guevarra!!! Alam mo ba un ginawa mo?!!


Aba..nagbubulungan pa tong si Vince and Nathan,.
Rinig ko naman.. [/color]


VINCE: Para na namang bulkan tong si golden bald.

NATHAN: Sasabog na yan…


Naku! Talaga tong dalawa..
Minsan nagkakasungay tong si Angel Nathan eh..
Buti na lang hindi sila naririnig ni HT.


HT: And worst pa! Naka-unifrom ka pa! Soge hulaan natin mangyayari bukas! Siguradong headline na naman sa newspaper, isang Xavier School Student nangkidnap ng kapwa ka-schoolmate! Hindi lang un! Nanggulo pa sa isang bar!


Grabe…
Sigaw ng sigaw si head Teacher..
Pero tignan mo naman, mukhang walang nakikinig sa kanya..


HT: At dahil diyan, masususpend ka!


Ano daw?!!
LAhat kami napatingin sa kanya dahil sa huling sentence niya!!



ALL except HT,Marion&Karissa: Suspend??!!

HT: Kulang pa ata un, Expelled na rin!

ALL except HT,Marion&Karissa: Expelled?!!

RAYNE: Head Teacher, kung isususpend niyo po si Japs or expelled, isama niyo na rin ako.

JAPS: Rayne?!

KARISSA: Rayne?


Hinawakan ko un kamay ni Rayne,,
Then I look at her eyes saying sure ka ba??
And I know that her respond is ok.



HT : Ms. Castillo, don’t blame your self. Wala kang kasalanan.

RAYNE: No, Head Teacher. It’s my entire fault.

HT: Ms. Castillo, ang inalala ko lang this time is un may-ari nun bar. I’m sure magrereklamo dahil sa mess na ginawa ni Mr. Guevarra.

VINCE: Hindi naman ako magrereklamo e.

HT: Mr. De Vera! Ikaw ba kinakausap ko?!

VINCE: Sabi mo eh, may-ari ng bar?

HT: Bakit? Ikaw ba ang may-ari ng bar?!

VINCE: Well, unfortunately, yes I am.

HT: Ano?!!

MARION: So Head Teacher, wala na tayong problema, wala ng magrereklamo.

HT: Well, hindi pa tayo tapos paano na lang ang mga newspaper!?!

NATHAN: Ako nap o bahala diyan.

HT: What?!

NATHAN: Head Teacher, did you already forgot that my father is the president of newspaper industry?


OMG!
Ang yaman naman talaga ni Nathan!
Eh si Marion kaya?
Don’t tell me, mas mayaman pa siya kay Nathan?
Grabe!


MARION: So we don’t have any problem? Wala nang kailangan isuspend or expelled. Kaya Head Teacher, we need to go home. Baka mag-alala na parents namin, it’s your another problem pa.

HT: O sige!! Umalis na kayo!!! Bilis! Masisira lang utak ko!


After that, umalis na rin kami..
Kawawa naman si Head Teacher, parang nagsayang lang ng laway kakatalak samin.
Tawa naman ng tawa tong mga kolokoy na toh,



VINCE: Katatawa talaga si Head Teacher!

RAYNE: Thank you Japs ha?

JAPS: Wala un. Basta kapag sinaktan ka ulit ng next boyfriend mo, dito lang ako.

RAYNE: Ok, Sorry kung nasampal ko un girlfriend mo.

JAPS: Correction, ex-girlfriend, by the way, she deserve it.

CIARA: Rayne! Halika ka na!


Panira naman ng sweet moments tong si Ciara.
Well, sayang..
Pero at least diba? My friend na rin tong classmate ko sa friend ko..
WAAAAHH?!!
Tama ba un nakita ko??
Hinalikan ni Rayne si Japs?!!!
Sa lips!!!!
Gosh!!
Pero smack lang..
Pero!!!Big deal na un!!
Yan tuloy si Japs, natulala,.,
Nakaalis na kami.


CIARA: Rayne, tama ba un nakita naming?

RAYNE: Huh?

KARISSA: Hello? Un kiss?

RAYNE: Jusko, it’s a thankful gift lang noh.

KARISSA: Grabe naman thankful gift un.

RAYNE: Well, it’s my first kiss.

KARISSA&CIARA: First kiss?!!!

CIARA: Teka nga, Rayne. Fisrt kiss mo un?

RAYNE: Oo nga. Kulit niyo naman.

KARISSA: Ang dami-dami mo ng naging boyfriend un pa lang first kiss mo?

RAYNE: Oo nga. Hindi ko naman basta-basta binibigay un first kiss ko eh.

KARISSA: Tange ka ba? Eh ano un ginawa mo kanina? Hindi lang ba basta-basta un?

RAYNE: He deserve it. Tama na nga yan. Diyan na si Manong. Bye2!


[MARION’S P.O.V]

Aba, tulala pa tong si Japs.
May sayad talaga toh.
Parang smack lang natulala na.



VINCE: Hoy! Ano nangyari sayo? Parang kiss lang eh

JAPS: It’s my first kiss.

ALL: First kiss?!!!

NATHAN: Sira ka ba? And dami-dami mong naging girlfriend un pa lang first kiss mo?

JAPS: Bakit ba? Walang pakialamanan! Hindi naman kasi ako kagaya ni Vince

NATHAN: Sa bagay..

VINCE: Ako na naman. Pero wait, tama ba un narinig ko kanina, sinampal niya girlfriend mo?

JAPS : Ex-girlfriend nga!

VINCE: OK! Ex- girlfriend! So ano?v

JAPS: Oo.

VINCE: Sino?

JAPS: Si Cindy.

VINCE: Cindy?! Un maganda? Sexy?!Model?!

JAPS: Oo nga. Kulit mo!

VINCE: Sayang, hindi ko napanood kanina. Tapang naman nun bestfriend ni Karissa.

JAPS: Sinabi mo pa.

NATHAN: Ano kaya itsura nun?


Hainaku, tawanan na naman tong mga toh..
Sa bagay, isipin niyo ba naman..
Un maarteng Cindy na un, sinampal lang nun bestfriend ni Isaw..
Ibang klase talaga ton Isaw.
Kung ano-ano dinadala samin.

No comments:

Post a Comment