LATEST UPDATE: CLASS 4-6 CH. 71 [FACEBOOK ACCOUNT]

MS.A

i just want to be UNKNOWN

*CLASS 4-6 official trailer*

Sunday, July 19, 2009

CHAPTER 19: Chocolate Box


CHAPTER 19: CHOCOLATE BOX


[JAPS’ P.O.V]



Papasok na ko sa classroom..
Right on time lang sa school time..
Pero syempre dahil mabait kaming lahat,
Wala kaming adviser kaya free time ulit!
Pagpasok ko,wow ah??
Nakatingin sila sa akin lahat..
May muta pa ba ko??



TROY: Japs, balita naming nakipagaway ka kahapon sa bar ni Vince?


Bilis naman talaga ng balita..
Well, first time ko kasi makipagaway ng walang kasama kahit isang class 4-6..
Kaya ko naman eh..Sa isang unggoy lang na un..
Hindi ko na kailangan ng mga back-up dancers..hahaha.joke!



JAPS: Bilis naman talaga ng balita.


Umupo na ko sa mahiwaga kong upuan..
Pero ng pagkaupo ko..
Nagulat na lang ako kung sino un nasa front door namin..



RAYNE: Excuse me?


Aba..Syempre tumayo na ko agad..
Hindi naman atat noh??
Baka maunahan pa ko ng mga kumag kong classmate.,,



JAPS: Oh? Rayne?


Wow! May dala pa siyang box!
Ano kaya laman nyan?
Para sa akin kaya???
Ehehe! Sana! Sana! Sana!



RAYNE: Ibibigay ko sana toh kay Karissa.


Aray naman!
Hindi pala sa akin.
Assuming kasi! Yan tuloy napala.



JAPS: Wala pa siya eh.

RAYNE: Puwede pabigay sa kanya?


Gawin daw akong utusan?
Hello?!
Pero para syo, sige bibigay ko na.
Isipin ko na lang binigay mo sa akin toh. :(



JAPS: O sige. Ano ba laman nito?

RAYNE: Chocolates yan.

JAPS: Gawa mo?

RAYNE: Yup.


Gawa niya?!!
Chocolate?!!
Akin na lang yan? Puwede?



RAYNE: Sige Alis na ko. Baka malate pa ko. Thank you ah?

JAPS: Wala un. Sige.


Aww..Bye-bye na baby!
Yuk! Umiiral na naman pagiging weirdo.
Hayan, umalis na siya.



[KARISSA’S P.O.V]


Hala!!!
Late na ko! Naku po!
Bilis Karissa!! Go!go!go!
Lipad na darna!
Hayan! Nakarating na rin sa hell..

Opps..Bakit nagtawanan tong mga kumag na toh?


KARISSA: Problema niyo?

VINCE: Nagmamadali ka na naman pumasok, eh wala naman tayong adviser eh!

KARISSA: Bayan, nakalimutan ko.


Asar naman…
Todo madali pa naman ako.,
AI kabayo!
Bayan,.nakakagulat naman toh..
Parang kabute kung saan-saan sumusulpot..



KARISSA: Late ka na naman. ???

MARION: Bakit? Ikaw lang ba may karapatan malate?

KARISSA: Duh? Isang beses pa lang ako nalalate, hindi katulad mo araw-araw!


Asar!
Umagang-umaga!Sira na agad araw ko!



JAPS: Ai Karissa, pinapabigay ni Rayne.

KARISSA: Huh? Sa akin?


Box??
Para saan toh? ANo okasyon?
Si Rayne? Ano naman kaya nakain nun?
Mabuksan na nga..
Chocolate???
Praning na ba un?
Alam naman niya na ayaw ko ng chocolate??
Para sa akin ba talaga toh???
Gagawin ba niya kong manghuhula??
Teka..alam ko na..!



KARISSA: Japs, Gusto mo sa’yo na lang?

JAPS: Huh? Binibigay mo sa akin yan? Eh bigay sayo ni Rayne yan?

KARISSA: Ayoko ko kasi ng chocolate.


Pakipot pa toh..
Alam ko naman, gustong-gusto niya un chocolate..
May dalawang stars na dun sa mata niya.
Binigay ko na un chocolate box
Tawang-tawa naman si engot..



JAPS: Baka magalit si Rayne.

KARISSA: Para naman talaga sayo yan eh

JAPS: Ano?

KARISSA: Ai wala.


Muntik na ko dun.
Buti bingi toh..
Makaupo na nga..



VINCE: Japs! Pahingi naman yan!

JAPS: AYOKO nga!!!

VINCE: Sige na! Konti lang!

JAPS: Ayoko nga!!

VINCE: Ang damot mo naman!!


Haynaku! Nagsimula na naman tong dalawa!
Ang sakit na naman sa tenga!
Aba, nasa tabi ko pala si Mr. Arrogant.



KARISSA: Cute nila noh?

MARION: Ano sila? Aso? ???

KARISSA: Hindi naman sa ganun.


HAYnku! Nagsimula na naman toh!
Aba.Lumipat ng upuan! Sipain ko siya eh!



KARISSA: Bad-tempered person talaga! Hindi ko malaman kung mabait ba yan or hindi.

NATHAN: Lahat ng friends ko, mababait.

KARISSA: Ay naku po! Pinaglihi ka bas a kabute? Lagi ka na lang sumusulpot kung saan2!

NATHAN: Sorry ah..

KARISSA: Wait, Mababait?

NATHAN: Yup. Sa mga kaibigan nga lang din nila.

KARISSA: Mabait naman sila sa akin kahit papano eh. So it means, friends na nila ko?

NATHAN: I don’t think so.


Huh?? Ano daw?
Hindi ko naintindihan..
Bumalik na rin siya sa upuan niya..
I don’t think so??
Anong sagot un?
Yes or NO?



SAPULL!!!!!!!!!!!
OUCH AH!!!

May tumamang bola sa noo ko!! Masakit un ah!! Kahit soft ball lang!!



KARISSA: Nathan, I think I already know your answer.


Ngumiti na lang siya..
Hayop talagang Class 4-6 toh..

No comments:

Post a Comment