LATEST UPDATE: CLASS 4-6 CH. 71 [FACEBOOK ACCOUNT]

MS.A

i just want to be UNKNOWN

*CLASS 4-6 official trailer*

Tuesday, July 21, 2009

CHAPTER 43: May GF ako - MARION


CHAPTER 43: MY GIRLFRIEND AKO -MARION



NATHAN: …your girlfriend, KARISSA.

MARION: NATHAN!!!!!!


Asar talaga tong si Nathan.
Pasalamat talaga siya masakit tong buong katawan ko..
Kundi kanina pa siya lagot sa akin..
So nakilala niyo na ang dark side ni Nathan,.
Yan talaga si Nathan, kahit most of the times, tahimik lang yan.
Pero kapag nangasar or nangpikon, naku..
Maasar ka talaga..
Katulad na lang ng ginawa niya sa akin at sa Class 4-6..
Kaya nga naging Class 4-6 yan eh



AUNTIE K: Young Master, may girlfriend ka?

MARION: WALA PO!!!

AUNTIE K: Stay calm, iho. Nagtatanong lang naman ako.

MARION: Sorry, Auntie K. Wag niyo na lang po pansinin un mga sinabi ni Nathan.

AUNTIE K: Ok, un ang sabi mo eh. Sige, dalhin niyo na siya sa kwarto niya.

MARION: Auntie K, pakiutos na lang kunin un kotse ko sa school.

AUNTIE K: Ok, young master. Magpahinga ka na lang. ano ba gusto mong treatment?

MARION: Wag na po. Tulog lang po ito.

AUNTIE K: Ok, sige. Magpahinga ka na lang.


Dinala na ko ng men in black ko sa kwarto ko..
Gusto niyo Makita kwarto ko??
Well, better luck next time na lang..
Masyado na kong nagiging showy..
Nakita niyo na naman un bahay ko eh.
Anyway, gusto ko muna matulog..
Kung tatanungin niyo kung tatawagan ko si Isaw?
WELL.. ASA!!!



*AFTER HIS LONG SLEEP!!!!*


Sakit ng ulo ko..
Pero mas ok na rin toh, medyo hindi na masakit katawan ko..
Anong oras na ba?



MARION: 10PM na pala. Gising pa kaya un?



[KARISSA’S SCENE]


10PM na pala..
Pero hindi pa rin ako inaantok.
Ewan ko ba, parang may hinihintay ako..
Hindi ko naman alam kung ano un..
Basta ito ako ngayon, nakahiga sa kama ko..
Syempre medyo masakit pa un katawan ko..
Dahil nga dun sa pagbagsak ko kanina..
Hay, kamusta na kaya si Marion??
Siguro ilang araw ko din siyang hindi makikita..
Teka, ano ba tong iniisip ko?
Hanggang ngayon ba, siya pa din iniisip ko..


>>>RINGTONE<<<

Wait, phone ko un ah?
Mabuti na lang nasa lampshade ko lang..
Sino kaya tong tumatawag na toh?
Gabing-gabi na ah..



KARISSA: Hello?... ….Hello?...


Wala pa yatang balak magsalita nun kausap ko..
Bababaan ko na sana..



“Hello”

KARISSA : Sino toh?

“Marion toh”

KARISSA: Excuse me? Hindi ako nakikipaglokohan. Sino ba talaga toh?

MARION: Si Marion nga toh! Puwede ba?!

KARISSA: Ai, ikaw nga yan.


Shocks!!Si Marion pala un..
Kakahiya naman..
Kasi naman diba?
Kahit kayo nagulat na tumawag siya sa akin..



MARION : Ganun ba kaimpossible na tumawag ako sayo?

KARISSA : Kinda? Paano mo pala nalaman number ko?

MARION: From Japs.

KARISSA: Urgh.. kaya pala. Eh bakit ka naman tumawag?

MARION: Dahil dun kanina. Nun pagiwan namin sayo.

KARISSA : Wag kang mag-alala. Ok na un.

MARION: Huh?

KARISSA : Inexplain na sa akin lahat ng mga classmates natin.

MARION: Ah ganun ba? Mabuti naman. Maasahan ko talaga sila.

KARISSA: Teka, may tanong pala ako.

MARION: Ano un?

KARISSA: Bakit pare-parehas un ringtone niyo? Tapos nag-iiba-iba pa?

MARION: Sila lang un.

KARISSA: Huh?? Wait.. so it means, ikaw un nagtetext sa kanila so-called boss nila.

MARION: Hmm. Siguro?

KARISSA: Huh??

MARION: Kapag ako nagtetext sa kanila, ganun lagi ringtone nila. Parang personalized ringtone.

KARISSA: Ah, ikaw pala un mnmention ni Japs kanina. Teka, eh diba sa calling lang puwede un?

MARION: Hindi mo yata kilala un kausap mo, si MARION GATCHECO toh.

KARISSA: Oo nga pala, un mahangin naming President.

MARION: May sinasabi ka ba?

KARISSA: Wala.Uhm..magaling ka na ba?

MARION: Medyo. Hindi na ganun kasakit. Ikaw?

KARISSA : Ok na ko. Im sure nasaktan ka ng husto.

MARION: Ang bigat mo kasi e.

KARISSA: Alam ko na un, hindi mo na kailangan manlait. Pero thank you na rin dun.

MARION: Sinabi ng tigilan mo ng pagsasabi ng thank you.

KARISSA : Eh hindi ko mapigilan eh. Ay oo nga pala, kamusta na un 15MILLION CELLPHONE mo?

MARION: ANO ULIT UN SINABI MO?!!!

KARISSA : Hindi ako bingi ok? Hindi mo kailangan sumigaw. Ang sabi ko un, hinagis mong 15MILLIONCELLPHONE mo.

MARION: Paano mo nalaman?

KARISSA: Sa palagay mo? Paano ba?

MARION: Kahit kailan talaga sila. Ikaw lang ba nakakaalam?

KARISSA: Nope. Lahat ng nasa court.

MARION: Badtrip.

KARISSA: Akala mo lang ikaw lang nababadtrip diyan.

MARION: Bakit?

KARISSA: Ako din noh. Mapapatay ko talaga yan si Japs.

MARION: Bakit naman?

KARISSA: Ikaw din pala ang may dahilan!

MARION: Anong ako?! Puwede ayusin mo un sinasabi mo? Wala akong maintidihan.

KARISSA: Kasi naman kung hindi ka nagtext kay Japs para tanungin un number ko, edi sana hindi siya nanghiram ng cellphone.

MARION : Wait, lilinawin ko sayo toh ah. Una, hindi ako nagtext kay Japs nun. Si Nathan un nagtext sa kanya para makuha un number mo gamit tong cellphone ko. At pangalawa, ano naman kung ginamit niya un cellphone mo?

KARISSA: Sorry ha? Hindi ko alam. Anyway, edi nakita ng lahat un cellphone ko.

MARION: Ah, un P10 Million na cellhone na may pink diamond.

KARISSA: Paano mo nalaman un?!

MARION: Sino nga ulit ako?

KARISSA: Marion Gatcheco.

MARION: Edi nasagot mo din yan tanong mo.

KARISSA: Grabe noh? Dami ng kamalasan na nangyari sa akin this past few days.

MARION: Kaya nga dapat magingat ka lalo.

KARISSA: Nag-iingat naman talaga ako e. lapitin lang talaga ng malas.

MARION: Hindi un malas.

KARISSA: Ano?

MARION: Naalala mo ba un tinanong ko sayo dati bago ka magauditon?

KARISSA: Kung kaya ko bang tanggapin un mga consequences.

MARION: Tama ka.

KARISSA: So what’s your point?

MARION: Ito na nga un. Itong mga nangyayari sayo un mga consequences,

KARISSA: ALam ko naman na ganito mangyayari eh.

MARION: Alam mo naman pala eh. Bakit tinuloy mo?

KARISSA : Eh ito lang un way para tanggapin niyo ko eh.


*SILENCE*


KARISSA: Hui, Marion?

MARION: Sorry.

KARISA: Sorry for what?

MARION : Kasi hinayaan ka namin pumasok sa ganito. Lagi ka na lang namin sinasaktan.

KARISSA: Ano ka ba, worth it naman eh. Masaya naman tayong lahat eh.

MARION : Basta dapat lagi mong ingatan yan sarili mo.

KARISSA: Oo na nga. Alam mo, may naaalala ako sayo.

MARION: Huh? Sino naman?

KARISSA: Ah basta..


Sino naman kaya un tinutukoy niya?
Boyfriend kaya niya?
Ex-boyfriend?
Nagseselos ba ko?
Syempre, hindi!
Ata?



MARION: Boyfriend mo ba?

KARISSA: Hahahaha!!! Boyfriend?!

MARION: May nakakatuwa?

KARISSA: Wala nga kong ex tapos boyfriend pa kaya?!!!

MARION: So kapatid mo pala si Barney.

KARISSA: Huh??

MARION: Si Barney, No Girlfriend Since Birth, tapos ikaw din NO BOYFRIEND SINCE BIRTH!!! HAHAHAHAHAHAHAHA!!! ;D ;D ;D ;D ;D ;D ;D ;D ;D :D :D :D :D :D :D :D


Grabe makatawa toh.
Parang wala ng bukas.
MAY BUKAS PA!! Amen Santino.
Ano ba yan..napapraning na ko.
Naiinis na ko sa kanya…
Tama bang manginsulto?!?!



KARISSA: Tama na nga yan!! Kung makatawa ka diyan, parang hindi ka din ganun.

MARION: Ako ba sinasabihan mo?

KARISSA: OO!!! As if naman nagkagirlfriend ka na?

MARION: Paano kung sabihin kong meron?

KARISSA: Hindi nga?!!!



OH MY GULAY!!!
Napatingin talaga ako sa kanya
Nagjojoke siya diba?!!



MARION: Sa maniwala ka man o hindi, meron na nga ko..


Parang nadurog un heart ko..
Teka, ano ba tong pinagsasabi ko..
Wala dapat akong pakialam kung may girlfriend siya or wala.diba?
TAMA AKO READERS DIBA?



KARISSA: Oh? Talaga? Bakit hindi mo man lang siya pinapakilala?

MARION: Bakit pa?


OUCH naman talaga!!
Oo nga naman Karissa, may point siya!
Sino ba naman ako? Isang taong pampagulo sa masaya niyang buhay..
Pero tandaan niya, siya ang taong pampasaya ng magulo kong buhay..
Teka,teka.ano ba pinagsasabi ko??
Napaparanoid na ko!!!



MARION : Eh break na kami 2 years ago.

KARISSA: Hindi nga?!


Parang natuwa lahat ng nerves sa buong katawan ko!!
HAHAHAHAHA!!
Teka, bakit ba ko natutuwa?!!



KARISSA: Bakit ba kayo nagbreak?

MARION: Bakit parang kanina ko pa naririnig na tuwang-tuwa ka yata?

KARISSA: Huh? AKO?!! HINDI ah!!

MARION: Parang lang. kung makareact ka naman diyan.

KARISSA : Hindi ah? Teka iniiba mo un usapan eh. Bakit ba kayo nagbreak?

MARION: Ayoko pagusapan un tungkol doon.

KARISSA: Ang bitter ah? Paano ka kaya nagkagirlfriend ng ganyan ang ugali mo.

MARION: Hindi ka pa matutulog?

KARISSA: Bakit?

MARION : Inaantok na ko.

KARISSA: Gentleman mo talaga. Sa bagay, inaantok na rin ako.

MARION: Sige, tulog na tayo.

KARISSA: Sige. Goodnight. Thank you ulit. Magpahinga ka na ah? Nyt.



*toot*toot*toot*toot*toot*


KARISSA: Huh?? Binaba niya agad? Wala man lang goodnight?


>>RINGTONE<<


Quote
FROM: 09*********

Gudnyt 2 ISAW! switDrims nd slptyt..have a gud rest. OK? Rmmbr this, no matter wat happen, I’ll protect you. OK? SEE YOU TOM.


Sobrang tuwa ko!!!
Nagtatalon-talon ako sa kama..
Grabe!! Bakit ganito feeling ko?!!
Parang automatic lang ah!!
Inedit ko agad un number niya..



Quote
EDIT:
NAME: 09********* to “MY BOSS, MY HERO”


WAHAHAHAHA!!
Tuwang-tuwa talaga ako!!
But then I realized..
Biglang nagsink-in sa utak ko un huli niyang sinabi..











“SEE YOU TOM”
Magkikita kami agad BUKAS!!!

No comments:

Post a Comment