CHAPTER 64: the REAL MARION VS. NATHAN
ALL: ONE-ON-ONE?!!!!!

MARION: Nathan, sigurado ka ba diyan?
NATHAN: Mas maganda kung itatanong mo yan sarili mo, sigurado ka bang kaya mo kong laban?
Hinahamon niya ba talaga ako”??
Sige, hindi ko naman siya aatrasan eh.
Ako pa? Marion Gatcheco toh..
At alam kong hindi lang toh basta basta one-on-one
MARION: Sige, game ako.
ALL:

>>>>>>>>>BLLLLLLAAAG<<<<<<< ALL:

MARION: Class 4-6, anong ginagawa niyo dito?
VINCE: Ano pa nga ba? Edi manonood ng one-on-one niyo.
NATHAN: Paano niyo naman agad nalaman un?
CLASS 4-6: Sino nga kami?
ALL: EDI CLASS 4-6!!!
JIN: Isa na nga toh sa mga most awaiting event ng Class 4-6.
ALT: Syempre, hindi namin toh papalampasin.
JAPS: Sino nga kaya ang mas magaling sa inyong dalawa?
MARION: Tama na yan, umupo na kyo.
Dahil masunurin ang Class 4-6, sumunod silang lahat..
At heto na kaming dalawa ni Nathan sa gitna..
Sino nga talaga ang mas magaling sa amin?
At ano kaya nasa isip nito?
Pero kahit ano pa yan, hindi ko siya aatrasan..
Napansin ko na rin na parami ng parami ang pumapasok sa court..
ANg bilis talaga kumalat ng balita..
NATHAN: Before tayo magsimula, syempre dapat may rules tayo. Ok lang ba sayo na ako na ang magdecide para sa rules natin?
MARION: Bahala ka na.
NATHAN: Ok, sabi mo eh. First, wala tayong referee so ibig sabihin tayo lang ang tatawag mismo ng foul natin. Ok lang ba sayo un?
MARION: Ikaw bahala.
NATHAN: Next, race to 10 ang ang laro natin. OK --
MARION: Ikaw na nga ang bahala.
NATHAN: Last one, sa ayaw mo man o sa hindi, kasama na toh. Actually, hindi to rules, it’s a request.
MARION: Ano nga un?
Parang meron akong hindi magugustuhan..
Pero wala akong maintindihan..
Ang naiintindihan ko lang palapit ng palapit sa akin ngayon si Nathan.
NATHAN: Karissa, puwede ka bang maging scorer namin?
Minsan itong si Nathan parang sumusobra na?
Ang dami naman puwedeng maging scorer,
Bakit ako pa?
Pero, may magagawa pa ba ako?
KARISSA: Ayos lang naman sa akin.
NATHAN: Thank you talaga.
MARION: Un lang ba rules natin?
NATHAN: Wala na naman. Mukhang excited ka na ah?
MARION: Gusto ko lang matapos na.
NATHAN: So? Simulan na natin?
MARION: Sayo na ang first ball.
NATHAN: Sige, hindi ko tatanggihan.
Pumunta na sila sa gitna,
At ako naman andito sa scoreboard..
Halatang-halata ang tense dito sa loob ng court..
Kahit ako sobrang kinakabahan ..
Hindi ko alam kung bakit..
Sino nga kaya ang mananalo?
At sino kaya ang gusto kong manalo?
Talagang nananadya tong si Nathan..
Kailangan si Karissa pa talaga ang scorer..
One-on-one talaga ah??
Pwes, simulan na natin
NATHAN: Alam mona siguro tong laban na toh?
MARION: Kilala mo ko, Nathan.
NATHAN: Than that’s good. May the best MAN WIN.
Biglang tumakbo si Nathan sa right side ko..
And SHOOT!!
Nakaisa na siya agad..
Seryosohan talaga toh..
NATHAN: One point agad? Wag mo kong i-underestimate, wag mong sinasayang ang chances mo.
Iniinis ba talaga niya ko?
So ganito talaga ang laban?
Sige, sisimulan ko na talaga ang laban..
Nagddribble na ko at nakatingin lang ako sa kanya..
Pero mas naiinis ako sa expression ng mukha niya..
Hindi ko alam kung nangaasar ba talaga siya eh..
Sisimulan ko na nga tumakbo.
At SHOOT!!!
Shoot ni Nathan..
Hanep, nasteal niya un bola
NATHAN: Hindi mo ko katulad, kahit konting chances hindi ko ibibigay sayo.
Ganun ba talaga siya kagaling?
O ako lang toh na wala sa sarili..
Ganito ba siya kaseryoso kay Karissa?
Kailangan pa talaga may karibal ako??
At bestfriend ko pa..
Mukhang hindi ko kakayanin.
NATHAN: Hanggang diyan lang ba kaya mong ipakita sa kanya? Hindi ka ba nahihiya? Wala siyang mabigay na score sayo?
Hindi ko alam kung sadyang naiinis ako sa paguugali ni Nathan ngayon p sadyang natatamaan talaga ako sa sinasabi niya?
Medyo? Pahapyaw?Konti? Basta sumilip ako sa side ni Karissa.
Hindi ko alam kung ano iniisip niya ngayon.
Pero wag sana disappointment..
Nagsimula na ulit kaming bumalik sa tunay na laro,.
Kialangan mashoot ko na toh.
1..2..3.. BOOM!!!
Anak ng pating! STEAL na naman!
Pero may kasama pang FOUL!
At shoot na naman niya,
NATHAN: Oh? Makakatitig ka? Bakit? May foul ba?
Tae toh. Sasabihin ko bang may foul o hindi?
Kasi kung sasabihin ko,
Parang ang hina ko naman kasi dedepende ako sa foul,
Para makachances..
Pero kung hindi naman,
Unfair naman sakin un.
NATHAN: KARISSA! May foul ba?
KARISSA: Huh?
NATHAN: ANg sabi ko, kung may foul ba kong ginawa?
KARISSA: Bakit ako tinatanong mo?
NATHAN: Nakalimutan kop ala sabihin, besides sa amin. Dahil ikaw na rin ang scorer, ikaw na rin ang magdedecide kung may foul ba kami o wala.
Hala, pati ako kasali sa ganun?
Ito nga pagiging scorer nahihirapan na ko,
Maging referee pa?
Anong isasagot ko?
ALam kong may foul si Nathan pero..
Hindi ko kayang sabihin..
Hindi dahil mas mahalaga si Nathan dahil hindi totoo un.
Pero parang may pumipigil sa akin.
Kalahati ng katawan ko gusting sabihin “OO, foul ka Nathan” para kay Marion..
Pero kalahati ng katawan ko gusto ko naman sabihin “wala siyang foul, Marion” para kay Nathan.
Ano ba talaga??
MARION: Wala kang foul, Nathan. Ok na ba?
NATHAN: Oo naman. Tuloy na natin?
Back to the position na kaming dalawa.
Alam na alam talaga ni Nathan ang kahinaan ko..
Alam ko kasi na mahihirapan si Karissa na sumagot..
At ayoko din marinig un magiging sagot niya..
NATHAN: Talagang pinagpapatuloy mo yan?
Syempre wala pa din akong sagot.
Hindi ko alam kung mas magaling ba talaga siya sa akin
O hindi ko lang siya kayang labanan?
1..2..3..
SH—
BOOM!!!
FOUL na naman!!!
1..2..3..
BOOM!!!
FOUL AGAIN!!!!!
NATHAN: Paano ba yan0-5 na ang score? Ganyan ka lang ba kung lumaban? Kung ganyan lang, karapat-dapat nga talaga akong manalo. Hindi ka ba nahihiya sa mga nanonood sayo? Puwede mo rin ikabagsak yan? Ang SC President ng school natalo lang ng isang iglap. Take note, captain ball ka pa naman. Pero ang mas matindi, nakikita ka ni Karissa. Nakikita niya na hindi mo talaga siya kayang ipaglaban. Sa bagay, parang sumuko ka na sa kanya diba? Kung ako sayo, magback out ka na habang maaga pa. Kesa naman si Karissa na ang magsabi niyan. Dahil ngayon pa lang, hindi ka na DESERVING sa kanya.
…SILENCE…
MARION: Ang dami mong satsat. Ito na talaga ang SIMULA.
SHOOTTT!!!
OMG!OMGulay!OMGosh!OMGod! basta OMG!!!
3 POINT SHOOT un!!
Tipong wala pa yata siyang effort nun.
Ano naman kaya un pinagsasabi ni Nathan?
Sayang, 1 point lang un.
Pero ayos lang, at least may score na siya..
Ito pa lang talaga ang SIMULA.
SALAMAT NATHAN.
Dahil sa sinabi niya, parang gumising lahat ng nerves ko.
Narealize ko, wala na dapat akong chances na binibigay..
Andito na nga pala ako ulit, para ibalik un dating KAMI..
Kakalimutan ko muna na bestfriend ko si Nathan..
Siya muna ang KARIBAL ko ngayon
NATHAN: Buti nagising na yan diwa mo.
MARION: Salamat sa paalala.
NATHAN: Tandaan mo pa din, hindi ako magpapatalo..
MARION: Tandaan mo din, papatunayan ko sayo at lalo na sa kanya na DESERVING ako.
SHOOT!!!
STEAL!!!
SHOOT!!!
STEAL!!!
SHOOT!!
SHOOT!!
SHOOT!!
STEAL!!!
SHOOT!!
SCORE: 9-9
Grabe, tense na tense na kaming lahat dito sa court..
Sino nga kaya ang mananalo?
Ayaw ko magisip kung sino un gusto kong manalo
Dahil ayaw kong maDISAPPOINT ako.
Na kay Nathan na un bola ngayon,
Iniisip ng lahat si Nathan na ang mananalo..
Dahil ba nasa kanya na un bola?
Bakit? Kaya naman siguro ni Marion isteal un bola. Diba?
NATHAN: Last shoot na toh? Kaya mo pa?
MARION: Kilala mo ko Nathan, hindi ako agad sumusuko lalo na sa pagkakataon na toh. Hindi ko siya kayang i-give up ng basta basta lang.
1…2…3…
STEAL!!!
SHOOT!!!
AT nagsimula na nga maghiyawan ang mga tao..
Ang nakapagtataka lang,
Bakit parang binigay na lang ni Nathan un bola kay Marion?
What I mean is, nun pagkasteal ni Marion hindi na niya hinabol si Marion.
Anong problema nitong si Nathan?
Bakit parang hinayaan na lang niya ko?
NATHAN: Nice game, PARDX!
MARION: Pardx?
NATHAN: Oo, Bakit ayaw mo bang tinatawag kitang Pardx? O baka naman kinalimutan mo na un?
MARION: Hindi naman, pero diba sinabi mo noon --
NATHAN: Ano ka ba, kung ano un iniisip mo, guni-guni mo lang un.
MARION: Anong--
NATHAN: Gaya nga ng sabi ko dati “Hindi ako tumatalo ng kaibigan” Alam mo naman siguro kung sino talaga ang “only one” ko. Hanep ka Pardx, kailangan ko pa gamitin tong method na toh para malaman un totoo.
MARION: Tarantado ka Pardx.
Parang baliw un dalawa.
Pagkatapos ng serysong labanan, ngayon naman parang mga batang nagtatawanan.
Ano naman kaya nangyari sa dalawang un?
Pero sa tingin ko, mas maganda un ganito.
Alam kong nasa good condition silang dalawa.
Papunta na silang dalawa sa shower room..
At unti unti na rin umalis ang mga estudayanteng hindi naman cheerdancers at players sa court.
Except na lang sa Class 4-6,
Mukhang wala yata balak bumalik sa klase un mga un.
CARMELA: Thank you ah?
KARISSA: Huh? Para saan naman?
CARMELA: Dahil sayo, sumali ulit si Kuya Marion sa basketball team.
KARISSA: Naku, mali ka na naman ng iniisip. Hindi un ganun. Kinailangan niya lang sumali saka sabi naman niya personal decision niya un.
CARMELA: Naniwala ka naman dun?
KARISSA: Ano??
CARMELA: Wala, uhm anyway, nasan na nga pala un dating basketball captain ball niyo?
KARISSA: Ah, si--
CHLOE: CARMELA!!!! Ano pa ginagawa mo diyan?! Malalate na tayo!!
CARMELA: Sige, andiyan na ko. Pasensya na Ate Karissa. Next time na lang ah?
KARISSA: Sige, bye.
Sayang naman,
Umiral na naman kasi ang attitude ni Chloe.
Next time na lang siguro ako magtatanong ulit tungkol dun sa dating captain ball..
Ewan ko ba, nacucurious ako..
BAKIT NGA BA?
??
.jpg)
No comments:
Post a Comment