CHAPTER 54: HELLO AND GOODBYE
DINO: Kailangan mo ba talaga umalis?
CARMELA: Bez, ilan beses ko ba sasagutin yan tanong mo?
DINO: Eh kasi naman, biglaan naman toh.
CARMELA: Biglaan din un nangyari.
DINO: Eh diba? Ayos na naman siya.
CARMELA: Dino, kilala mo si Chloe. Alam mo naman pati kung gaano namin kamahal un.
DINO: Asan na ba yan si Chloe?
CARMELA: Para naman hindi mo kilala un.
AIRPORT: ALL PASSENGERS FOR FLIGHT TO PHILIPPINES -- *blah*blah*blah*
CARMELA: Oh, bez. I have to go na.
DINO: Mamimiss talaga kita. Don’t worry, susunod ako dun.
CARMELA: Talaga? Sige, sabi mo yan ah.
DINO: Promise. Oh hayan, nagpromise na ko.
CARMELA: Hihintayin kita dun ah. Ok?
DINO: Ang kulit mo. Sige na. Alis ka na.
AFTER 16 HOURS…
PHILIPPINE AIRPORT…
Hay, grabe. After long years,
Nakabalik na rin ako dito..
Namiss ko agad si bez,..
Wait lang! Hindi ko siya boyfriend. OK?
Siya lang aking BESTFRIEND PERIOD.
Ang TANGING kaibigan ko sa Amerika.
Imposibleng, mainlove ako sa kanya dahil may laman na tong puso ko.
At HINDI siya un.
Ang corny ko na naman, kaya wala may gusto sa akin eh.
Teka, tama na nga tong pagddrama ko.
Kailangan ko na makalabas dito para hanapin un susundo sa akin..
PHILIPPINE AIRPORT WAITING AREA..
Ang laki na talaga ng pinagbago nitong Pilipinas.
Kailan pa nagkaroon ng train station tong airport??
Ayos ah? 2 in 1 na??
Hindi naman masama siguro kung maglibot-libot muna ako.
Tamang-tama may package counter dito..
Teka, package counter?
Kailan pa nagkaroon ng package counter sa airport??
Kakaiba na tong airport sa pilipinas ahh..
Teka, ibigay ko na nga tong gamit ko sa package counter.
CLERK1: Mam, ito na po un number niyo.
CARMELA: Thank you.
Pagkatapos ko dun, diretso na ko agad sa train station..
Grabe, ang daming tao dito..
Teka, siguro nagtataka kayo kung bakit pure tagalog lahat ng sinsabi ko,.
Eh sa states naman ako nanggaling..
Ibahin niyo ko, hindi ako katulad nun iba na nanggaling lang sa Amerika eh halos wala ng alam na tagalog..
Saka HELLO?? Nasa Pilipinas na kaya ako.
Kaya magtatagalog na ko..
Wait, may nakikita akong cute na bata..
Parang may mali dun sa position niyo.
Ewan ko kung ano, but I feel that there’s something wrong..
Naglalaro naman siya ng toy, un nga lang ang daming tao.
Tapos nakaupo siya sa sahig, doon sa may tabi ng babaan ng train.
Anong mali dun??

MAHUHULOG SIYA SA RAILWAY!!
Syempre to the rescue ako, pinuntahan ko agad un bata para itabi siya..
Hay, buti na lang nakita ko siya agad kundi mahuhulog siya..
OUCH!! May biglang bumangga sa akin..
And because of that, nawawalan ako ng balance..
And…..
NAHULOG AKO SA RAILWAY..
OMG!!!
PAANO BA TOH?!!!!
May parating na train!!!
Ano ba naman toh?!!!
Ito na ba talaga ang katapusan ko?!!!
Hindi ko na ba makikita ulit si Ku--
Wait, may tumalon na lalaki kung saan ako nakaupo at naghihintay ng kamatayan ko..
Nagkatitigan kami for 3 seconds!!
At saka niya ko binuhat at umalis sa kinatatayuan namin..
AT SA WAKAS, I’M SAFE!!!
GUY: Ok ka lang?
CARMELA: Yup.
SHOCKS!! Ang gwapo niya!!
NO!NO!NO!
May mahal na ko, OK?
CARMELA: I’m ok. Thank you pala.
GUY: By the way, Im Chris.
CARMELA: I’m Carmela.
CHRIS: Anong ginagawa mo dito?
CARMELA: Galing akong States.
CHRIS: Talaga? Eh anong ginagawa mo dito sa train station?
CARMELA: Nagiikot-ikot lang ako.
Hindi rin siya matanong noh??
Actually, hindi lang talaga sanay makipagusap lalong lalo na sa lalaki..
Tatlong lalaki pa lang sa buhay ko ang nakakausap ko ng matagal..
CHRIS: Wala ka pa bang sundo?
CARMELA: Wala pa eh.
CHRIS: Halika na, doon na tayo sa waiting area baka andun na un sundo mo.
CARMELA: Huh?
Nagsmile lang siya sa akin..
Anong problema nito??
Hindi naman siya feeling close noh??
Wala na rin akong nagawa kundi sumunod..
ANG TANGING ALAM KO, SUMUNOD.
WAITING AREA…
Umupo na kami dito sa waiting area..
Hay, bakit kaya wala pa din un sundo ko..
CHRIS: Alam ba ng sundo mo un flight mo?
CARMELA: Oo.
CHRIS: Sino ba susundo sayo?
CARMELA: Hindi ko kilala eh.
CHRIS: Huh? Bakit hindi mo kilala?
CARMELA: Un kapatid ko un nakipagusap dun sa susundo sa akin.
CHRIS: Asan un kapatid mo?
CARMELA: Bukas pa un flight niya.
CHRIS: Bakit hindi na lang kayo nagsabay?
CARMELA: Ayaw niya kong kasabay eh. Saka ayoko din eh.
CHRIS: Huh? Bakit naman?
CARMELA: Magmumukha lang akong alalay nun.
CHRIS: Oh? Edi kung ako pala kasama nun, ako naman un driver. Actually may flight naman ako papunta sa Amerika.
Natawa naman ako dun..
Ok lang pala kahit madaldal tong isa,
Hindi naman ako ganun mabobored..
Diba may flight pa siya ?
CARMELA: May flight ka pa diba?
CHRIS: Mamaya pa un flight ko.
CARMELA: Ikaw lang ang aalis?
CHRIS: Hindi.
CARMELA: Sino kasama mo?
CHRIS: Un ate ko.
CARMELA: Eh asan siya?
CHRIS: Bukas pa un flight niya.
CARMELA: Bakit bukas pa?
CHRIS: Hay naku, ayokong kasabay un.
CARMELA: Huh? Bakit naman?
CHRIS: Naku, wag mo na itanong. Maiinis ka lang sa ugali niya.
CARMELA: Hindi naman siguro. Bakit ba kayo aalis?
CHRIS: Dahil din sa bruhang kapatid ko.
CARMELA: Huh?
CHRIS: May mga ginawang kalokohan kasi kaya hayan pinadala ng parents ko sa Amerika.
CARMELA: Bakit kasama ka?
CHRIS: Syempre laging kasama ang dakilang bantay,
CARMELA: Ah.
CHRIS: Ako na yata ang pinakamalas na tao na nagkaroon ng ganun na kapatid.
CARMELA: Huwag ka naman ganyan. Kapatid mo pa din un
CHRIS: Nasasabi mo lang yan dahil wala kang kapatid na katulad niya.
CARMELA: Diyan ka nagkakamali, magkaparehas lang tayo ng sitwasyon. Ang pinagkaiba lang natin, kahit ganun un kapatid ko mahal ko pa din siya.
CHRIS: Martir ang tawag sayo.
Oo na. Alam kong martir nga ko.
Pero ganyan talaga ako sa kapatid ko.
Hay, kakaiba tong lalaki na toh..
Ng dahil sa kanya nagiging madaldal ako.
At matanong..
Pero halos parehas kami ng sitwasyon..
CHRIS: Pero siguro wala pa nawawala sayo kaya nasasabi mo pa yan.
CARMELA: Nawawala?
CHRIS: Ng dahil sa kanya, kailangan kong iwan ang pinakamahalaga sa akin.
CARMELA: Pinakamahalaga? Girlfriend mo?
CHRIS: Naku, never yan pumasok sa dictionary ko.
CARMELA: Eh ano un mahalaga na iniwan mo para sa kapatid mo?
CHRIS: Basketball.
CARMELA: Basketball?? Eh kahit naman nasa states ka na, magagawa mo pa din yan
CHRIS: Magkaiba un doon at dito. Buhay ko na ang paglalaro nun. Doon ko binuhos lahat, Mahal ko ang basketball team namin.
CARMELA: Captain Ball ka noh?
CHRIS: Yup. Pero 2 years lang akong naging captain ball.
CARMELA: Sa bagay, importante nga un. Kaso paano na lang un team mo na naiwan mo?
CHRIS: Hindi na rin ako nag-aalala. Dahil binalik ko na sila sa dati nilang captain ball.
CARMELA: Mabuti nga un sayo basketball lang un nawala sayo.
CHRIS: Bakit? May iniwan ka ba sa Amerika na napakahalaga sayo?
CARMELA: Hindi. Pero nun umalis kami dito ng kapatid ko, may iniwan akong napakaimportanteng tao sa akin.
CHRIS: Un boyfriend mo noh?
CARMELA: Never naging kami.
CHRIS: Bakit naman?
CARMELA: Nakikita lang niya ko bilang little sister.
CHRIS: Malay mo diba, mahal ka din niya.
CARMELA: Impossible un. May mahal na siyang iba. At alam kong mahal na mahal niya un.
CHRIS: Ouch naman un.
CARMELA: Isa na rin un sa mga dahilan kung bakit hindi ko siya puwedeng mahalin.
CHRIS: Isa na rin un? Bakit? Meron ka pa bang reason?
CARMELA: Oo. Hindi ko siya puwedeng mahalin dahil mahal din siya ng kapatid ko.
CHRIS: Ano?? Siya ba un tinutukoy mong mahal ng mahal mo?
CARMELA: Hindi. Iba pa un.
CHRIS: Ayos ah. Parehas ang mahal niyo pero hindi naman kayo mahal.
CARMELA: Hindi mo naman kami masisisi eh. Simula pagkabata siya na un kasama namin.
CHRIS: Ah. Childhood friend niyo pala.
CARMELA: Actually, siya lang ang kaclose ko dito na hindi kamag-anak.
CHRIS: Talaga? Bakit naman?
CARMELA: Wala naman gustong makipagkaibigan sa akin. Mas pinipili pa ng iba na makipagkaibigan sa kapatid ko kaysa sa akin.
CHRIS: Huh?? Ang ganda-ganda mo nga eh, walang gusto makipagkaibigan sayo?
CARMELA: Tama na nga yan. Nagbobolahan na tayo.
CHRIS: Pero sa Amerika, marami kang kaibigan doon?
CARMELA: Wala din. Isa lang un bestfriend ko dun.
CHRIS: Grabe naman yan.
>>CELLPHONE RING<<
CHRIS: Wait lang ah.. [PHONECALL] Ate?.. Bakit ka tumawag?.. ANO?!!!!.. Bakit naman??!!.. Andito na ko sa airport!!.. Hindi naman puwede yan!.. ANO?!! Naayos niyo na?!!.. URGH!!! [END]
CARMELA: Oh bakit?
CHRIS: Hayun, tinamaan na naman ako ng kamalasan. Mamayang gabi na ang flight na ng ate ko.
CARMELA: Tapos?
CHRIS: Pinacancel niya un flight ko ngayon at minove mamayang gabi. Diba? Ang saya niya maging kapatid?
CARMELA: Mayaman kayo siguro noh? Kasi kaya niyang icancel lang un flight mo tapos imove.
CHRIS: Hindi naman kami eh. Un parents ko un mayaman.
CARMELA: Kayo na rin un.
CHRIS: Pero alam mo ba, kahit ganun makaasta un ate ko, alam ko naman un tunay niyang dahilan kong bakit niya ginawa un.
CARMELA: Anong dahilan?
CHRIS: Alam ko naman kasi na, kaya niya minove un flight ko, para makasabay niya ko. Kahit mapride un ate ko, hindi pa rin niya kayang kumilos ng mag-isa na wala ako.
CARMELA: Sweet naman pala siya eh.un nga lang mapride.
CHRIS: Kaya nga, kahit ganyan yan, hindi ko pa din maiwan.
CARMELA: Ganyan talaga ang magkapatid.
CHRIS: Teka, napansin ko yata na 3 hours na tayo dito. Bakt wala pa un sundo mo?
CARMELA: Hindi ko nga alam e.
>>RRRRINNNNGGGG<<
CHRIS: Cellphone mo yata. Baka un sundo mo na.
CARMELA: Baka nga. Wait lang ah?
CHRIS: Sige.
>>PHONECALL<<
CARMELA: Hello?
CHLOE: Chloe toh.
CARMELA: Oh?
CHLOE: I just wanna say that, hindi makakapunta un sundo mo diyan.
CARMELA: Huh? Bakit?
CHLOE: If i told you the reason, do you think may magbabago? Duh? Stupid ka talaga.
CARMELA: Pero..
CHLOE: MELA! It’s not my problem, ok? Ang dami-daming cab diyan. OK? And don’t forget my instruction ha? Wag na wag kang pupunta dun sa school na un hanggat wala pa ko.
CARMELA: Ok.
>END OF PHONECALL<
CHRIS: Sister mo noh?
CARMELA: Oo.
CHRIS: Halika na, ihahatid na kita.
CARMELA: Huh? Pa--
CHRIS: Sa susunod,kapag makikipagusap ka. Wag mong i-loud speaker un phone mo.
Huh? Loud-speaker?
Hindi naman kaya.
Pero hindi ko itatanggi na parang microphone un boses ng kapatid ko.
Kaya siguro rinig na rinig ni Chris un boses ng kapatid ko.
Nakakahiya naman,
Kinuha niya un gamit ko at saka siya naglakad.
Sumunod naman ako..
SYEMPRE ako pa, laging SUMUSUNOD.
Nakarating na kami sa labas at may nakita kong magarang kotse..
May lumabas na manong ay binigay kay Chris un susi.
Don’t tell me, siya un mayari nun?
CHRIS: Hui, ano pa ginagawa mo diyan?
CARMELA: Kotse mo yan?
CHRIS: Wag ka na magtanong. Sumakay ka na.
Syempre dahil masunurin ako,
Sumakay na ko at sinakay na rin niya un gamit ko..
Ewan ko ba, kahit hini dapat sumama ako sa kakakilala ko lang,
Napasama ako sa kanya.
Mukha naman kasing matino siyang tao.
CHRIS: Iba din yan kapatid mo, siya pa ang may ganang magalit pagkatapos ng paghihintay mo.
CARMELA: Sanay na ko sa kanya.
CHRIS: Naku, kaya nasasanay eh. Siguro kung ako yan, naku nagkaroon na ng world war 3.
CARMELA: Ayoko kasi ng gulo.
CHRIS: Martir ka kasi.
CARMELA: Alam ko. Pero teka, diba may flight ka?
CHRIS: Mamaya pa naman gabi. Hindi tayo aabutin ng isang araw sa paghahatid lang sayo.
CARMELA: Pero saan ba tayo pupunta?
CHRIS: Kung saan ka magiistay?
CARMELA: Un nga problema ko eh. Hindi pa ko puwede umuwi sa bahay namin dahil kailangan ko muna hintayin un kapatid ko.
CHRIS: Eh saan ka magiistay?
CARMELA: Hindi ko alam. Sabi naman ng kapatid ko, kahit magstay naman daw ako sa hotel muna.
CHRIS: Alam ko na.
CARMELA: Alam mo na?
CHRIS: Basta.
Nagwink naman siya..
Ang gentleman naman niya..
Hindi ko akalain na makakakilala ako agad ng taong kaulad niya dito sa Pilipinas.
Siguro nagbago na mga tao dito??
Kung ganun man, edi mas ok.
Pero hindi ko naman alam kung saan niya ko dadalhin.
Bahala na..
CHRIS: Matanong ko nga, bakit pumunta kyo ng kapatidmo sa Amerika?
CARMELA: Para mapursue niya un dream niya.
CHRIS: Dream niya? Ano un?
CARMELA: Pagiging sikat na model.
CHRIS: Wow, model pala kapatid mo. Ano bang pangalan niya?
CARMELA: Chloe Gotiangco.
CHRIS: CHLOE GOTIANGCO?!!! Sikat na sikat un ah.
CARMELA: Yup.
CHRIS: Pero ikaw? Anong dahilan ng pag-alis mo?
CARMELA: Para samahan din siya.
CHRIS: Dakilang alalay ka din pala eh. Eh bakit naman umuwi kayo dito?
CARMELA: Nagkaroon kasi ng emergency eh.
CHRIS: Oh? What kind of emergency?
CARMELA: Hindi puwede sabihin eh.
CHRIS: Ok, I understand.
CARMELA: Pero we’re going to stay here na.
CHRIS: Talaga?
CARMELA: Yup. kaya nga sabay nga kami papasok ng kapatid ko dun sa school namin.
CHRIS: Edi good. sayang, paalis naman ako. Saan pala ka--, oh, andito na pala tayo.
CARMELA: Dito ako magstay?
CHRIS: Yup. Ok lang ba?
CARMELA: Oo naman.
I don’t know kung matutuwa ako or what..
Hindi ko rin alam kung tama ba tong ginagawa ko..
Pero sa bagay, just for one night lang naman eh.
Pumasok na rin kami sa loob..
I feel uncomfortable, kasi naman.
Ikaw kaya ang pagpasok niyo, nakatingin sa inyo ang LAHAT ng tao..
GUARD: Good Morning Sir.
CHRIS: Good morning din.
CARMELA: Regular ka dito noh?
CHRIS: Paano mo naman nasabi?
CARMELA: Eh kasi lahat sila bumabati sayo. Tapos parang kang artista, pinagtitinginan ka ng iba. Parang hindi ka nga lang VIP dito eh. Parang ikaw pa yata ang may-ari.
CHRIS: Ganun?
LADY: Sir, Bakit po kayo nandito? Kakausapin niyo po ba ang Chairman?
CHRIS: Hindi. Kukuha sana ako ng VIP Room.
LADY: Para kanino po?
CHRIS: Sa kanya. Un pinakamagandang room natin dito ah?
LADY: Sir, girlfriend niyo po siya?
CHRIS: HAHA! Hindi ah. Nakilala ko lang siya sa airport.
LADY: Ganun po? Sir, may flight po kayo ngayon diba?
CHRIS: Yup.
LADY: Bakit andito pa po kayo?
CHRIS: Namove un flight ko. Kilala mo naman ang ate ko.
LADY: Si Ma’m talaga.
LADY2: Sir!!
CHRIS: Oh? Bakit? Parang may humahabol na aso sayo ah.
LADY2: Sir, puwedeng papirmahan toh?
Feeling ko na out of place na ko dito..
Pero parang may hindi ako maintindihan..
Sobrang close niya dito sa mga clerk..
Pero bakit naman nagpapapirma tong isa??
Artista siguro tong kasama ko??
CHRIS: Bakit ako? Wala ba si Daddy?
LADY2: Kakaalis lang po niya. Eh kailangan na po pirmahan toh.
CHRIS: Kayo talaga. Sige, akin na. Pipirmahan ko na.
LADY2: Salamat po talaga. Buti na lang hindi pa po kayo nakakaalis. Wait, sino po siya? Girlfriend niyo?
Hindi rin siya madaldal noh?
Bakit ba iniisip nila na girlfriend ako nito?
Ngayon lang ba nagdala ng babae yan ditto?
Saka teka, Daddy?Chairman?
So it means, sila ang may-ari nito?
Uh-oh! Mukhang MALI nga talaga
Napatingin naman ako kay Chris na pumipirma doon sa papel..
Teka, mukhang wala yata siyang balak sagutin un clerk.
CARMELA: Uhm. Excuse me? Hindi ko po siya boyfriend.
LADY2: Ganun ba? Sayang naman, bagay na bagay pa naman kayo.
CHRIS: I’m finished. Kayo talaga kung anu-ano pinagsasabi niyo. Sige, dadalhin ko na siya sa VIP Room.
LADY1&2: Ok, Sir.
Umalis na kaming dalawa..
nagsimula na kaming maglakad.
Ang sosyal naman, pa-VIP Room pa.
CARMELA: Bakit naman hindi ka sumagot kanina?
CHRIS: Sumagot?
CARMELA: Nun tinanong ka kung girlfriend mo ko.
CHRIS: Eh andiyan ka naman eh. Minsan-minsan kailangan mong idefend un alam mong tama.
Natamaan naman ako dun,,
paano niya nalaman na ganun ang ugali ko??
Tama nga un sinabi niya,
Hindi ko talaga kayang idefend un sarili ko..
Kaya nga, hinahayaan ko na lang na apakan ako ng mga tao.
CARMELA: Bakit parang gulat na gulat sila na may kasama kang babae dito?
CHRIS: 1ST time ko kasi magdala ng babae dito except lang sa ate ko.
CARMELA: Talaga? nagkagirlfriend ka na ba?
CHRIS: Hindi pa eh.
CARMELA: Talaga?
CHRIS: Wag mo na rin itanong kung bakit. kasi kahit ako hindi ko alam ang sagot.
CARMELA: Wala naman akong sinabi na magtatanong ako eh.
CHRIS: Ito na un room mo.
Binuksan na niya un pintuan..
at pumasok na kami--

SHOCKS!!! Ang ganda ng kwarto!!!
Hindi ko iisipin na hotel room siya.
dahil napakaganda niya bilang hotel room kahit condominium.
CARMELA: Ito ang magiging kwarto ko?
CHRIS: Yup. Ok lang ba?
CARMELA: Super OK. Ganito ba lahat ng VIP Room niyo?
CHRIS: Nope, nagiisa lang ito. Actually, ako mismo ang nagdesign nito. at parang ito na rin ang naging 2nd room ko.
CARMELA: Ganun ba? Naku, puwede bang sa iba na lang ako magcheck-in. Wag na lang dito, nakakahiya sayo.
CHRIS: Ano ka ba, kaya nga dito kita dinala para makapagrelax ka. dahil sigurado akong makakapagrelax ka dito. Alam kong naguiguilty ka or feel uncomfortable, pero huwag mo na isipin un. Isipin mo na lang treat sayo toh ng new friend mo.
CARMELA: New friend?
CHRIS: Oo. Bakit ayaw mo ba?
CARMELA: Hindi naman. Pero gusto mo ko maging kaibigan?
CHRIS: Hindi ba obvious? Saka kung ayaw ko sayo, edi sana hindi na kita kasama ngayon.
CARMELA: Salamat talaga ah?
CHRIS: Wala un, what are friends for? diba nga?
CARMELA: Nga pala, mag--
CHRIS: Opps. Wag mo ng itanong kung magkano babayaran mo dahil lahat toh libre. syempre, hindi ko hahayaan na magbayad un maganda kong kaibigan.
CARMELA: Bolero ka talaga, pere thank you talaga ah?
CHRIS: Wala un. Pero I’m sorry, kailangan ko ng umalis. Baka kasi mauna un Ate ko dun. Baka magulat na lang tayo, na may ibalita na may nababaliw na sa airport.
CARMELA: Thank you talaga ah?
CHRIS: Ingat ka na lang lagi ah. Wag kang magpaunder sa kapatid mo. Kailangan mo din lumaban.
CARMELA: Sana nga kaya ko. Kahit ngayon lang tayo nagkakilala, naging masaya ako.
CHRIS: Ako din. Hindi ko makakalimutan un huling friend ko dito sa Pilipinas.
CARMELA: Babalik ka pa naman diba?
CHRIS: Let’s see.
CARMELA: Sana bumalik ka.
CHRIS: Don’t worry, kapag bumalik ako dito, ikaw ang una kong pupuntahan. PROMISE ko yan,
Pagkasabi niya nun, umalis na rin siya agad.
Napakasaya ko dahil kahit papano,
may nakilala akong tao na katulad niya..
kahit para lang siyang hangin na dumaan sa akin.
Hangin na nagkaroon ng big impact sa akin.
Sana nga, sign toh ng magandang pagbabalik ko dito sa Pilipinas.
>>CHRIS’ CAR<<
Natutuwa talaga dahil nakakilala ako ng taong kaparehas ng sitwasyon ko..
Sayang lang talaga dahil kailangan ko ng umalis..
kailangan ko din pala pasalamtan ang aking magandang kapatid
kung hindi pala niya minove un flight ko, edi mas maaga akong makakaalis,
pero teka,
nakalimutan ko itanong kung saan SCHOOL niya dito!!!
Anong address niya?!
Anong cellphone number niya?!!
NEXT DAY…
PHILIPPINE AIRPORT
PA: Mam Chloe, nasa labas po ang mga media.
CHLOE: Urgh, hanggang dito pa naman,hindi ako tatantanan ng media.
PA: Magpapainterview ka po ba?
CHLOE: May choice ba ko?
OUTSIDE…
REPORTER1: Ms. Chloe, are you going to stay here in Philippines for real?
CHLOE: Yes, definitely.
REPORTER2: Ano po bang dahilan kung bakit bumalik kayo dito?
CHLOE: Personal reason, hope you’ll understand.
REPORTER3: Icocontinue niyo po ba un modeling career mo dito sa Pilipinas?
CHLOE: Let’s see. As for now, I want focus to my studies.
REPORTER4: Balita po namin, may kakambal po kayo. Nasaan po siya ngayon?
PA: Uhm. Thank you po sa inyo! but Ms. Chloe need to rest. Ok? Tatawag na lang po kami ng press conference ok?
>>CHLOE’S CAR<<
CHLOE: Grabe, hanggang dito pa naman ba, tatanungin nila si Carmela.
PA: Pagkakaalam ko po kasi, may isang source na nakatuklas na may kakambal ka po.
CHLOE: Akala naman nila kasing ganda ko un kakambal ko. Un cellphone ko nga.
>PHONE CALL<
CARMELA: Hello, Chloe?
CHLOE: Carmela, ready ka na ba?
CARMELA: Oo.
CHLOE: Nasaan ka ba ngayon?
CARMELA: Nasa Cyrstal Hotel ako.
CHLOE: Bakit diyan ka nagcheck in? Hindi mo ba alam na mortal nating karibal na hotel na yan? Bakit hindi ka sa hotel natin nagcheck-in?
CARMELA: Eh ka--
CHLOE: Nevermind na lang. It’s just a waste of time kung mageexplain ka pa. Magready ka na para makadiretso na tayo sa school.
>>END OF PHONECALL<<
XAVIER SCHOOL..
CLASS 4-6..
Papasok na ko sa room..
as usual, maiingay at magugulo na naman ang Class 4-6..
Wala pa din pagbabago..
Umupo na rin ako sa upuan ko..
At himala, andito na agad si Isaw..
Hindi ko na lang siya pinansin dahil napansin ko agad si Nathan na paparating sa kinauupuan ko..
Umupo siya sa tabi ko at binigay un tubig na hawak-hawak niya sa akin..
NATHAN: Pardx, ano un paguusapan natin?
MARION: Meron ba?
NATHAN: Pardx, kakasabi mo lang sa akin kahapon, may paguusapan tayo.
MARION: Ai, oo nga pala.
NATHAN: Ano na un?
MARION: Gusto ko sana malaman kung kayo na ba--
Hindi ko muna natapos un sasabihin ko,
dahil ininom ko muna un bigay na tubig ni Nathan,
pangwala kaba din ito..
sumabay na rin siya sa akin sa paginom
JAPS: MADLANG PEOPLE!!!! ANDIYAN UN MGA ANAK NUN SCHOOL PRESIDENT!!!!!!!!!!
NATHAN&MARION:

[author’s note:]
ito un naging reaction nila: [NATHANMARION]
si Nakatsu/Toma ay si Nathan/Calvin at si Sano/Shun ay si Marion/Chun
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
>>MS.A
hahaha..singit lang,.ngayon ko lang napansin, ito pala un pinakamahabang update ko sa ngayon.
nakakatuwa naman..
.jpg)
No comments:
Post a Comment