LATEST UPDATE: CLASS 4-6 CH. 71 [FACEBOOK ACCOUNT]

MS.A

i just want to be UNKNOWN

*CLASS 4-6 official trailer*

Saturday, July 25, 2009

3RD TEARDROP: NOV.6,08


3RD TEARDROP: NOV. 6, 2008



LALAINE'S POV:


"Beh, ano--"

"Wala na siya"Nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko.

"Sinong siya"

"Wala na si Enzo" Dito na talaga bumuhos ang isang baldeng luha ko..

"Teka, umiiyak ka ba, beh? Paanong wala si Enzo? Wala naman talaga siya diba? Nasa Amerika siya diba?"

"Hindi ko a-..alam. Pe--ro.. wala na siya"

"Ok ka lang ba, beh? Nasaan ka ba?"

"Dito ako bahay"

"Hintayin mo ko diyan, pupuntahan kita"

"Wag na"

"Hindi puwede, pupu--"
Bago niya matapos un sasabihin niya, nagpaalam na ko agad.

"Mico, ayoko muna" Call Ended.


Sino un kausap ko? Siya ang boyfriend ko, si Mico. Pero kahit boyfriend ko siya, hindi ko din siya kayang harapin. Alam kong nasaktan ko siya sa ginawa ko, dahil alam ko naman na nag-aalala lang siya para sa akin. Pero mas gusto ko muna mapag-isa kasama ang mga ala-ala ni Enzo.

The next morning, pumunta dito si Mico, but I didn't allow him to entered at my room. Pinipilit niya kong lumabas pero ayoko pa talaga. Kahit ang Mommy ko, kahapon pa ko pinapalabas pero AYOKO pa talaga. Hindi pa ako handang harapin silang lahat.

Tanging gusto ko lang gawin ay magstay dito and reminisce everything I had once shared with Enzo.

Inilabas ko kagabi ang lahat-lahat ng mga bagay na nakakapagpapaalala lang sa kanya katulad na lang ng mga pictures niya at pictures namin.

Makikita niyo sa pictures ang kasiyahan ni Enzo. Ngiting si Enzo lang ang meron. Ipinapakita sa picture na masyang-masaya siya , na walang pagsisisi at walang pag-aalinlangan. Well, that's Enzo, throughout of nine years of relationship, I had never seen him angry or anything. He never loses his temper and scold or anything. Maybe that's why in these nine years I had been taking him for granted. Nine years? is considered long for his first love. Diba? Seems like my memories only contain of him.

Suddenly, my cellphone rang. Iniisip ko si Mommy lang yan or si Mico... But then, it's Tita Inez.


"Hello, Tita?"

"Iha, ok ka na ba?"

"Uhm, ...." Hindi ko alam kung anong dapat kung isagot.

"I'm sorry Iha, alam ko naman magiging sagot eh."

"Ok lang po"

"Iha, gusto ko sana itanong sayo kung may nabanggit man si Enzo tungkol sa magiging funeral niya. Baka kasi may napagusapan kayo noon tungkol sa ..... pagkamatay niya?"


"Uhm, Tita" Nagsisimula na naman bumuhos ang luha ko. Ayoko man ibuhos toh, pero hindi ko kayang pigilan. Alam ko naman na nagpipigil lang ng luha si Tita.

"I'm sorry, iha kung napaiyak na naman kita. Wala na kasi akong matanong. Hindi ko naman alam kung ano puwedeng gawin sa abo niya"

"Huh? Tita? Abo niya? Pinacremate niyo na po siya?"

"Iha, bago kasi kami umuwi dito sa Pilipinas, pinacremate namin muna siya sa Amerika. Sa ayaw man namin or sa hindi, kailangan siyang icremate."

"Tita, bakit kailangan po? Ano po ba nangyari sa kanya?"


"Anak, sumabog un kotseng sinasakyan niya. Kaya nasunog ang buong katawan niya"


Pagkarinig ko nun, parang gumuho ang mundo, hindi ko akalain na ganun kinahatnan ni Enzo. Hindi ko maisip kung totoo ba lahat ng naririnig ko. Hindi ko akalain na MALING-MALI ang naging desisyon ko.

KASALANAN KO ANG LAHAT NG ITO!

After ng narinig ko, hindi ko na nakausap si Tita. Dahil nagsimula na naman akong humagulhol,

iniisip ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Enzo..

Hindi ko akalain na magiging ganito ang LAHAT-LAHAT..

Masyado ng maraming nangyari na ang tanging nahirapan lang ay si...































ENZO..

at ako naman, nahihirapan gumising sa isang NIGHTMARE na katulad nito.

No comments:

Post a Comment