CHAPTER 57: HUA ZE LEI + EDWARD CULLEN =
NATHAN JAVIER
“KARISSA ASAJAR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Hala, umagang umaga naman..
May sumisigaw agad ng pangalan ko..
Sino naman un?
Napatingin naman kaming LAHAT kung sino un..
Oo, pati Class 4-6 na wala naman talagang pakialam kung may sumigaw
eh napatingin din talaga..
Sino nga pala un babae na un??
AT OO!! BABAE NGA SIYA!!
ang isa sa mga anak ng SCHOOL PRESIDENT!!
un kababata nila MARION at NATHAN!
CHLOE: Ano?! Titigan mo lang ba ako?!
Napatingin naman ako sa paligid ko..
AKO nga un kausap niya..
sa bagay, sino pa nga ba ang Karissa Asajar dito?
Ako lang naman diba?
Tumayo na kio at nilapitan na agad un babae sa harapan,..
Pero sa totoo lang, may kaba akong nararamdaman.
>>>>>PPPPPAAAAAKKKK<<<<<
CLASS 4-6: KARISSAAAAA!!!
Siguro naman alam niyo naun nangyari..
Sinampal lang naman ako nun BRUHA!
OO!!! Ngayon na, BRUHA na siya!!
And sakit nun pagsampal niya!
Halatang hobby niya ang manampal..
At dahil dun, lumapit sa akin ang lahat ng Class 4-6
VINCE: Bakit mo ginawa kay Karissa un?!!
CHLOE: Kulang pa un!
JAPS: Hoy!! Ano bang problema mo?!
CHLOE: SIYA lang naman ang problema ko! Yan letcheng babae na yan!
NATHAN: CHLOE!! Ano ba yan pinagsasabi mo?
CHLOE: Siya ang dahilan kung bakit napapahamak si Kuya Marion!
JIN: Hindi yan totoo!
CHLOE: Hindi totoo?! I-explain niyo nga sa akin lahat ng nangyaring aksidente sa kanya!?!
VINCE: Kaya nga aksidente eh! Hindi mo ba alam ibig sabihin nun?!
NATHAN: Guys, tama na yan. Chloe, bumalik ka na sa kwarto mo.
CHLOE: Ikaw naman Kuya Nathan! Bakit dumidikit ka pa din sa babae na yan?! Ayoko naman ikaw ang isunod niyang mapahamak! Ikaw naman Karissa! Palagay mo naman, anghel ka?! Wag kang feeling ha?! Dahil kung papipiliin si Kuya Marion sa ating dalawa, AKO ang pipiliin niya!
NATHAN: CHLOE!!!TAMA NA!!!!
Si Nathan ba un?
Nagulat na lang ako sa pagsigaw niya..
Halata naman natakot un bru-- Chloe pala..
Pero sa lahat ng sinabi niya, dun sa huli niyang sinabi..
Para bang may tumusok sa PUSO ko!!BAKIT?!!
MARION: Anong meron dito?! Chloe?
Halatang may pagtataka sa mukha niya..
Kakarating lang kasi niya..
CHLOE: Kuya Marion, pinagtutulungan nila ako.
AMP!! Anong sinasabi niya?!!
Biglang nagbago ang mukha ng bruha!!
Un impaktang mukha kanina naging parang inaaping pulubi!!
Pero may isang bagay na kinakatakutan ko.
JAPS: Pero?!! Marion, hindi ganun ang nangyari.
MARION: Puwede?! Tumigil na kayo! Para kayong mga bata! Chloe, halika na.
Natatakot akong maging totoo un huling sinabi ni Chloe..
na SIYA ang pipiliin ni Marion..
Hindi ko alam kung bakit, pero masyadong MASAKIT!
dahil siguro nasanay na kong siya ang laging nasa tabi ko..
lumabas na sila ng classroom..
at nakayakap pa si Chloe kay Marion.
VINCE: Pero si Karissa--
Susundan na sana ni Vince sina Marion,
pero pinigilan ko siya..
kaya naman lumingon siya sa akin.
and then I give him my BEST smile.
KARISSA: Hayaan niyo sila. Ok lang ako.
Ok lang ako.. SANA…
Pero mukhang hindi ko na nakayanan ang nangyari..
Mukhang MANANALO na ang mga luha ko..
Pero bago mangyari un..
KARISSA: CR muna ako.
At saka tumakbo plalabas ng classroom..
bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
basta gusto ko makalayo sa lugar nato!
Pero nang tumatagal, nanghihina na un mga paa ko.
kaya dito na lang ako napadpad sa school park.
not BAD.wala kasing tao..
TAHIMIK!!
KARISSA: KARISSA!!!Ang tanga mo!! Masyado ka kasing assuming!! Yan tuloy napala mo! Bakit ganito na lang nararamdaman ko?!! NAIINIS AKO!!
“Naiinis din ako”

Si NATHAN?!!!!
akala niyo siguro nagulat ako dahil si Marion un nakita ko..
pews, pare-parehas lang tayong umasa sa WALA..
Pero wait, nagtataka kayo kung bakit nagulat ako..
eh etong si Nathan kasi nakahand-stand..
with his KILLER SMILE..
NATHAN: Naiinis din ako kasi may isang babae na pinipilit na maging OK. or let’s say pinipilit maging ayos sa harap namin kahit obviously naman sa mga mata niya ung sagot. Kaya mo bang gawin toh?
Umiling lang ako..
DUH?! Sino naman kaya may kayang gawin yan?
pro syempre obvious naman, si Nathan lang..
At siya lang may kayang maghand-stand habang nagsasalita, ai mali pala, nagsspeech..
Wait, parang napanood ko na toh..
Hua Ze Lei?? Ikaw ba yan??
NATHAN: Oh? I see? Hindi mo naman pala kayang gawin toh pero pinipigilan mo yan luha mo.
KARISSA: Connection naman?
NATHAN: Good question.
Tumayo na siya ng maayos,
at umupo sa tabi ko
NATHAN: Ang mga taong kayang magpigil ng luha ay ang mga taong kayang maghand-stand. Dahil kung andun ka sa position na un, mapipigilan mo talaga ang mga luha mo. Ang mga taong walang lakas na gawin un, wala din lakas para mapigilan ang kanilang luha kahit ano pang gawin nila. Kaya ikaw, wag mo ng pigilan yan dahil gusto na lumubas ng luha mo sa mga mata mo.
KARISSA: Ano ka ba Nathan, Ayos lang ako noh. Saka malakas din ako! Kaya ko nga din un e.
Tumayo ako at pumunta kung saan ginawa ni Nathan un paghand stand niya..
At pinilit kong gayahin ang hand stand na ginawa niya kanina..
KARISSA: Makikita mo talaga, malakas din ako. Kaya ko din un ginawa mo kanina [Wala pa din. Hindi pa din niya magawa] Kaya ko din un, maghintay ka lang. Malakas ako eh. Mapipigilan ko toh. [Nagsimula nang tumulo ang mga luha] Kaya ko toh, kaya -- para mapigilin ko tong luha ko.
At hayun na nga, tuloy-tuloy ng tumulo ang mga luha ko.
Natalo na nga ako, hindi ko na napigilan.
Masyado kasing tagos un mga sinabi ni Nathan,,
Kung ikukumpara ko dun sa sinabi ni Hua Ze Lei sa Meteor Garden.
MAS MAGANDA ANG VERSION NI NATHAN!!
Lumapit sa akin si Nathan at niyakap niya ko.
oh diba?? MAS maganda un version niya??
hai, ang yakap nito…
ang yakap na alam mong hindi ka kayang saktan ng taong toh..
NATHAN: Kailangan mo ng panyo? Sorry pro wala ko nun e, pero meron naman akong kamay eh. Ito lang kaya kong ipahiram sayo.
HInawakan niya ang magkabila ng pisngi ko.
saka niya pinunasan ang luha ko..
Pero kahit pinupunasan niya ang mga luha ko,
tuloy-tuloy pa din siyang tumutulo..
naguiguilty tuloy ako kay Nathan,
hindi lang guilty, NAHIHIYA AKO!!
KARISSA: Sorry ah?
NATHAN: Bakit ka nagsosorry? Ibuhos mo lang lahat yan. Wag kang mag-alala, hindi ako mapapagod punasan ang mga luha mo. Ako yata ang ANGEL NATHAN mo, diba?
GOSH!!! Si Edward Cullen ba ang nasa harapan ko?!
Saan ba nanggagaling yan mga pinagsasabi niya?
Pero masasabi ko lang, siya nga talaga ang ANGEL NATHAN KO!
Masaya ako dahil andito siya sa tabi ko..
Pinaupo niya ko sa swing at saka siya umalis..
HUH?!! Bakit iniwan niya ko??
Pero mukhang mali yata ako..
dahil nakikita ko na siyang pabalik sa akin..
at may dalang bola ng basketball..
Para saan naman un?
Umupo siya sa tabi ko at nagsimula siyang paikutin un bola sa ibabaw ng daliri niya.
Na-gets niyo??
NATHAN: Ikaw tong bola na umiikot, pero alam mo bang hindi kaya ng bolang ito ang umikot na mag-isa kaya kailangan niya ng kamay para magpatuloy siyang umikot. Nakikita mo ba tong daliri na kung saan umiikot un bola, ito un nagiging dahilan kung bakit bumabagsak un bola dahil hindi na niya kayang hawakan un bola kaya kailangan niya itong kamay para saluhin un bola. Sino ako dito? Syempre ako un kamay na nagpapaikot sa bola. Dahil hindi ko hahayaan na mahulog tong bola. Kung tatanungin mo ko kung sino tong daliri, ikaw na bahala mag-isip kung sino toh.
Napanganga talaga ako sa mga sinabi niya..
At dahil doon, hindi ko namalayan na wala ng tumutulo na luha galling sa mga mata ko..
Natahimik ako at napatingin sa langit..
Parang ang tamlay ng lupa, sumasabay ba siya sa pakiramdam ko ngayon??
Sino nga kaya un daliri na tinutukoy ni Nathan?
Si Marion ba un??
Pero tama ba un??
Tama bang hindi na niya ko kayang hawakan??
KARISSA: Hala, Nathan. Bumalik na tayo agad sa classroom.
NATHAN: Huh? Bakit naman? Ayos ka na ba?
KARISSA: Baka magisip pa ng kung ano un mga classmate natin. Ang paalam ko lang mag-CR lang ako. Eh ang tagal-tagal na natin dito.
NATHAN: Alam mo, Karissa. Kahit ganun un mga un. Kahit kalahating gag* un mga un, hindi naman sila tang* para hindi maisip na hindi ka naman talaga nag-CR.
KARISSA: Pero--
NATHAN: Dito ka muna, iiwan na muna kita. Gusto ko muna magkapag-isa ka. Saka syempre kailangan ko bumalik sa classroom, baka pag tumagal ako dito, wala na kong classroom na mabalikan. Alam mo naman un mga un, kapag wala kaming parehas ni Marion sa classroom, nagiging jungle un room natin.
KARISSA: Nathan, salamat talaga ah. Hindi ko talaga alam kung papano ako makakabawi sayo.
NATHAN: Wag kang mag-alala, makakabawi ka din sa akin.
Tuluyan na siyang umalis..
At ito naman ako..
nagmuni-muni dito..
iniisip ko….
bakit ganito??
bakit ako NASASAKTAN?
MAHAL ko na ba siya??
PERO HINDI PUWEDE EHHH..
.jpg)
No comments:
Post a Comment