LATEST UPDATE: CLASS 4-6 CH. 71 [FACEBOOK ACCOUNT]

MS.A

i just want to be UNKNOWN

*CLASS 4-6 official trailer*

Saturday, September 5, 2009

CHAPTER 63: One-on-One



CHAPTER 63: ONE-ON-ONE



"Ano?!! Hindi pa ba kayo aalis?!!!"



Nagulantang naman ako sa narinig ko.. Ilan minuto ko lang naman sila iniwan, bakit parang may giyera? siguro naman, kilala niyo na un may-ari nun magandang boses na nagpapalayas sa cheerdancers ko..


KARISSA: Anong nangyayari dito?

ELAI: Eh kasi—

CHLOE: Ikaw ang cheerleader diba?

KARISSA: Ako nga. May problema ba?

CHLOE: OO!! Meron! Hindi mo ba alam na dito na magttraining ang basketball team?! And can't you see, hindi sila makapagstart because of your scattered cheerdancers!

KARISSA: Napag-usapan—

MARION: CHLOE! Ano na naman ba toh?

CHLOE: Kuya Marion, where had you been ba? Kanina pa kita hinahanap.

MARION: May kinausap lang ako.

CHLOE: Girl or Boy? ???

MARION: Hindi na importante un.


Yun pa ang mas masakit!
mas nadagdagan pa ng sagot un mga tanong ko!
HINDI IMPORTANTE?
sana sinagot na lang niya..
LALAKI un kausap niya..



MARION: Chloe, ano ba nangyayari?

CHLOE: Sinasabi ko naman kasi sa kanila umalis na sila dito dahil kayo na nga ang gagamit nitong court.

RAYNE: Pero palilipatin niya kami sa soccer field!

CIARA: Ang init-init kaya dun!

CHLOE: Wag nga kayong maarte! Alanganang un basketball team un magtraining dun. Hello? Are you insane?

MARION: Chloe! STOP!

CHLOE: Pero—

MARION: Walang lilipat. As the bastketball captain ball, nag-usap kami ng cheerleader niyo na hahatiin na lang natin un court sa dalawa. So it means, share tayo dito sa court. Understand?

ALL: YES!

CHLOE: Pero Kuya—

MARION: Chloe, Please STOP.


Dahil sa nakakatakot na boses ni Marion,
umupo na lang sa bleachers si Chloe..
syempre may kasamang padabog..
marunong din pa lang sumunod toh noh?
Nagsimula na rin mag-ipon ipon un mga basketball team..
Syempre nasa harapan si Marion..



MARION: Alam niyo na sigurado na ako na ulit ang captain ball. Kung may tutol doon, puwede ng lumabas dito sa court.


.......SILENCE.......


MARION: So? Wala? Ok, walang sisihan.

NATHAN: Marion, mas maganda kung bibigyan natin sila ng example.

MARION: ANong ibig mong sabihin?


Ngumiti lang si Nathan..
At pumunta sa side namin...
Ano naman kaya pinaplano nito?



NATHAN: Cheerdancers, hihingi sana ako ng favor. :)

CHEERDANCERS: Ano un? :)

NATHAN: Puwede ba namin hiramin ang whole court? Ngayon lang naman. :)

CHEERDANCERS: OO NAMAN! :) :) :)

NATHAN: Thank you. Pero hindi pa sumasagot un cheerleader niyo. Ok lang kaya sa kanya?


"Karissa, pumayag ka na" "Sige na" "Please" "Karissa, sige na" "Ngayon lang naman daw" "PLEASE"



ANong gagawin ko?
Si NATHAN naman kasi ginamit na naman ang kanyang killer smile..
Mukhang lahat sila nakikiusap..
well, except lang dun sa captain ball..
wala pa din expression un mukha niya..
wala naman siguro mawawala kung papaya ako diba?



KARISSA: Sige, payag na ko..

ALL: YEHEY!!! :) :)

NATHAN: Salamat talaga, Karissa.


Kakaiba ang expression ng mukha ni Nathan..
Makikita mo talaga parang “PLAN SUCCESS!” ang nakamit niya..
Bumalik na rin siya sa basketball team..



MARION: Ano bang example ang sinasabi mo?

NATHAN: Before tayo magpatry-out, kailangan maipakita natin sa kanila ang tunay na basketball player ng Xavier High.

MARION: Straight to the point na nga, Nathan.



























NATHAN: Maglaro tayo ng ONE-ON-ONE.

4 comments: