LATEST UPDATE: CLASS 4-6 CH. 71 [FACEBOOK ACCOUNT]

MS.A

i just want to be UNKNOWN

*CLASS 4-6 official trailer*

Sunday, July 19, 2009

CHAPTER 15: Long Walk


CHAPTER 15: THE LONG WALK


Hay salamat, umalis na ang mga bruha..
Garbe tong si Marion, tama bang sabihin un?
Kakatuwa naman un sinabi ni Monique, para kaming nasa telenovela..Haha!
Wait nga, paalis na rin ang mokong.
Tama bang iwan ako dito?


KARISSA: Marion!

Wow! Tumigil ang loko!
Good dog!


KARISSA: Thank you ah?

MARION: Wag kang assuming ok? Hindi ko ginawa un para sa’yo

KARISSA: Huh?

MARION: Ayoko lang ng may ganyan dito sa school.

KARISSA: Wait nga lang, Paano mo nalaman un about sa Asajar Jewerly and KAKO Entertainment?

MARION: None of your business.


Aba! Naglakad na ulit ang loko!
Makatayo na nga..
Para masipa ko siya sa mukha!



KARISSA: AARRRAAYY!!!!


ANg sakit ng kaliwang paa ko!!
Napilayan ata ako!Huhu!
Hayop un mga un! Pinilayan pa ko!
Well, hayop naman talaga sila.
Hindi tuloy ako makatayo.



MARION: Ano nangyari sa’yo?


WOW! Nagulat na lang ako,,nasa harapan ko na siya..
Hawak-hawak pa niya un paa ko.
Concern ang loko!



KARISSA: Napilayan ata ako.

MARION: Asan na sundo mo?

KARISSA: Wala eh.

MARION: Paano ka uuwi?

KARISSA: Mag-taxi.

MARION: Taxi?!

KARISSA: Oo, bakit?

MARION: Sira ka ba? Wala taxi dito.

KARISSA: Edi kahit anong puwedeng sakyan.

MARION: Private car lang puwede dito.

KARISSA: Ano ba yan?

MARION: Saan ka ba nakatira?

KARISSA: Diyan sa may pinakamalapit na subdivision.

MARION: North Susana Exec. Village?

KARISSA: Yup.

MARION: Sakay na sa likod ko.


Ano daw?
Nabingi ata ako dun ah?
Saan daw ako sasakay? Sa likod niya?



KARISSA: Huh? Ano?

MARION: Bingi ka ba? Kung ayaw mo, di wag. Umuwi ka mag-isa mo.


Minsan mas ok ng wag na siya magsalita.
Ok na eh, Bumuka na naman yan bibig niya.
Oh well, may choice pa ba ko?
Ngayon lang naman di ba?



KARISSA: Sasakay na ko.


Tinulungan niya ko sumakay sa likod niya.
Mabigat kaya ako?
Naglalakad na kami.
Ang tahimik niya,..
Medyo sinisilip ko un face niya from the side.
Infairness, Ang gwapo talaga niya..
Kahit anong angle.
Sarap tignan..
Ano daw?! Ano ba un sinabi ko?
Sarap?! Erase!



MARION: Bibigyan na lang kita ng picture ko, dun mo na lang ako titigan. Wag ngayon,puwede? Baka matunaw ako.

KARISSA: Aba! Ang kapal mo din Mr. Marion! Tinitignan ko lang kung bakit ganyan itsura mo?

MARION: Bakit? Mukang artistahin ba?

KARISSA: Excuse me? Tinitignan ko kung bakit muka ka kang devil.

MARION: Aminin mo na, gusto mo ko kunin bilang artista para sa KAKO Entertainment.

KARISSA: Wag na noh! Baka bumagsak pa kompanya ng daddy ko! Wait nga, Speaking of KAKO Entertainment, paano mo ba nalaman about dun?


Aba, ngumisi ang loko.
May nakakatuwa ba sa tanong ko.
Hindi naman ako nagjojoke.
Cornik talaga nito.



MARION: Dahil sa mga maiingay mong bestfriend.


>>FLASHBACK<<
[MARION’S P.O.V]
Umagang-umaga, may nagiingay sa hallway..
Ito ang ayaw ko pag may girl dito sa school,.
Kasama pa nila si Chris..
Teka, mga kaibigan un ni Isaw ah?


RAYNE: Akala mo naman kasi kung sinong napakamayaman at very poweful.

CIARA: Hindi hamak naman na mas mayaman si Karissa sa kanila noh?

CHRIS: Si Karissa?

RAYNE: Siya lang naman ang only daughter Asajar Jewerly.

CHRIS: Asajar Jewerly??

CIARA: Hep!Hep! Hindi pa tapos. Siya din ang only daughter ng KAKO Entertainment.

CHRIS: Asajar Jewerly?! KAKO Entertainment?!!! God d*mn! Super Rich naman niya!

Ahh..so mayaman pala siya.
Hindi obvious ahh?
Sorry siya, hindi pa rin niya ko matatalo.
Ako ata si Marion Gatcheco


>>END OF FLASHBACK<<

KARISSA: Kahit kelan talaga ung dalawa na un. Teka, bakit hindi kita napansin nun?

MARION: Nun nakita kitang parating, umalis na ko. Baka kasi maging bad morning ko.

KARISSA: Kasamaan talaga ng ugali mo! Parang sinabi mo na salot ako?

MARION: Buti alam mo?

KARISSA: Naku naman! Sasapukin kita!

Sasapukin ko na sana siya kaso bigla niyang kong binaba..
Hindi naman un literal na binaba talaga ako sa lupa,..
Un pabiro lang, na ibaba niya ko. Gets niyo?
Kaya dahil dun napahug talaga ako sa kanya.



KARISSA: Anak ka naman talaga Marion!


Ang loko-loko talaga!
Tapos tumatawa pa!
Naku talaga!!



MARION: Tandaan mo, hawak-hawak kita. Subukan mong may gawin ka.

KARISSA: Pasalamat ka talaga may pilay ako.

MARION: Thank you!

KARISSA: Nak naman ng! Pilisopo ka rin noh?

MARION: Sino kaya un pilosopo kanina?

KARISSA: You mean, pinapanood mo lang ako kanina habang pinagtutulungan ako nun mga bruha?!

MARION: Bakit? Masama na bang manood ng libreng sine? Ganda nga e parang Cinderella.


Natawa ako dun sa sinabi niya..
Well, gets ko agad un ibig sabihin niya..
Matalino ata toh?
Cinderella? So ako si Cinderella at silang tatlo un panget na stepmother saka 2 stepsister..
Sino Prince Charming ko??
Siya??



MARION: Oppsss.. Wag mong isipin na ako un Prince Charming mo.

KARISSA: Kapal mo tol!


Aba! May talent ata tong magbasa ng isip..
Sosyal ang lolo!


MARION: Bakit nga pala ayaw mong malaman ng POPU Girls na ganun ka kayaman?

KARISSA: Ayoko maging katulad nila noh. As much as possible, ayoko mareveal un.

MARION: Kahit anong tago mo, lalantad at lalantad un.

KARISSA: Nagsalita ang walang sikreto, bakit ikaw? Bakit hanggang ngayon napakahiwaga ng sikreto mo?

MARION: Matalino ako eh.

KARISSA: Puwede ba? Siguro pulubi ka noh?

MARION: Huh? Ako pulubi? C’mon! Sana nga ganun ako.

KARISSA: Drama mo! Teka nga, bakit ba tayo naglalakad?

MARION: FYI, Ako lang po naglalakad, buhat-buhat kaya kita.

KARISSA: Naman! Nililiteral mo eh!

MARION: Oh, huwag highblood.

KARISSA: Wala ka ba kotse?

MARION: Meron.

KARISSA: Ano??! Eh bakit naglalakad ta- ka ngayon?! Meron naman pala.

MARION: Dahil sa malas ka, sira kotse ko.Iniwan ko sa school.

KARISSA: Ako daw sisihin?Hindi ka natatakot na mawala un?

MARION: Subukan lang nila nakawin, hindi na sila magigising pa.

KARISSA: Murderer ka noh?

MARION: Nga pala, di ba talent niyo dati sa KAKO si Janine Angela Javellana?


Pagkarinig ko ng name na un,
Parang nagbago na mood ko..
Sa dinami-dami ng name sa entertainment industry
Iyon pa tinanong niya.


KARISSA: Hindi ko alam.


Ang taray ng sister niyo.
Badtrip na ko eh.



MARION: Oh, bakit ganyan ka makasagot?

KARISSA: Bakit mo ba siya tinatanong?

MARION: Wala lang.

KARISSA: Don’t tell me, crush mo un?

MARION: Puwede ba? Kalimutan mo na nga lang na tinanong ko un.

KARISSA: Sige, ayoko din naman pagusapan un eh. Ui, mabigat ba ko?

MARION: Buti natanong mo yan, gusto mo sagutin ko?

KARISSA: Wag na. Alam ko na sagot.


Alam kong mabigat ako.
Hindi na niya kailangan sabihin pa.



MARION: Well, mali yan iniisip mo.

KARISSA: Na sexy ako?

MARION: Oo. Yuk! Can you define sexy? Wala sa itsura mo.


Lokong toh!
Kapal ahh??
WAIT? Ang iniisip ko mabigat ako, iyon kaya un sinasabi niya?
Pero sinagot ko naman sexy ako.
Ang gulo!



KARISSA: Duh? Hindi naman talaga para sa itsura un sexy, sa katawan un!


Aba, hindi umimik ang loko.
Barado ka ngayon ah?
HaHA! Panalo ako!



MARION: Kung mabigat ka, edi sana hindi kita binubuhat ngayon?


Gosh! Ako un barado!
Panalo na naman siya!
So it means, hindi ako mabigat?Yehey!!
Teka house na namin un!



KARISSA: House na namin un!

MARION: Malaki ah?

KARISSA: I’m sure mas malaki un sa inyo.

MARION: Let’s say, parehas na rin un sa amin.

KARISSA: Pero wait,


Wait, paano niya nalaman na dito house namin?
Ngayon ko lang napansin, kanina pa kami nagkkwentuhan pero hindi ko pala tinuturo un way papuntang house namin..



KARISSA: Paano mo nalaman na bandang dito house namin? Stalker ka noh?

MARION: Excuse me? Sayo? Wag na lang. Diba, sinabi mo sa guard un street niyo.

KARISSA: OO nga, pero paano mo nalaman kung saan street namin?

MARION: May kakilala kasi ako dito sa subdivision niyo, kaya alam ko na rin toh. May tanong ka pa?

KARISSA: Wala na po bosing,Wait lang, Doorbell tayo.


Pinress ko un speaker nun doorbell namin..


MAID: Sino po yan?

KARISSA: Si Karissa po toh,

MAID: Ms. Karissa?

KARISSA: Karissa po.

MAID: Sorry po, Wait lang po.


Nagautomatic open un gate namin.
Well, konti lang may ganyan dito sa subdivision namin.
Pumasok na kami ni Marion…
Syempre unang sumalubong sa akin un maganda kong Mommy..



MRS. ASAJAR: Gosh! Dear, what happened to you?

KARISSA: Wala po toh, natapilok lang ako.

Binaba na ko ni Marion sa sofe namin..
Binigyan ko siya ng *quiet* look…
Tumingin naman si Mom kay Marion tapos sa akin.
Binigyan naman niya ko ng *who*is*he* look,,



KARISSA: Mom, si Marion po. Classmate ko po siya.

MARION: Good evening po.


Aba, himala!
Si Marion Gatcheco ba un nasa harapan ko?



MRS. ASAJAR: Thank you sa paghatid sa daughter ko, Wait, Karissa diba sabi mo sa akin sasabay ka kay Rayne?


Patay ako nito!
Lagot na!
Kailangan ulit magsinungaling ako.



KARISSA: Ah eh,,kasi akala ko andun pa siya, naiwan na niya ko.

MRS. ASAJAR: Buti na lang nahatid mo ang daughter ko.

Siguradong iniisip nito,
Napakasinungaling kong anak..tsk3..



MRS. ASAJAR: If you don’t mind, dito ka na lang magdinner with us.

What did she say?! Dito magdidinner si Marion!
Wag naman please!!please!!


MARION: Wag na lang po, kailangan ko na rin po kasi umuwi.


Hay!Salamat! Huh?
Bakit ayaw niya magdinner dito?
Ang gulo mo Karissa!



MRS. ASAJAR: Ok,maybe next time iho?

MARION: SIge po. Uhm, sige po, uuwi na ko.

MRS. ASAJAR: Ok, take care iho. Thank you again sa paghatid kay Issai..

KARISSA: Mom!!!

MARION: Issai?

MRS. ASAJAR: I mean, Karissa pala.


Yup, Issai ang nickname ko dito sa house lang..
Mom, Dad, Kuya Korj ko lang tumatawag sa akin nun,
Minsan sina yaya..
Naku..Bakit tinawag ni Mom na Issai, sa harapan pa ni Marion?
Urgh!



MARION: Sige po, Goodnight! Goodnight Issai! See you at school.

KARISSA: Wag mo kong tawagin Issai!

MRS. ASAJAR: Dear, don’t be like that to your classmate.

KARISSA: I’m sorry,.

Nakangiting umalis ang kumag
Naku talaga!
ALam na niya nickname ko..

No comments:

Post a Comment