CHAPTER 65: THE PLAYBOY GETS HURT
Nakapagtataka din itong si Marion..
Tama nga talaga si Bez..
Hindi mo talaga maispell ang mood ni Marion..
Teka, si Vince un diba?
Hindi naman sigur masama kung susundan ko siya?
>SCHOOL GARDEN<
Saan naman kaya napunta un?
Bigla-bigla na lang nawawala..
Teka, mukhang may tao dun?
Itanong ko na lang kung nakita nila si Vince,
Panigurado naman kilala nila si Vince,
Sino ba naman hindi makakakilala doon?
Sinimulan ko ng puntahan un nakikita kong tao..

Mukhang hindi ko na kailangan magtanong..
At mukhang nakakaistorbo pa ko sa paghahalikan nila..
VINCE: Ciara?!
CIARA: I’m sorry. I didn’t mean to disturb you. Sige, ipagpatuloy niyo na.
Sana na lang hindi ko nakita un!!
Tumakbo na lang ako palayo..
Hindi ko kasi nakayanan un nakita ko..
VINCE: CIARA!!!! Teka lang!!!
Sinundan pa pala niya ko..
Bakit pa?! Sobra- sobra na yung nakita ko, huwag na niyang dagdagan pa!!
AYOKO NA!
Ang g*go ko talaga!!!
Kailangan ko siyang mahabol!
Kailangan kong magpaliwanag!
Kailangan kong masabi ang totoo!
Kailangan ko SIYA!
And GOTCHA!!
CIARA: Ano ba?!!
Pagkaharap niya sa akin,
Umiiyak na siya..
VINCE: Umiiyak ka?
CIARA: Hindi! Napuying lang!
VINCE: Wag ka ngang sinungaling!
CIARA: Ako pa ngayon?! Ikaw ang wag magsinungaling!
VINCE: Ciara, listen to me, un nakita mo—
CIARA: Vince, you don’t need to explain. Wala ka naman dapat i-expalin lalo na sa akin!
VINCE: NO CIARA! KAILANGAN ko magexplain lalo na sayo!
CIARA: Hindi mo ba ko naririnig?! Hindi mko kailangan! Dahil I realize that, kahit sino hinahalikan mo! Kahit sino nagiging girlfriend mo! Kahit sinong babae gusto mo! Dahil PLAYBOY ka!!
VINCE: Ciara! Pakinggan mo muna kasi ako!
CIARA: Nga pala, bakit ba ko nagagalit? Dapat nga matuwa pa ko. Kasi among of Xavier Girl High students, ako un napili mong halikan! Ang swerte ko naman diba? Dapat pala thankful pa ko. THANK YOU SO MUCH MR. VINCE DE VEAR FOR THE OPPURTUNITY!
VINCE: Puwede ba Ciara?! Can you stop this?!! Alam kong nasaktan kita pero --
CIARA: Nasaktan?! Sino ka para masaktan ako?!
VINCE: Boyfriend mo ko Ciara!
Boyfriend?? HAHAHAHA!
Nakakatuwa!
Tumalikod na ko para maglakad,
Kaya lang, bigla niyang hinahawakan ang kamay ko para pigilan ako.
CIARA: Boyfriend? Akala ko din eh. Pero never kang naging boyfriend sa akin. NEVER.
Saka ko inaalis un kamay ko sa kamay niya..
Hindi ko na nakayanan..
Ayokong maramdaman niya un sakit na binigay niya sa akin..
Ganun ko ba siya nasaktan?
Ganito ba masaktan ang totoong nagmahal?
Bakit parang ako yata ang mas nasaktan?!
NAGING BOYFRIEND NGA BA AKO SA KANYA?
AYOKONG MARAMDAMAN NIYA NA NANALO NA SIYA
*CLOUD 9 BAR*
JAPS: Kanina pa ba siyang nandiyan?
GUARD: Opo. Pinaalis na nga po namin lahat ng customer eh.
JAPS: First time huh?
*nagbabasagan na bote, baso, pinggan, salamin, etc.*
JAPS: Sige, pasok na ko. Bago pa maubos lahat ng laman dito.
Nakareceive ako ng hindi kapani-paniwala na tawag..
Well, hindi talaga kapani-paniwala..
First time tong nangyari..
Pero hindi ko sinsabi na first time nagkaroon ng gulo dito sa Cloud 9..
Pero first time na NAGWALA SI VINCE SA BAR NIYA!
Teka IWAS!!!!
Muntik na ko dun!\
Hanep toh, muntik na kong matamaan ng flying bottle!
JAPS: BAL!! Tumigil ka na!
VINCE: Wag mo kong pakialamanan BAL!
JAPS: Anong wag?! Pag pinagpatuloy mo toh, mawawalan ka ng bar!
VINCE : Wala akong pakialam!
JAPS: Putcha naman toh! Pag-usapan nga natin toh!
Syempre wala na magagawa si Bal kapag ako na humila..
Bakit kaya nagkaganito ito?
JAPS: Sige, bal. simulan mo na magkwento.
*FLASHBACK*
Sino naman kaya itong nagtext?
TEXT:
FROM: 0915*********
Meet me at your school garden, NOW. -karen
Ano naman kaya problema nito?
Puntahan ko na nga lang
>SCHOOL GARDEN<
VINCE: Anong kailangan mo?
KAREN : I still love you, Vince
Urgh, ito na naman po tayo.
Sabay yakap pa sa akin..
Malamang inalis ko agad at baka may makita pa sa amin.
At mabigyan pa ng ibang meaning.
VINCE: Tapos na tayo Karen.
KAREN: Gagawin ko lahat bumalik ka lang.
VINCE: Wala kang kailangan gawin. May girlfriend na ko.
KAREN: Your just one-week girlfriend?
VINCE: You’re wrong. My girlfriend for a lifetime.
KAREN: What? That’s a bad joke, Vince.
VINCE: I’m not joking.
KAREN: Hindi ako naniniwala.
VINCE : Kailangan mong maniwala. Mahal na mahal ko na siya.
KAREN: What a lucky girl.
VINCE: Hindi siya. Ako ang lucky.
KAREN: So I think, wala na yata akong magagawa.
VINCE: I’m sorry.
KAREN: No, it’s ok. Masaya ako para sayo nagbago ka na.
VINCE: Thanks. Sige I have to go na.
Paalis na sana ako.
Kaso bigla niya hinawakan ang kamay ko.
KAREN: But, Vince. Can I have a favor?
VINCE: Ano un?
KAREN: Give me a one last kiss.
VINCE: But--
KAREN: One last, please?
VINCE : Sige.
Mukhang hindi ako titigilan nito, kaya pinagbigyan ko siya.
Gagawin ko ito hindi para sa kanya o para sa sarili ko.
Gagawin ko ito para kay Ciara. Weird?
Weird talaga ako. Wala ng kokontra!
Hinalikan ko na siya para matapos na ang lahat..
Pero parang nararamdaman ko na may nanonood sa amin..
Kaya napatingin ako sa gilid ko..
*END OF FLASHBACK*
JAPS: Baka naman si Gina un, hindi si Karen.
VINCE: Bal, hindi ako nakikipagbiruan.
JAPS: Eh HINDI RIN NAMAN AKO NAKIKIPAGBIRUAN! Alam mo Bal, masyado ka na nanonood ng telenovela at nagimbenta ka pa ng kwento!
VINCE: Palagay mo ba nakikipaglokohan ako ng ganito lagay ko?!!
JAPS: So it means, HINDI KA NA PLAYBOY!!!!!!!
VINCE: Manahimik ka nga.
JAPS: Sino naman yan lucky or unlucky girl na yan?
VINCE: Wag mo na alamin.
JAPS: Kung hindi ka naman kalahating tanga, bakit nakipaghalikan ka kay Gina este Karen?
VINCE: Para ng TUMIGIL!
JAPS: And to think of it, kaschoolmate pa natin un “only one” mo. Talagang may chances na makita kayo. Teka, “XAVIER GIRL STUDENT” siya?!!!!!!!
VINCE: Hindi ako bingi, BAL!!
JAPS: Maiinlove ka na nga lang sa hate na hate mo pa! tama nga un sabi ng iba “the more you hate, the more you love”
VINCE: Ewan ko sayo. Aalis na nga ko! Nonsense ka din kausap eh. AYUSIN mo tong bar ko!
JAPS: ANO?!
VINCE: At tandaan mo, walang lalabas na kahit konting information ng narinig mo ngayon. OK?
JAPS: Ok. Promise ko yan! Saka Bal, payo ko lang.
HUWAG KANG MAGPAPAKAMATAY AH?!
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
sorry for super late update.
kung iisipi niyo po, un next update ko ay un Student Council Meeting na.
hehehe.sorry pero hindi pa po un! HAHAHA.
THANK YOU SO MUCH FOR STILL SUPPORTING MY STORY
san na un ibang readers ko??
SUPER BELATED THANK YOU DIN PO SA MGA BUMATI SA AKIN!
kung iisipi niyo po, un next update ko ay un Student Council Meeting na.
hehehe.sorry pero hindi pa po un! HAHAHA.
THANK YOU SO MUCH FOR STILL SUPPORTING MY STORY
san na un ibang readers ko??
SUPER BELATED THANK YOU DIN PO SA MGA BUMATI SA AKIN!
.jpg)
No comments:
Post a Comment