LATEST UPDATE: CLASS 4-6 CH. 71 [FACEBOOK ACCOUNT]

MS.A

i just want to be UNKNOWN

*CLASS 4-6 official trailer*

Tuesday, July 21, 2009

CHAPTER 49: Mga Chismosang nurses


CHAPTER 49: MGA TSISMOSANG NURSES!


Grabe! Ang himbing ng tulog ko..
Ewan ko ba.pakiramdam ko..
Isa na toh sa mga mahihimbing kong tulog..
Sarap-sarap pa ng higa..
Teka nga, kung minumulat ko na kaya un mata ko..


HUWAAAT??!!!ANO TOH?!!!


Bakit ako nakahiga dito?!!!!
Nasaan na ba un dapat nakahiga dito?!!!!


"GISING KA NA PALA "

Napatingin ako dun sa nagsalita..
Galing sa CR..
WHAT?!!!!!!!!!
Naka-uniform siya?!!!!

AS IN COMPLETE UNIFORM!!!!



KARISSA: Anong nangyari? Bakit dito ako natulog? Saan ka ba natulog?

MARION: Alam mo, ang dami mong tanong. Magbihis ka na kaya.

KARISSA: Bakit? Saan tayo pupunta?

MARION: Saan pa nga ba?

KARISSA: Saan nga?

MARION: SA SCHOOL!!!

KARISSA: School?! Papasok ka na?!

MARION: Obvious ba? ??? ???

KARISSA: Ayos ka na ba talaga? Pumayag na ba un doctor?

MARION: OO NGA! Ang kulit-kulit mo.

KARISSA: Paano pala ako makakapagbihis? Eh wala dito un uniform ko?


Aba, hindi man lang pinansin..
Pumasok ba naman ulit sa CR..
Ah siguro.. may LBM!!hahahahaha!!
Lumabas na rin..wala palang LBM.hehehe.
Wait, may dala-dala siyang damit..
Naka-hanger pa.
Wait..


Eh UNIFORM ko yan ah!!!



KARISSA: Paanong --

MARION: Wag ka na magtanong. Tumayo ka na diyan, prinsesa. Baka malate pa tayo. Kapag hindi ka pa gumalaw diyan, hahalikan kita.


Hindi pa rin ako makapagsalita..
Hanggang ngayon, ang daming tanong sa utak ko..
Bakit dito ako natulog?
Saan natulog si Marion?
Paano napunta dito un uniform ko?
At ano ulit ung huli niyang sinabi?



MARION: Gusto mo talagang mahalikan noh? Sa bagay, goodmorning kiss din un.


MAHALIKAN?!!!
Binato ko agad un unan dito sa kama..
At syempre, SAPUL!!
At saka ako tumakbo papuntang CR..
Syempre, bago un. Kinuha ko sa kanya un uniform ko..
HAHAHAHAHAHA!!



MARION: ISAW!!!!


Kahit kailan talaga un isaw na un..
Sapul na sapul talaga un mukha ko..
Wala na rin akong magagawa, nakatakbo na rin siya.
Makalabas na nga..
May aayusin pa ko sa nurse station..


Natapos na din akong magbihis..
Haynaku, andito nga un uniform ko.
Pero wala naman un mga gamit na kailangan ko para makapasok..
Dadaan na lang ako sa bahay..
Papaunahin ko na lang si Marion..
Good idea diba?



KARISSA: Ma--


Nagulantang ako sa nakita ko.
GUESS WHAT?!!



KARISSA: Paano napunta lahat toh dito?!


Alam niyo ba kung ano un?
LAHAT ng gamit ko na kailangan ko para makapasok, ANDITO mismo sa kwarto!
Paano napunta yan dito??
Wala naman yan kanina ah.
Teka, asan na ba un isa??
Aba, bigla-bigla na lang akong iniwan dito..
Bigla na lang bumukas un pinto..
Sino pa nga ba un..



KARISSA: MA--

NURSE: Ma’m may nakalimutan lang po akong kunin.

KARISSA: AH ganun ba?


Akala ko si Marion.
Nasaan kaya un??
Hindi man lang nagpaalam..
Paalis na pala un nurse.
Matanong ko nga..



KARISSA: Uhm, ms. Saan po kaya pumunta un pasyente dito?

NURSE: Si Mr. Marion Gatcheco po? Pumunta po siya sa nurse station.

KARISSA: Ganun ba? Sige, salamat.


Umalis na rin siya.
Wait, kilala niya un?
Baka naman nakita lang niya pangalan ni Marion.
Makapagayos na nga at makalabas na dito..


WAKAS!natapos na din ako.
Lumabas na ko ng room.
Habang naglalakad ako, may nakikita akong nurses na tinitignan ako
Ano naman problema nila?



NURSE1: Yan un girlfriend ni Mr. Gatcheco.

NURSE2: Hindi ganun kagandahan.

NURSE1: Naku, wag ka nga maingay. Pag tayo narinig nyan, lagot tayo kay Mr. Gatcheco. Mawalan pa tayo ng trabaho.

NURSE2:Anak ba siya ng may-ari ng hospital na toh?

NURSE 1: Hindi ah. Pero ang alam ko malakas ang kapit niya dito.

NURSE 2: Ang swerte naman ng girlfriend na yan. Ano naman kaya pinakain niyan?

NURSE3: Hoy, ano ba pinaguusapan niyo? Kung makapanlait kayo, parang ang ganda-ganda niyo. Eh wala pa nga yata kayo sa kalingkinan niyan girlfriend niya. Kahit nga talampakan pa nga eh.

NURSE1: Makaalis na nga.


Umalis na un dalawa.
Hay,,buti na lang may natitira pang anghel dito.
Grabe naman un, nakakahurt.



NURSE4: Oh? Ano nangyari dun?

NURSE3: Pinagsabihan ko, kung makapanlait na naman kasi ng tao eh.

NURSE4: Hay naku, naiingit na naman un mga un. Ui, alam mo ba, kinikilig ako dun sa pasyente dun sa may VIP Room.

NURSE3: Ah, si Mr. Gatcheco? Siya nga un pinaguusapan nun dalawa kanina eh.

NURSE4: Nilalait nila un?

NURSE3: Hindi un, un girlfriend niya.

NURSE4: Girlfriend niya? Jusko, ang ganda kaya nun girlfriend niya.

NURSE3: Talaga? Bagay na bagay siguro sila noh? Bakit ka pala kinikilig?

NURSE4: Oo nga pala, kagabi kasi may kukunin ako dun sa VIP Room. Pagpasok ko, gising pa si Mr. Gwapo. Tapos binabantayan niya un girlfriend niya. Natutulog kasi sa tabi niya.

NURSE3: Magkatabi sila sa kama?

NURSE4: Hindi ah. Nakaupo sa chair un girlfriend niya, un ulo niya nakahiga sa ibabaw nun kama ni Mr. Gwapo.

NURSE3: Tapos?

NURSE4: Syempre, pumasok ako. Tapos nag-quiet sign pa si Mr. Gwapo. Halatang ayaw niya talaga magising un girlfriend niya. Para nga siyang papatay ng tao kapag nagising un girlfriend niya eh.

NURSE3: Katakot din pala noh?

NURSE4: Teka, un yata un girlfriend niya?


Bigla tumingin sa akin un nurse..
Hala, ang tagal naman nitong elevator..


>>>>TTTIIIINNGG<<< [sorry, hindi ko po alam kung paano isound effects un elevator]

Pumasok ako agad ng elevator..
Baka mahuli pa ko nun dalawa na nakikinig sa usapan nila..
Bakit parang hindi ako makarelate dun??
Duh? Hello? Tulog kaya ako,
Kaya paano ko malalaman un..
May sumakay na rin na tatlong nurses..
Parang kilala ko un isa..
Eh ito un kagabi ah..
Un lumalandi sa papaMARION ko!



NURSE1: Ang gwapo talaga nun nasa VIP Room.

NURSE2: ANg swerte mo nga eh, nakapasok ka sa room niya.

NURSE1: Syempre ako pa. kaso andun un girlfriend niya eh.

NURSE2: Aww, may girlfriend na pala siya.

NURSE3: Ang alam ko, un girlfriend niya un nagpadala nun maraming gamit na pinadala dun sa VIP Room. Sigurado akong sa kanya un kasi puro pambabae.

NURSE1: Grabe, kawawa naman si papaGWAPO. Inaalila ng girlfriend niya. Feeling naman ng girlfriend siya un pasyente. Nakakairita.


Sasabunutan ko na talaga toh.
Anong PAPA?!
Excuse me, hindi ko siya inutusan noh.
Malapit na talagang jumackpot toh sa akin



NURSE2: Hoy ano ka ba. Papagwapo ka diyan. Feeling mo naman. Saka ang alam ko, surprise un nina Mr. Gwapo sa girlfriend niya.

NURSE3: Talaga? Ang sweet naman niya.

NURSE1: Sweet talaga un. Nagapasubo nga siya akin eh.

NURSE2&3: Sayo?!

NURSE1: Oo nga. Kaso hindi natuloy, umepal kasi un impakta niyang girlfriend. Inagaw ba naman niya sa akin un kutsara at siya na un nagsubo sa papaGWAPO ko.

NURSE3: Tigil-tigilan mo nga yan kalandian mo. Mabait pa nga girlfriend nun eh. Kung ako sigurado un, itatapon kita sa labas.

NURSE2: Pero diba paa lang un injured sa kanya? Bakit nagpapasubo pa siya?

NURSE1: Hindi ko nga alam eh. Pero pagpasok ko dun, parang may LQ sila. Sana nga nagbreak na nga eh.

NURSE3: Bawasan mo nga yan kasamaan ng ugali mo. Makarma diyan eh.

NURSE2: Alam ko na! ginamit ka ni Mr. Gwapo para pagselosin un girlfriend niya.

NURSE1: Hay naku, basta ayoko dun sa girlfriend niya. Siya nga tong dahilan kung bakit nagkaganun un papa ko.

NURSE3: Balita ko nga, si Mr. Gwapo un sikat na MVP basketball player sa Xavier Boy High.

NURSE2: Oo nga, natatandaan ko siya,. Naku, dahil dito. Baka hindi siya makalaro.

NURSE1: Naku! Kakaasar talaga un impaktang girlfriend niya.


>>>>>TTTIIINNGG<<<<


KARISSA: Excuse me.


napatingin sa akin un mga nurses.
Halatang gulat na gulat un bruhildang nurse..
Impaktang girlfriend pala ah!
Pasalamat talaga siya, ayoko masira araw ko!



NURSE2: Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo?

NURSE3: Nagandahan ka dun sa babae noh?

NURSE1: Siya un girlfriend ni PapaGwapo.


syempre kahit nakalabas na ko ng elevator,
Rinig na rinig ko pa rin malakas nilang boses..
Kapal pa ng mukha niya tawaging PAPAGWAPO si Marion.
Naku talaga..
Eh ako ang lumalabas na Bad girlfriend dito at si Marion ang Good Boyfriend..
Pero nakokonsensya pa din ako..
Alam kong ako ang dahilan kung bakit hindi na makakapaglaro si Marion



NURSE1: Ang gwapo talaga nun nasa VIP Room..


Don’t tell me,
Another one na naman toh..
Dinaig pa naming artista ehh..
Hindi ba nila kami tatantanan..
Ano naman criticism maririnig ko ngayon?
Parang kilala ko un nurse na kausap niya..
Eh ito un pumasok kanina sa room..
Ang bilis naman niya makababa.



NURSE2: Ang ganda nga nun girlfriend niya eh.

NURSE1: Talaga? Nakita mo na?

NURSE2: Kagabi at kanina. Kagabi nga lang hindi masyado kasi natutulog siya pero kanina, gising na siya.

NURSE1: Talaga? Palagay mo mabait siya?

NURSE2: Mukha naman siyang mabait. Tapos mukhang nasurprise siya kanina kasi nakita niya na andun na sa room un mga gamit niya. Tapos tinanong niya kung nakita ko un boyfriend niya.

NURSE1: ANg sweet talaga nun boyfriend niya. Pero parang puyat un pasyente dun sa VIP Room?

NURSE2: Puyat talaga un. Buong gabi ba naman gising un eh.

NURSE1: Hindi nga? Bakit naman gising?

NURSE2: Binabantayan niya un girlfriend niya.

NURSE1: Grabe, sweet-sweet naman talaga niya.

NURSE2: Tapos nun pumasok ako ulit dun sa room nila kagabi, nakita kong nakahiga na un girlfriend niya sa kama niya.

NURSE1: Oh? Talaga? Eh saan naman natulog si Mr. Gwapo?

NURSE2: Dun siya nakaupo sa sofa, para nga matutunaw si girlfriend kasi nakatitig lang sa kanya.


"ISAW!!!!"


Napatingin ako sa tumawag..
Alam kong ako un, at alam kong sino un.
Sino pa nga ba?



MARION:
Tapos ka na magbihis?

KARISSA:
Obvious ba?


Ang rude ko naman yata?
Dapat pala maging mabait ako sa kanya..



MARION: Halika na.

KARISSA: Huh? Saan tayo pupunta?

MARION: Sa school nga. Ano gagawin natin dun? Papasok tayo. May tanong ka pa?

KARISSA: Meron pa.

MARION: Hindi ka na talaga nauubusan ng tanong.

KARISSA: Paano un gamit ko dun sa room?

MARION: Bahala na si Auntie K dun. Ok?

KARISSA: Pe--

MARION: Tama na nga yan. Malalate na tayo.


Wala na kong nagawa dahil hinila na niya ko.
Nakakahiya nga eh, pinagtitinginan kami ng tao,.,
Naku, baka ano pa isipin ng mga toh..
At nakarating na kami dito sa labas..
WHHHOOOO!!!!
May limousine na nakaparada sa entrance..
Kanino naman kayo toh?
Ang sosyal ahh..
Bigla naman bumukas un pinto nun limo..
Whhooo! Sosyal din ang pinto..kakaiba.. >>LIMOUSINE


MARION: Dali, pasok na.


Huh? Dito sa limousine na toh?
Dito kami sasakay??
Hindi ako makapaniwala..
Pero wala na rin akong magawa dahil mukhang badtrip na un boyfriend ko daw..
Sumakay na rin siya..
Pero may biglang kumatok ng pinto dun sa side ni Marion..
Kaya binuksan naman niya un window..



MARION: Auntie K..

AUNTIE K: Ok na lahat, young master. Ito na po.


Si Auntie K lang pala..
May inabot siyang papel kay Marion..
Ano naman kaya un?
Nacucurious tuloy ako..
Saka ano naman kaya un ok na lahat?hmmm



MARION: Salamat Auntie K. sige, ikaw na po bahala.

AUNTIE K: Si Auntie K na ang bahala. Sige, pumasok na kayo. Malate pa kayo.

MARION: Sige po.

AUNTIE K: Ms. Karissa, ingat po kayo. Salamat po sa pagbabantay niyo p okay Young Master.

KARISSA: Karissa na lang po. Saka po, hi--


Bastos na Marion toh.
Hindi pa ko tapos makipag-usap kay Auntie K,
Sinarado na agad un window niya.
Urhg, nagsimula na rin umalis kami



KARISSA: Hoy, bakit sinarado mo agad? Hindi pa nga ko tapos makipagusap eh.

MARION: Tatagal pa tayo.

KARISSA: Hay naku, pero teka. Kumain ka na ba?

MARION: Hindi pa.

KARISSA: Bakit hindi pa?

MARION: Alam na nga, kumain na ko agad tapos ikaw hindi pa?

KARISSA: Uhmmm..


May kinuha naman siya sa parang cabinet..
Ano naman kaya un?



MARION: Oh hayan, kumain ka na.

KARISSA: Eh ikaw?

MARION: Busog pa ko.

KARISSA: Busog? Eh wala ka pa nga kinakain.

MARION: Hindi ako kumakain ng breakfast.

KARISSA: Ano? Eh ano laman ng tiyan mo niyan? Heto oh, hati na tayo.

MARION: Wag na nga.

KARISSA: Edi hindi na rin ako kakain.

MARION: Akin na nga.


Kinuha rin niya un kalahai nun sandwich,,
Dami png arte..
Gusto ko sana magtanong tungkol kagabi.
Pero nahihiya ako.
Siya pa tong nagbantay sa akin.
Dapat nga ako un magbantay sa kanya..
Ewan ko ba, antok na antok talaga ako..
Paano ba ko makakabawi dito??
Grabe, hindi ko na rin siguro ikkwento sa kanya un mga narinig ko kanina.
baka ano pa isipin nito.
pero masasabi ko lang.



MAHIRAP MAGING GIRLFRIEND NIYA

Teka, parang may biglang naglean sa balikat ko?
Hayn naku, nakatulog na ang loko..
Sige, pagbigyan natin..
Alam ko naman puyat na puyat toh..
Matulog lang siya mahimbing..
Napalingon naman ako front pocket niya..
Un binigay na papel ni Auntie K.
Ano naman kaya laman nun?
Hindi naman siguro masama kung titignan ko diba?
Syempre, kinuha ko na.tulog naman siya eh..
Ano kaya laman nito?


Quote
WISHLIST

1. Pakuha ng uniform niya sa bahay niya. As in COMPLETE UNIFORM,
2. Tanungin mo po un Yaya niya kung anu-ano un mga gamit niya sa pagpasok.
3. kausapin niyo na rin po un parents niya, kasabay ko na siya pumasok.
4. Kausapin mo po un doctor ko na lalabas na ko bukas. PERIOD
5. Pakuha po ng uniform ko po sa cabinet. COMPLETE UNIFORM
6. Pakitawagan po sina Nathan, Vince at Japs na magready na sila.
7. pakidala po un limo tomorrow morning, iyon gagamitin naming pagpasok.
8. Magready na rin po kayo ng breakfast para sa kanya.
9. Bayaran niyo na rin po un lahat ng gastos sa hospital.
10. Pakitawagan na rin po toh. 09********, pakisabi bukas na.

Un lang, SALAMAT AUNTIE K!

Grabe naman tong wish list niya.
So totoo pala lahat nun narinig ko sa mga nurse..
Grabe, speechless talaga ako..
Kahit papano, isa na toh sa mga GOOD goodmorning ko..
Binalik ko na rin agad sa bulsa niya un Wishlist niya,.
Natutuwa talaga ako..
Sana lang lagi kaming ganito..
Ayoko na mag-isip ng kung anu-ano.
Kuntento na ko sa ganito kami..
Nakarating na rin kami ng school..
Syempre ginising ko na rin siya.
And take note: for the first time, SABAY KAMING PUMASOK!
Another first time, MAY KASABAY SIYANG PUMASOK
Kaya nga, pinagtitinginan kami ng mga tao.
DEADMA lang kami!
At sa wakes nakarating na rin kami ng Class 4-6



CIARA&RAYNE: KARISSA!!!!!!!

KARISSA: Hoi, kung makasigaw naman kayo diyan.

CIARA: Ok ka lang ba?

RAYNE: Sabihin mo lang.

KARISSA: Ano ba kayo, ok lang ako. Hindi naman ako un naaksidente eh.

JAPS: Whoo. Marion, complete uniform ka ngayon ah.

VINCE: Ano nakain mo?

MARION: Shut up.

VINCE: Sabi ko nga e, masarap talaga un “shut-up”

MARION: Pardx, mag-usap tayo maya.

NATHAN: Ok, mukhang seryoso ah?

MARION: Ready ka na ba Japs?

JAPS: Oo naman. Ako pa.

MARION: Ikaw, Vince?

VINCE: Sure na sure!

MARION: Pardx?

NATHAN: Marion, kilala mo ko.

MARION: That’s good. Then sino?






NATHAN,JAPS&VINCE: POPU GIRLS!!!!!

As what I expected.




No comments:

Post a Comment