LATEST UPDATE: CLASS 4-6 CH. 71 [FACEBOOK ACCOUNT]

MS.A

i just want to be UNKNOWN

*CLASS 4-6 official trailer*

Tuesday, July 21, 2009

CHAPTER 56: Layuan mo siya


CH: 56: LAYUAN MO SIYA!



G HOTEL..
CARMELA’S ROM..



MARION: Nasaan na si Chloe?


Pagpasok ko kasi sa kwarto niya,
wala man lang akong nakitang anino ni Chloe..
Usually naman kasi, kapag nagaayos sila ng gamit, laging magkasama un dalawa..



CARMELA: Andun na sa kwarto niya.

MARION: Eh bakit hindi pa kayo magready? Hindi ba kayo sasabay sa akin?


Huh? Nasa kwarto pa niya??
Ano pang ginagawa nun dun??
Dapat nagaayos na sila ng gamit nila..
Hindi ba sila sasabay sa akin paguwi?



CARMELA: Nag-aalburoto na un isa sa kwarto niya.

MARION: Bakit naman?

CARMELA: Isipin mo kaya un ginawa mo kanina.


Ginawa ko kanina??
Dahil dun ba sa nangyar sa kotse..
Naku naman…
Napalo ko tuloy un noo ko..tsk..


>>FLASHBACK<<>

CHLOE: Teka nga, Kuya Marion. May hinahabol ba tayo??

MARION: Wala naman. Bakit?

CHLOE: Bakit ang bilis mo magpatakbo?

MARION: Mabilis ba?

CARMELA: Honestly, oo Kuya.

MARION: Sorry ah? Sa totoo lang, nagmamadali kasi ako.

CHLOE: Bakit naman?

MARION: May babalikan pa kasi ako sa school.

CHLOE: Babalikan? Bakit hindi na lang natin balikan ngayon?

MARION: Wag na. Mas mabuti na lang, idadaan ko muna kayo sa G Hotel tapos bumaba na kayo doon then aalis na ko.

CHLOE: Huh? Akala ko ba --

MARION: Don’t worry, babalikan ko naman kayo doon. Habang hinihintay niyo ko, mag-ayos na kayo ng gamit niyo doon.

CHLOE: What? Paghihintayin mo kami?

MARION: Hindi naman ganun katagal un.

CHLOE: Kuya Marion, alam mo naman na ayokong pinaghihintay ako. Lalo ka na!

MARION: Chloe, ngayon lang toh.

CHLOE: Ano ba kasi yan babalikan mo?! At kailangan mo pang iwan kami at paghintayin?!

MARION: Hindi ano, sino dapat?

CHLOE: Ano ba, Kuya Marion?!

CARMELA: Parang kilala ko na siya.

MARION: Kilala mo na?

CARMELA: Un classmate niyong babae noh?

MARION: Paanong--

CHLOE: KUYA MARION!!Bakit kailangan mo pa siyang balikan?!!

MARION: Chloe, lower your voice.

CHLOE: Tinatanong kita kung bakit kailangan mo pa siyang balikan?!

MARION: Eh kasi..

CHLOE: But wait, siya ba un dahilan ng aksidente mo?!

MARION: Hindi niya kasalanan un!

CHLOE: Pinagtatanggol mo pa ngayon!

CARMELA: Chloe, hindi naman talaga niya kasalanan un. Aksidente un.

CHLOE: Can you just shut up?!

MARION: Chloe, wag kang ganyan sa kakambal mo!

CHLOE: I don’t care! And can you stop saying na kakambal ko siya!!

MARION: CHLOE! Stop being stubborn!!


Napatigil ko un kotse ko..
Andito na rin kami sa tapat ng G Hotel..
Naiinis na ko sa inaasta niya sa kapatid niya..
Bakit na lang ba lagi na lang siyang ganyan kay Carmela??
Yan tuloy, yumuko na naman si Carmela..



CHLOE: Ako pa ngayon ang stubborn?!! Naiinis na ko sayo! Dahil lang doon sa letcheng classmate mo! Nagbago ka na!! I HATE HER!!


Bumaba na si Chloe..
Susundan ko na sana siya, kaya lang hinawakan ni Carmela un kamay ko..
Kaya napatingin na lang ako sa kanya..
At nakita ko sa mukha niya, ang matamis na ngiti..



CARMELA: Ako ng bahala sa kanya, i’m sure mamaya pagbalik mo, ok na un. Diba may babalikan ka pa? Naku, wag kang pabagal-bagal diyan. Baka maunahan ka na ng iba.

MARION: Salamat Carmela.

>>END OF FLASHBACK<<



MARION: So hanggang ngayon, hindi pa din siya ayos?

CARMELA: Para naman, hindi mo kilala un?

MARION: Hindi pa din siya nagbabago.

CARMELA: Kamusta naman un lakad mo? Bakut andito ka na agad?

MARION: Naging mabagal ako eh.

CARMELA: Huh? Ano?

MARION: Naunahan ako eh.

CARMELA: Sabi--

MARION: Naunahan ako ng bestfriend ko.

CARMELA: Betfriend? Si Kuya Nathan?

MARION: Sino pa nga ba?

CARMELA: So ang dalawang magbestfriend love a same girl.

MARION: Love ka diyan? HINDI ko mahal un. Si Nathan lang ang may gusto dun,

CARMELA: Kuya Marion, pati ba naman sa akin magdedeny ka pa?

MARION: Hindi ko nga mahal un. Saka hindi ako tumatalo ng kaibigan. Si Nathan pa na parang kapatid ko na.

CARMELA: Bakit sila na ba?

MARION: Sa tingin ko? Pero teka nga, paano mo ba nalaman un tungkol sa classmate kong babae?

CARMELA: Ah, si Karissa Asajar?

MARION: :o Paanong kilala mo siya?

CARMELA: Sino ka nga ulit?

MARION: Natatakot naman ako sayo.

CARMELA: Ikaw talaga, parang hindi mo kilala.

MARION: Anu-ano pa ba alam mo?

CARMELA: Secret ko na un. Alam mo, ang dami mong tanong? Kung umuuwi ka na kaya,

MARION: Akala ko ba sasabay na kayo sa akin.

CARMELA: Palagay mo ba, makakaalis kami ng ganito ang sitwasyon nun isa?

MARION: So bukas na kayo sasabay sa akin?

CARMELA: Depende na lang sa mood nun isa

MARION: Dito na lang ako matutulog.

CARMELA: Talaga, Kuya?

MARION: Oo naman. Kailangan kong bumawi sa inyo eh.

CARMELA: Thank you! The best ka talaga.


>>>BBBBLLLAAAGGGG<<<


CHLOE: CARMELA!! Nasaan na ba un hinihingi ko?!! Ang -- Oh? Andito ka pala.

MARION: CHLOE!


Lumabas na ulit ng kwarto si Chloe..
Syempre, may malakas na naman pagdabog..
Nakakahiya na nga sa mga guests dito sa hotel.
Pati mga crew dito, tumatayo ang balahibo sa sobrang takot..
Si Kuya Marion, sinundan na si Chloe.



MARION: Carmela!! Hindi pa tayo tapos ah. Sasabihin mo pa sa akin un tungkol dun sa bestfriend mong lalaki sa Amerika!

CARMELA: Oo na. Mas mabuti pang yan muna tapusin mo!


At hayun, parehas silang nagingay sa corridor..
Haynaku, hindi na ko magtataka kung magstay kami dito at malugi tong hotel,
Lumabas na rin ako para tignan un mga tao sa labas..



CARMELA: Sorry po ah?? Wag na kayong matakot. Pasensya na talaga.


Pumasok na rin un iba,
nakita ko pang nagbuntong hininga pa un mga crew nun nakita ako..
Pumasok na rin ako sa kwarto ko..



CARMELA: Akala ko pa naman, pagbalik ko dito. Magiging akin na siya. Hindi pa pala. Kung alam lang sana nila, NASASAKTAN na ko. Pero ano bang magagawa ko?? May iba na ulit mahal ang taong mahal ko. Ayokong manira ng isang relasyon pero paano ang kapatid ko?? Kung alam ko lang na ganito ang magiging pagbalik namin, hindi na lang sana kami bumalik. Ngayon pa lang, gusto ko na magSORRY sa mga relasyon na masisira.


>>CHLOE’S ROOM<<


>>>>>>BBBLLLLLLAAAAAAGGGG<<<<<<


MARION: Hindi ka ba talaga marunong magbukas at magsarado ng pintuan ng maayos?!! Nasa hotel tayo Chloe!! Hindi lang ikaw ang tao dito!

CHLOE: So what?! Wala akong pakialam sa kanila! Kailan ka pa Kuya Marion nagkaroon ng care sa kanila?!! Hindi ka naman ganyan dati ah!

MARION: Hindi na tayo bata Chloe!! GROW UP!! Tigilan mo na nga ang pagiging spoiled brat mo!!

CHLOE: So ngayon naman spoiled brat? Ano pang itatawag mo sa akin?! Ng dahil diyan sa classmate mo, sinisigawan mo na ko!!

MARION: CHLOE!! Tigilan mo nga ang pagsali ka Karissa dito!! Wala siyang kasalanan!! Hindi mo ba naiintindihan un?!

CHLOE: Karissa pala name niya?? Ano ba kasi pinakain niyan sayo at nagkakaganyan ka!! Masyado na niyang nilason yan utak mo!!

MARION: CHLOE!! Hindi mo ba talaga titigilan yan!!

CHLOE: Hinding hindi talaga!!! I HATE HER SO MUCH!!! Ng dahil sa kanya, naging ganito pa ang welcome party mo sa amin!! So good diba?

MARION: Chloe,! Wala naman syang kinalaman dito!! Ano bang gusto mong gawin ko para lang tumigil ka!?!

CHLOE: LAYUAN MO SIYA! LAYUAN MO SI KARISSA!

MARION: Bakit ko naman siya lalayuan?

CHLOE: Dahil AYOKO sa kanya! Ayokong nakikita siyang kasama mo siya!

MARION: Wala naman siyang ginagawang masama.

CHLOE: Anong wala?! Ng dahil sa kanya, lagi kang napapahamak!! Akala mo siguro wala akong alam?! Look, MALAKI na yan PINAGBAGO mo ng dahil sa kanya!! Hindi mo naman siguro hihintayin mamatay bago ka pa tumigil diyan. Gusto kong layuan mo siya!! LAYUAN MO SIYA!! AYOKO SA KANYA! AYOKO SIYANG KASAMA MO!!

MARION: Hindi ko gagawin yan

CHLOE: Anong hindi?!! Ganyan ba siya kaimportante sayo!! At hindi mo siya kayang layuan?! Kung ganyan din naman pala, ako na ang lalayo!!

MARION: Chloe! You don’t have to do this!

CHLOE: NO!! I need to do this!! Now I realize that, MAS MAHAL mo siya kaysa sa akin!

MARION: Hindi ko siya mahal!!

CHLOE: Kung hindi mo siya mahal, patunayan mo sa akin ngayon!!










Sige, lalayuan ko siya. Tumigil ka lang at mapatunayan kong hindi ko siya mahal.

No comments:

Post a Comment