LATEST UPDATE: CLASS 4-6 CH. 71 [FACEBOOK ACCOUNT]

MS.A

i just want to be UNKNOWN

*CLASS 4-6 official trailer*

Tuesday, October 6, 2009

CHAPTER 65: PAMATAY NA TRY-OUT

CHAPTER 65: Pamatay na TRY-OUT


Bumalik na rin sa court sina Marion at Nathan..
At masasabi ko lang parang bumalik na talaga ang dating “Pardx”
Hay.. ang iingay na naman ng Class 4-6..
Kung ito lang sana gagawin nila,
Sana bumalik na lang sila sa classroom,
Pati mga cheerdancers ko, hindi makapagconcentrate.



RAYNE: Karissa, mas mabuti na lang sana na tomorrow na lang tayo magpractice.

ELAI: Oo nga. Alam mo naman kung bakit di ba?

KARISSA: Sige, tomorrow na lang.


Tuwang-tuwa naman sila..
If I know, gusto lang nilang manood ng training ng basketball player..
Nagready na rin un mga players at mga gusting magtry out.
Pero mukhang pati sila hindi makapag concentrate ..



MARION: CLASS 4-6, Puwede tumahimik kayo?


Aba, Deadma lang..
Walang pumapansin sa kanya..



MARION: Inuulit ko, Class 4-6, Tumahimik kayo!


DEADMA STRIKE #2! Wala pa din pumapansin sa kanya.
Enjoy na enjoy pa din silang magingay.



MARION: Talagang pinupuno niyo ko, CLASS 4-6! PAG HINDI KAYO TUMAHIMIK, MAGTTRY-OUT KAYO SA AYAW NIYO MAN O SA HINDI!!!

…….SILENCE………

Biglang tumahimik un paligid..
Parang walang nabubuhay na Class 4-6
Akala mo, may napindot na “mute” sa remote control..
Ganyan ba talaga nila ka-ayaw magtry-out?



MARION: Pardx, maghati tayong dalawa. Isa sa atin ang magpptraining sa varsity at un isa, magpptry-out.

NATHAN: So Pardx, ano gagawin ko dun?

TIM: Nathan, maawa ka sa amin, ikaw na lang ang magtraining sa amin.

MARION: May sinasabi ka ba , Tim?

TIM: Wala po. :(

MARION: Nathan, ako na bahala sa magttry-out.


Parang binunutan ng tinik un mga varsity..
Pansin ko lang, parang lahat yata iniiwasan si Marion..
Anong problema?



MARION: Lahat ng magttry-out, sigurado na ba kayo?

ALL: OPO!


Hindi rin makulit tong si Marion?
Ilan beses na ba niya inulit yan tanong na yan?
Para naman yata na ayaw niyang magtry-out sila?
Ang nakapagtataka lang, karamihan I mean halos lahat ng magttry-out,
Puro freshmen or kung hindi naman freshmen, mga new student..


VARSITY1: Buti na lang last year ako nagtry out.

VARSITY2: OO nga e, goodluck na lan sa kanila.

VARSITY3: Magsisisi lang sila.


Ano ba naman tong mga toh?
Magcchismisan na nga lang, rinig ko pa.
Pero ano naman ibig sabihin nila?
Nagrready na un mga magttry-out.



MARION: Magjogging kayo sa buong court, 15 LAPS.


15 LAPS?!!!
Nppraning na ba siya? Papatayin ba niya un mga magttry-out?
Or baka ako naman tong exage?
Baka ganun lang talaga ang try-out ng basketball?



MARION: Hindi ko sinabing maglakad, sinabi ko JOGGING!


Ano ba jogging sa kanya? Takbo?
Kawawa naman tong mga nagttry-out.
Hirap naman pala maging basketball player.
After ng 10 ikot..



MARION: Do the kangaroo jump in 10 Minutes.


Medyo madali naman pala un susunod..
Nagsimula na silang magkangaroo-jump sa may court..



MARION: Anong ginagawa niyo diyan? Do the kangaroo jump in 10 minutes at the bleachers! Bottom to the top, top to bottom!

ALL: ANO?!!! :o :o :o :o

MARION: Bakit? May problema ba? Cheerdancers, diba nagpapahinga kayo? Bakit hindi niyo na lang isave yan energy niyo para sa practice niyo? Manood lang kayo puwede?


Aba nman, pati kami pinapansin..
Nananahimik lang kami dito well except lang nun nagreact kami.
Sino ba naman kasi hindi magrereact sa ginagawa niya?
May balak ba talaga siyang patayan tong mga toh?
Hindi ko na nga lang siya papansinin.



MARION: 5 Minutes pa! Bilisan niyo!


Naku! Siya kaya un gumawa nun!
Karissa, pigilan mo talaga yan sarili mo.
Magkakagiyera talaga dito



MARION: TIME’S UP! Ang susunod niyong gagawin ay..

BOY1: Captain! Puwede bang magback-out?

MARION: Ang bilis ah? Sige, umalis na dito ang gusto ng magback-out!


Yabang talaga.. hindi na talaga maaalis ang kayabangan sa katawan niya.
Unti-unti ng umaalis un ibang magttry-out.
Halos kalahati ang natitira.



MARION: Wala na ba lalabas?


Wala na sumasagot sa kanila.
Naririnig ko pang nagkkwentuhan tong Class 4-6.



VINCE: Ayaw pa din nilang mag-backout?

JAPS: Naghahanap pa din sila ng sakit ng katawan.

ALT: Kapag minalas talaga sila, Si Marion pa humawak sa kanila.

JIN: Siguradong kung andito pa si Chris, siya mismo ang magpptry-out sa mga yan. Tulad lang ng dati.

VINCE: At si Nathan ang taga-warm up sa varsity players.

JAPS: Natatandaan ko pa, si Marion ang nagttraining mag-isa.

ALT: At dahil kulang sila ngayon, no choice sila. NO MERCY!

JIN: Naalala ko nga noon, pag nasa bad mood or good mood si Marion, kawawa talaga un mga players dahil siya un nagpapattraining sa kanila.

VINCE: Pero ngayon kya, good mood ba siya or bad mood?

MARION: Sa mga chismoso, siguraduhin niyong hindi ko kayo naririnig.


Lakas naman ng pangdinid nito.
Pero mukhang ngayon ko lang naiintindihan kung bakit ayaw ng Class 4-6 na sumali sa try-out.
Tanong ko din, bad mood or good mood kaya siya?



MARION: Mag-push up kayo, 75 times!

ALL: :o :o :o :o :o :o :o


Nababaliw na ba siya?!
Pagkatapos nun kangaroo jump, ngayon naman push up?!
May balak ba talaga siyang pumatay ng tao?
Syempre sumunod naman un mga nagttry-out.



MARION: Hindi niyo na kailangan magpaalam sa akin kung gusto niyo na umalis. Maluqag yan exit ng court.


Hindi pa rin ba tapos magpahirap?
May 10 ng lumabas ng court..
Parang alam ko na kung bakit malapit ang clinic sa court..
Tapos na rin sila magpush up..
Halatang gusto na nila sumuko pro kinakaya pa nila.



MARION: 10 laps…


WOW!!! Naawa rin si Marion..
At 10 laps na lang un susunod..
10 laps na ano?



MARION: na pabalik-balik ng “planting rice”. WHOLE COURT!


Teka, ano un planting rice?
Bakit parang nagulat naman tong Class 4-6?
Pati na rin un mga varsity?
Nagsimula na humanay un mga nagttry-out sa gilid ng court..



JAPS: Tignan lang natin kung may matira pa diyan..

VINCE: Meron pa yan.

JIN: Hindi pa natin nakikita un--


Bago ko narinig un mga sasabihin nila..
Nagulantang ako sa nakita ko
Ito pala un “planting rice” na sinasabi nila..
Nakaharap sila sa gilid tapos yumuko sika na parang nagtatanim ng palay tapos inistretch nila dalawa nilang braso..
Hindi pa talaga sira ulo nitong si Marion?
Take note, WHOLE COURT!!!
At pagkatapos nun, tatlo na lang ang natira..



MARION: Ok, tapos na tayo sa warm-up niyo..

ALL: WARM -UP?!!! :o :o :o :o :o :o :o


Warm-up pa lang tawag dun?!!
Baliw na ba siya?!
Paano pa kya un mismong try-out?!



JIN: I told you, hindi pa siya tapos.

JAPS: Paano kaya un try-out niya ngayon?

MARION: Kayong tatlo, dito kayo sa may 3 point line. Sino gusto mauna?


Syempre, walang gusto mauna..
Ano naman kaya balak nito?
Itinuro niya un isa..
Isa lang ibig sabihin niyan..



MARION: Ikaw ang mauna, pagkapasa ko sayo ng bola, ishoot mo agad. Limang beses mo gagawin yan, kailangan lahat ng shoot mo, shoot lahat. Kailangan lahat ng un mashoot mo kung hindi, kahit isa lang hindi nashoot. OUT KA NA.

BOY1: ANO?!! Eh--eh-- hindi ako magaling sa 3 point shoot.

MARION: Umaayos ka na.


Nakakaasar na talaga siya!
Hindi man lang niya pinakinggan un isa..
Ang harsh talaga niya!
Pinasa na agad niya un bola.
OMG! Mala-flammable ball un pagpasa niya..
Un katulad nun pagpasa niya dati kay Chris..
Tipong liliparin un papasahan..
Pero..
:o :o :o :o :o :o :o :o :o :o
Nasalo nun nagttryout un bola..then SHOOT!
Paano--
Teka, niloloko ba kami nitong nagttryout?!
Akala ko ba hindi siya marunong?



BOY1: Paano nangyari un? Ngayon ko lang nagawa un. Paano--

MARION: Ang dami mong tanong. Tapusin na natin toh.


Mukhang hindi nagsisinungaling un lalaki..
Halatang gulat na gulat din siya eh.
At ngayon, lahat ng shoot niya, pasok lahat!
Ano talaga nangyrai?



JAPS: Yan ang secret ng Xavier Boy Dragon Team.


Xavier Boy Dragon Team??
Un ba pangalan ng team nila?
Aba, tapos na sila agad..
At lahat ng natira, nashoot lahat nila lahat ng tira nila..



MARION: Pasok na kayong tatlo.

ALL: :o :o :o :o :o :o :o


Tapos na un try-out nila?
Eh parang kakasabi lang niya kanina, nagsisimula pa lang sila.
Eh iisa pa lang naman nagagawa nila?



BOY2: Captain, varsity player na po kami?

MARION: Bakit? Ayaw niyo?

ALL BOYS: Hindi po!

MARION: Nathan, ilista mo na lahat ng pangalan nila.

NATHAN: Sige.

MARION: JAPS!!!

JAPS: Bakit po?!

MARION: I-announce mo tomorrow sa PA ang lahat ng players ng basketball team.

JAPS: Ano? :o

MARION: Uulitin ko pa ba sinabi ko?

JAPS: Ay, hindi na po.

MARION: At i-announce mo na din na magkakaroon ng Student Council Meeting tomorrow morning 8 am, SHARP!


Aba, ang angas talaga nito..
Maka-utos pa ah..
Tapos sabay alis naman.
Mukhang tapos na rin ang training at try-out..
Pero, teka---




































































ALL: STUDENT COUNCIL MEETING?!!!!!!! :o :o :o :o :o

1 comment: