CHAPTER 2: Meet the CLASS 4-6
Class 4-6...
VINCE: Guyz! Bad news!!!
[VINCE DE VERA? Siya ang ultimate playboy ng Class 4-6! Para sa kanya, isang linggo lang ang mga girls. Take note: He hates girl who came from Xavier Girl High. Why? Abangan na lang
]JIN: Ano un?! May bagong adviser?!
[Isa sa Class 4-6. Wala na masyadong introduction sa kanya kasi maliit lang part niya dito.Sama ko ba?]
VINCE: Hindi iyon!
JAPS: Don't tell me, nabasted ka??
[Kung si Vince swerte sa lovelife, ganun naman kamalas sa lovelife si JAPS GUEVARA. Hindi ko naman alam kung bakit ganun kamalas iyon,gwapo din naman siya. Talagang lagi na lang heartbroken itong si Mr. Lovable Japs. Weirdo nga lang ito minsan]
VINCE: Hindi noh!!At hinding hindi mangyayare un. Hindi mo ko katulad!
ALL: eh ANO?!!!
VINCE: Lilipat na dito ang Xavier Girl High!!!
ALL: Ehhh!?!?!
JAPS: Wait, so ano naman bad news dun?Di ba??
Tumingin si Japs sa mga classmate niya hoping na matutuwa sila pero tiningnan lang nila siya ng masamang tingin. And then may biglang bumatok sa kanya.
JAPS: Masakit un ah?!! Ano ba?! (Pagtingin niya) Ai, Marion ikaw pala.

MARION: Umaandar na naman iyan pagiging slow mo.
[Ito na ang pinakahihintay ng lahat, ating main lead na si MR. MARION GATCHECO. Ang cold-hearted, handsome, rich, smart, stubborn, arrogant at popular na Class 4-6's President. Hindi lang iyon, siya lang naman ang TOP 1 sa buong Xavier Boy High. Wait, hindi pa ko tapos, siya din ang MVP Basketball Player 4 years na except lang last year. Ano nangyari? Find it out. Nax! CLASS PRESIDENT?TOP 1?MVP BASKETBALL PLAYER??Ano pa hahanapin nio?Perfect guy na diba??? Pero sa likod ng lahat na ito, may tinatagong deep secret itong bida natin. Hmm??]
JAPS: Bakit na naman??
MARION: Sa palagay mo, good news ang paglipat ng Xavier Girl High dito?
JAPS: Tinatanong pa ba iyan, siyempre oo naman.
MARION: Idiot. Vince, ikaw na nga mag-explain sa mokong na ito.
VINCE: It's my pleasure. Okay, Japs my friend, (Inakbayan sa balikat si Japs) Hindi mo ba alam na kapag lumipat dito ang Xavier Girl High. Malalaman nila kung gaano tayo kasama, I mean iyong mga kalokohang ginagawa natin. Of course, magkakaroon tayo ng bad impression sa kanila.
JAPS: (Umalis sa pagkakaakbay) Diba? Ayaw mo sa mga Xavier Girl High? So ano iyang pinagsasabi mo?
VINCE: Utak-ipis ka talaga, siyempre hindi lang naman Xavier Girl students mga friends nila. Paano kung iyong dinadate ko friends din nila. Edi, shoot! Sira na popularity ko. (May biglang bumatok sa kanya)
MARION: Isa ka pang utak-ipis diyan. Puro na lang babae iyan nasa utak mo. Nathan, ikaw na nga bahala magexplain sa dalawang daga nato.
NATHAN: Oh, sure Bro. Alam niyo Vince and Japs, kapag lumipat dito ang Xavier Girl High. Mas mahihirapan tayo, why? Magbabago itong school natin and magiging mahigpit pa sila sa atin. Naku, magkakagulo itong school natin.
[Iyan naman ang calm boy na si NATHAN JAVIER, ang childhood bestfriend ng bida natin na si Marion. Siya ang naiiba sa lahat ng taga-Class 4-6. Dahil tahimik lang siya at calm. Friendly din siya. Kaya hindi ko malaman kung paano napasama ito sa magulong Class 4-6. At dahil sa bestfriend siya ni Marion, siya lang sa Class 4-6 nakakaalam ng dark secret nito]
MARION: Nice one, Nathan. Pero mukha yatang may nakalimutan ka pang reason kung bakit ayaw ko lumipat dito ang Xavier Girl High.
NATHAN: What? Meron pa?
MARION: Yup.

ALL: Ano?!!

MARION: Paghahabulin ako ng mga fans ko.
VINCE: Ayaw mo nun? Saya nga nun eh.
JAPS: Alam nating lahat na ayaw ni Marion na may humahabol sa kanya.
VINCE: Muntik ko ng makalimutan iyon. Wait nga, Ang kapal naman ng mukha mo para tawagin mo silang fans. Ano ka? Sikat?
MARION: Bakit? Hindi ba?
ALL except Marion and Vince: SIKAT NA SIKAT!
VINCE:

MARION: Alam mo Vince, huwag mo ng isipan yan Xavier Girl High.
VINCE: Bakit naman?
MARION: Dahil kahit anong mangyari, hindi tayo magkakaroon ng girl classmate.
VINCE: Paano naman mangyayari un? Lilipat nga sila dito diba so magkakaroon tayo ng girl classmates?
MARION: Hindi nila hahayaan na magkaroon tayo ng classmate na girl dahil tayo ang worst section,
ang CLASS 4-6!!

END OF CHAPTER 2
.jpg)
No comments:
Post a Comment