LATEST UPDATE: CLASS 4-6 CH. 71 [FACEBOOK ACCOUNT]

MS.A

i just want to be UNKNOWN

*CLASS 4-6 official trailer*

Saturday, August 22, 2009

CHAPTER 61: Ang sagot sa lahat

HAPTER 61: ANG SAGOT SA LAHAT!


Gatcheco’s Mansion..


*TOK*TOK*TOK*



MARION: Carmela, pasok. [door open]

CARMELA: Talagang natatandaan mo pa din ang password natin.

MARION: Syempre naman.

CARMELA: Busy ka ba?

MARION: Hindi naman. Bakit? May kailangan ka ba?

CARMELA: Wala naman. Masama na bang kamustahin ka?

MARION: Ikaw talaga, ayos naman ako.

CARMELA: Talaga lang ha? Sure ka?

MARION: Mukha ba kong nagsisinungaling?

CARMELA: Gusto mo sagutin ko yan?

MARION: Ayos nga lang ako.

CARMELA: Bakit hindi mo pinagtanggol kanina si Karissa?

MARION: Hah?

CARMELA: Yan ka na naman. Sagutin mo kaya yan tanong ko.

MARION: Eh anong isasagot ko? Wala naman akong isasagot diyan.

CARMELA: Kitang-kita sa itsura mo kanina na gutsong-gusto mo siyang ipagtanggol. Kahit ipinapakita mo sa kanila na wala kang pakiaalam. Kilalang-kilala kita noh? Hindi ka naman pati ganyan dati sa kanya.

MARION: Ang dami mo naman sinabi. Paano mo naman nasabi lahat ng un?

CARMELA: Sino ka nga ulit?

MARION: Feeling ko tuloy may hidden camera sa lahat ng pinupuntahan ko. Baka naman pati CR ko meron na rin ah.

CARMELA: Don’t change the topic. Hindi mo pa din sinasagot un tanong ko.

MARION: Ano ba kasi yan tanong mo?

CARMELA: Bakit bigla ka na lang nagbago kay Karissa?

MARION: Hindi ako nagbago sa kanya.

CARMELA: Ano akala mo sa akin bulag?


Mukhang hindi na talaga ako titigilan nitong si Carmela..
Kilalang-kilala talaga niya ko…
Syempre naman, kilala talaga ako nito..
Pero paano ko ba ieexplain sa kanya?



CARMELA: Alam ko naman may kinalaman si Chloe sa lahat ng nangyayari, sana naman hindi ka nakikinig sa mga sinasabi niya.

MARION: Importante kayong dalawa sa akin.

CARMELA: Alam ko naman un eh, pero sana wag mo siyang i-give-up ng dahil sa amin.

MARION: Huh? Bakit kailangan ko siyang i-give up? Carmela, our relationship is just a classmate-friend only. Hindi na lalagpas dun.

CARMELA: Classmate-friend? Eh halos binuwis mo na buhay mo para sa kanya, yan lang tingin mo sa kanya?

MARION: I’m just protecting her as her class president.

CARMELA: You can fool them but not me. Kuya, aminin mo nga, mahal –


>>>BBBBBLLLLAAAAGGGGG!!!!!<<<


MARION&CARMELA: :o :o :o

MARION: Pardx, anong—


>>>>PPPPPAAAAAKKKKK<<<<


CARMELA: Kuya!!!!


OMG!! Sinuntok ni Kuya Nathan si Kuya Marion..
ANo bang nangyayari??
Wait, alam ko naman pala talaga ang nangyayari



NATHAN: Wag mo kong tawagin pardx, dahil sa ngayon hindi ikaw un pardx na nakilala ko.

MARION: Anong bang problema? Hindi kita maintindihan.

NATHAN: Ano ba sa palagay mo ang nangyayari?


OMG. Hawak-hawak ni Kuya Nathan un tshirt ni Kuya Marion..
Hindi ko alam kung sino sa kanila ang hahawakan ko..
Ngayon ko lang sila nakitang ganito.



NATHAN: Alam kong nahihirapan kang pumili pero hindi ka naman dapat mamili eh! Palagay mo ba ikaw lang nahihirapan, nahihirapan din kaming nasa paligid mo pero kahit papaano ako naiintindihan kita dahil alam ko ang katotohanan! Eh paano sila? Hindi mo ba alam, ang nahihirapan ng sobra ay si Karissa! Alam ko yan dahil ako ang nasa tabi niya ngayon! Kung gusto mo pa bumalik ang dating “pardx”, ayusin mo yan gulo mo!! Ayokong nakikita ganito si Karissa, dahil kung ipagpapatuloy mo pa yan, hindi kita mapapatawad!


Ang haba naman ng speech ni Kuya Nathan..
Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng ganito..
Ganun nga siguro kaimportante si Karissa sa kanya..
Pero sa totoo lang, may point siya,..
I mean, totoo lahat ng sinabi niya..
Binitawan na niya si Kuya Marion..
At mukhang paalis na..
Pero tumigil muna siya sa mayt pinto..



NATHAN: Marion, wag kang maghintay ng ampalaya, baka maunahan ka pa. And last one, hindi mo kailangan mamili sa pagitan ng taong mahal mo at ng KAPATID mo.


Then umalis na siya..
Nakakatulala lahat ng sinabi niya..
At lahat ng un ay para kay Karissa..
Naguguluhan na rin ako, kung may feelings ba talaga siya kay Karissa or wala?
Pero sana makinig sa kanya si Kuya Marion..
Speaking of him.. OMG!! Nakalimutan ko!



CARMELA: Kuya! Ayos ka lang ba?

MARION: Oo.


Duh?! Carmela! Syempre hindi ok yan Kuya mo!
Inalalayan ko si Kuya para makaupo sa kama niya,..
At kinuha ko un first aid.



CARMELA: Kuya, palagay ko tama lahat ng sinabi ni Kuya Nathan.

MARION: ARAY!!!

CARMELA: Ai sorry, masakit ba?

MARION: Obvious ba? Masakit din pala sumuntok si Nathan, sa bagay saan pa ba magmamana un? Edi sa gwapo niyang bestfriend.

CARMELA: Yan ka na naman. Pinipilit mong ibahin un usapan.

MARION: Carmela, bakit naging ganito? Hindi niyo ba maintindihan para din kay Karissa itong ginagawa ko?Ginagawa ko lahat ng ito para hindi ko siya masaktan. Lumalayo na ko hanggat maaga pa dahil ayokong may mangyari pa. At alam mo rin naman kung bakit ginagawa ko rin ito para kay Chloe. Ayokong mawala ang kapatid mo, ang kapatid natin. Ayokong ng dahil dito, mamatay siya. Tinitiis ko lahat ng ito kahit ang SAKIT-SAKIT na!


Naaawa ako kay Kuya..
Makikita mo talaga sa mukha niya na sobrang nasasaktan siya..
Naguiguilty tuloy ako,
Hindi ko alam na may ganito siyang nararamdaman..



CARMELA: Kuya, naiintindihan naman kita e. Ayoko rin naman mawala ang kapatid natin pero hindi mo naman kailangan iwasan si Karissa. Wala naman dapat masaktan.

MARION: Parang hindi mo naman kilala si Chloe. Saka parang hindi mo alam ang—

CARMELA: Kuya, don’t rely on that statement. It’s a theory.

MARION: Theory na puwedeng magkatotoo.

CARMELA: Kuya, puwede sa akin mangyari un. Kaya—

MARION: Ayoko na pag-usapan un.

CARMELA: Ok sige. Ganito na lang, ako na bahala kay Chloe. Saka Kuya, isipin mo nga, hindi lang pag-ibig mo kay Karissa ang nakasalalay dito. Pati na rin ang pagkakaibigan niyo ni Kuya Nathan.

MARION: Bahala na. Susubukan kong ibalik sa dati ang lahat.

CARMELA: That’s my Kuya! Ganyan dapat, Win her back!

MARION: Teka nga, parang may mali sa mga sinasabi mo.

CARMELA: Huh? Wrong grammar ba Kuya?

MARION: Hindi un! Anong sinasabi mo na mahal ?! Anong pag-ibig?

CARMELA: Pag-ibig mo kay Karissa at pagmamahal mo sa kanya.

MARION: Puwede ba?! Wala akong sinasabi na mahal ko siya!

CARMELA: Bakit? May sinabi ba kong sinabi mo un?

MARION: Wag mo kong pinipilosopo.

CARMELA: Ako ang wag mong pinipilosopo. Hindi naman siguro ako bulag para hindi makita un true feelings mo para sa kanya.

MARION: Ilan beses ko bang sasabihin sayo na kaibigan ko lang siya?

CARMELA: Oh talaga?! Eh bakit parang mismong bestfriend mo na un nagsabi sayo na mahal mo si Karissa?

MARION: Nagseselos lang un!

CARMELA: Nagseselos?


Parang nasaktan ako dun..
Well, nasaktan na talaga ako..
May point din kasi si Kuya,
Dahil sa ipinkita ni Kuya Nathan kanina,
Nalaman ko na importante talaga si Karissa sa kanya..



MARION: O baka, hindi lang siya ang nagseselos.

CARMELA:
Huh? Ano?

MARION: Tandaan mo, Kuya mo ko. Kaya kahit anong tago mo, alam ko na may gusto ka kay Nathan.

CARMELA: Ano ba yan pinagsasabi mo Kuya? Parang kapatid ko na rin si Kuya Nathan.

MARION: Ginagaya mo lang talaga palusot ko noh.

CARMELA: Hindi ah. Kababata ko lang si Kuya Nathan. Teka nga,! Ibig sabihin, palusot mo lang un classmate-friend kanina? Ibig sabihin mahal mo talaga si Karissa!

MARION: Hindi noh! Ikaw nga tong nagpapalusot eh. Huwag mong ipasa sa akin.

CARMELA: Ewan ko sayo. Hmpf!

MARION: Aba!Aba naman. Yan ba natututunan mo dun sa Amerikanong boyfriend mo sa States!

CARMELA: Anong boyfriend?! Saka wala akong kilalang amerikano dun!

MARION: Eh sino un Dino ba un? Parang dinosaur lang!

CARMELA: Anong dinosaur?! Wag mo nga nilalait bestfriend ko. Saka hindi siya Amerikano! Pilipino din siya!

MARION: So may bestfriend ka pala dun, at lalaki pa? Baka naman niloloko ka nun?

CARMELA: Kuya naman! Un nga lang kaibigan ko dun tapos ginaganyan mo pa.

MARION: Kapatid kita, inaalagaan kita. Ayokong masaktan ka lang,.

CARMELA:
Tama na nga. Kuya, kaya ko sarili ko. Ang problemahin mo ngayon, kung papaano mo maibabalik sa dati un closeness niyo ni Karissa. Ok? Sige, I have to sleep na. Goodnight.

MARION: Pero hindi mo pa din nililinaw sa akin un DINOSAUR na un!

CARMELA: It’s Dino!

MARION: Kapag nakita ko un, itatapon ko un sa ibang planeta!


>>BBBBBLLLLAAAGGGG!!!<<


MARION: Aba, marunong na rin magbalibag ng pinto tong si Carmela ah. Tsk. Pero....
























































Paano ko ibabalik un dati?


2 comments:

  1. [ZARLET] elow po..hehehe,thank you po ah??grabe.natuwa po talaga ako sa mahaba mong comment..hehehe. don't worry, ito na po un hinihintay mong update.kaso it's Marion, Carmela, Nathan scene eh.pero ok lng naman diba??wag kang magalala.dahil after nito, mas HIGH FIVE ang mga loveteams nila.hahaha.thank you po talaga sa pag support mo..hehehe.

    [micslovesherhaters] hehehe.kung puwede ko nga lang po gawin e.kaso hindi ko pa din toh tapos..talagang ewan ko ba.hindi ko alam kung kelan ko toh matatapos. halos mag one year 1/2 ko na tong ginagawa.dahil siguro iniimprove ko talaga un bawat chapter bago ko pinopost.hehe.pasensya na tlaga?

    [NahZ] patawad po.hehehe.salamat na rin po.

    at sa ibang readers ko.. SUPER THANK YOU po talaga!!hahahaha.THANK YOU!THANK YOU!

    ReplyDelete
  2. ang ganda po. nice update. =D>
    Update po ulit!!!! hahahaha.
    sinu sino po ba magkakalove team? hehe
    tsaka wala na po sila ciara at rayne tsaka sinu ba ung kashippings nila? :))
    anyhoo, update po ulit and keep up the great work!
    LOL at marion..kala ko ba matalino xa? XD
    tsaka..sino po ba mas mayaman? si karissa or sila chloe?
    :D :D :D
    UPDATE PO ULIT.
    THANK YOU PO SA MAGANDANG STORYA...haha..
    at least may nagagawa ako pag wala akong ginagawa ;)) sana po makaabot ng 100 chapters ang class 4-6 and good luck! hehe

    ReplyDelete