CHAPTER 62: NAGSOSORRY AKO DAHIL MAHAL KITA
KARISSA: Cheerdancers! Break na muna..
Grabe, kapagod talaga..
Pero masaya na rin ako dahil, kalahati na un nagagawa namin..
Hayyy,,nauuhaw na ko..
Teka, asan na ba un tubig ko??
Ay!!!SHOOT!! Nakalimutan ko bumili!!
“Tubig?”
sino naman kaya tong hulog ng langit?
Makakainom na rin ako sa wakas..
Maraming salamat sa kanya..
Syempre, sino pa nga ba hulog ng langit??
Edi si ANGEL…
KARISSA: MARION??

Grabe, nanglaki talaga un mata ko..
Si Marion ba talaga un may hawak ng tubig?
Inaamin ko ngayon, nangingisay talaga ako..
MARION: Kapalit nun tubig na binili mo dati,.
KARISSA: Uhm—
MARION: Tatanggapin mo ba o hindi?
KARISSA: Ay, salamat ah?
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o hindi??
Natutuwa ako dahil bumabalik na siya sa dati..
Pero ayokong isipin un ganun..
Dahil baka biglang bumagsak tong pagiging assuming ko..
MARION: Puwede ba kitang makausap?
KARISSA: Sige.
MARION: Sa labas.
Oh?? See?? Nagsisimula pa lang akong mag-assume..
Parang babagsak na ko..
Bakit kailangan sa labas pa??
Ganun ba kaconfidential tong paguusapan naming??
O baka naman hindi niya kayang makita ng iba,
Un magiging reaction ko??
Lumabas na rin kaming dalawa at SAKTO! Walang TAO!!
KARISSA: Ano un pag-uuspan natin??
………………………………………..
MARION: Simula ngayon, sa court na kami magttraining ng basketball team.
Toinks!! Ito na ba un confidential na paguusapan namin?
Yan kasi, masyado kasi akong assuming..
Pero kung sa court na sila,
Paano naman ang cheering squad??
KARISSA: Ah ganun ba? Lilipat na lang kami sa kabilang court.
MARION: Wala naman akong sinabing lilipat kayo. Saka hindi puwede gamitin un kabilang court dahil inaayos pa un para sa tournament natin.
KARISSA: Eh kung hindi kami lilipat, paano tayo makakapagpractice? Wala ng extra space sa court para makapagpractice kami.
MARION: Hindi pa naman kasi ako tapos magsalita, hahatiin ko un court. Un half court sa amin at un isa pang half court, sa inyo.
KARISSA: Makakapagtraining na kayo ng maayos kung half-court lang gagamitin niyo?
MARION: Ako na bahala dun. Huwag mo na pati isipin un team namin, ifocus mo lang yan sarili mo sa cheering niyo.
KARISSA: Ok, sige.
……SILENCE…….
KARISSA: Un lang ba paguusapan natin?
MARION: Oo.
KARISSA: Uhm,sige. Pasok na ko.
Un lang pala un pag-uusapan namin..
Nag-isip pa ko ng kung anu-ano..
Pero natuwa na rin ako..
Dahil kahit papano bumalik siya sa dati..
Kahit NGAYON lang..
Papasok na sana ako ng court ng –
“KARISSA!”
May humawak ng kamay ko..
Sino pa nga ba??
Kaya tumingin ako sa kanya..
Nag-iba un expression ng mukha niya.
MARION: Sorry.
KARISSA: Huh? Sorry? Sabi ko naman sayo e, ayos lang namin sa amin un half-court. Hindi naman namin kailangan un full-court.
MARION: Hindi un ang dahilan.
KARISSA: Huh? Eh ano?
MARION: Sa nagawa ni Chloe sayo.
KARISSA: Jusko, wala naman siyang ginawa sa akin ah.
MARION: Alam kong naging pipi ako, pero hindi naman ako bulag. Alam ko na rin un nangyaring pagsampal sayo ni Chloe.
KARISSA: Naku, wala un noh..
MARION: Alam kong may mali ako dahil hindi agad kita nilapitan. Nagbulag-bulagan ako sa mga nangyari. Pero sana maintindihan mong mahalaga siya sakin. Hindi ko puwedeng i-asta sa kanya un Marion Gatcheco na nakilala mo.
KARISSA: Naiintindihan naman kita eh. Alam ko naman kung gaano mo siya kamahal.
MARION: Pero --
KARISSA: Sige, papasok na ko. Ieexplain ko pa kasi sa kanila un UNA nating napagusapan .
Hindi ko na siya hinayaan ipagpatuloy un sasabihin niya..
Dahil masyado na kong nasaktan.. SOBRA!!

Pagkarinig ko pa lang nun MAHALAGA, masakit na eh!
Paano pa kaya un MAHAL?!!
Tumalikod na ko, at pinagpatuloy un pagpasok ko sa court.
Pero, tumigil muna ako sandal dahil--
MARION: Sorry talaga sa lahat. Nagsosorry ako dahil SC President mo ko, Nagsosorry ako dahil Class President mo ko, Nagsosorry ako dahil classmate mo ko, Nagsosorry ako dahil kaibigan mo ko.
Hindi ka ba puwedeng magsorry dahil mahal mo ko??
Pero impossible na un..
Malinaw na sa akin na hindi mo ko kayang mahalin..
Dahil hanggang KAIBIGAN lang ako sayo.,.
Nagsosorry ako dahil MAHAL kita.
PAALALA: it's MARION'S POV.hehehe.
.jpg)
,hi Miss A. ako ulit ito, si zarlet. grabe na talaga ang kilig na dala ng story mo sa amin na mga readers at very suppoertive supporters mo. hahaha. waaaaahhhhh. gusto ko na ulit ung next update. haha. tnx po at never mo pa kaming binibigo sa update mo. salamat po talaga at keep on writing and making stories because all of it were so good and nice. kelan po next update mo?
ReplyDeletehay..
ReplyDeletePOV lang pala..
sayang..XD
anyhoo..
ang ganda pong update kahit short lang. update po ulit kayo!
sorry kung minamadali po kayo..hehe..