LATEST UPDATE: CLASS 4-6 CH. 71 [FACEBOOK ACCOUNT]

MS.A

i just want to be UNKNOWN

*CLASS 4-6 official trailer*

Saturday, November 7, 2009

CHAPTER 69: The Ending of KarMar & ViCi loveteam

CHAPTER 69: THE ENDING OF KARMAR & VICI LOVETEAM


Nagulat na lang kaming dahil sa sinabi ni Japs..
Hindi ko alam kung dapat ba kong maniwala..
Pero mukhang sa nakita namin,
Dapat nga kaming maniwala...
At sa kwento ni Japs ngayon.
Halos lahat kami nagulat, hindi, NAGULANTANG!



JAPS: Kung nakita niyo lang un ginibang bar niya. Naku, masasabi niyo talaga totohanan na toh.

JIN: So it means, wala tayong kaalam-alam si Karissa pala ang first ever serious girlfriend ni Vince?

JAPS: Malamang. Sa nakita ba naman natin kanina, sigurado akong si Karissa nga un. CONFIRMED na CONFIRMED.

JACK: Sa tingin ko, tama si Japs.

NATHAN: Huh? Bakit naman?

JACK: Eh kasi kahapon nun nasa court tayo, nakita kong lumabas si Karissa. Susundan ko sana kaso bigla naman akong tinulak nitong l*tcheng Japs na toh.

JAPS: Hoy! Hindi kita tinulak! Sadya ka lang T*NGA! Pati ba naman 25cents, pupulutin mo pa.

JACK: HINDI---

NATHAN: Tumigil na nga kayo.

ALT: Tarantado din pala itong si Vince, sa dinadami-dami ng lolokohin, si Karissa pa.

JAPS: Hoy! Wag naman kayong ganyan kay Bal. May dahilan naman siya e! Hindi niyo kasi nakita kagabi. Parang desperadong desperado talaga. Mas malala pala un kaysa sa akin kapag heartbroken e. Halatang mahal niya talaga si Karissa.


*BLAG*


Nagulat na lang kami kasi biglang binalibag ni Marion un pinto at umalis.
Parang kanina lang, nagbasag pa siya ng baso,
Ngayon naman yata may balak naman siyang sirain un pinto..
Naiintindihan ko naman yan kung bakit ganyan yan.
MALAMANG diba?
Pero ewan ko lang kung naiintindihan ng mga classmate ko un..



JAPS: Anong nangyari dun?

NATHAN: Kung may Vince ka, may Marion ako.

ALL: ??? ??? ??? ??? ???


*BREAK TIME*

VINCE: Anong kailangan mo sa akin?

CHLOE: Bawiin mo sa friend ko un sinabi mo sa kanya.

VINCE: Huh? Ano?

CHLOE: Karen.

VINCE: *sigh* Nag-usap na kami kahapon. And that’s final.

CHLOE: NO! Hindi ako papayag.

VINCE: ANO?

CHLOE: Ayokong maging ganun lang un friend ko! Hindi mo ba maintindihan, sobrang nasaktan un friend ko!

VINCE: Hindi niyo rin ba maintindihan, MAY MAHAL NA KO!

CHLOE: Ano bang wala yan friend ko sa mahal mo?! Maganda naman siya, matalino, popular, mabait, man’s dream girl!

VINCE: Mas maganda ang mahal ko, mas matalino ang mahal ko, mas mabait ang mahal ko, mas popular ang mahal ko, at ang pinaka-pinagkaiba nila, siya ang tanging babaeng MINAHAL ko!

CHLOE: Ganun? Sa tingin ko naman, bibigay ka na after nito.

*kiss*

VINCE: :o :o :o :o

KARISSA: VINCE!!!!!!!!

VINCE: :o :o :o :o

KARISSA: Siya naman ngayon?

VINCE: Nagkakamali ka Karissa. Mali lahat ng nakita mo.

KARISSA: MALI? Anong akala mo sa akin tanga?! Nakita un ng dalawa kong mata!

VINCE: Pakinggan mo muna kasi ako!

KARISSA: Wala akong kailangan pakinggan! Sumama ka diyan sa babae mo!

CHLOE: Hey! Are you calling me a “kabet”?

KARISSA: Hindi ako nagsabi niyan.

CHLOE: Hoy! Ikaw! Ikaw na nga itong nakaistorbo, ikaw pa may gana manggulo! Or sadya lang talagang MALANDI ka! Pagkatapos mong mamangka sa Kuya Marion ko at kay Kuya Nathan, ngayon naman isusunod mo naman si Vince! Ang LANDI mo rin noh?!

***PPAAKKK***

MARION: CHLOE!!!


Gosh, nasampal ko si Chloe..
Sumosobra na kasi siya e..
Pero mukhang mas malaking problema toh.
Bakit ba masyadong komplekado tong mga nangyayari?




MARION: Chloe, ok ka lang ba? KARISSA!! BAKIT MO GINAWA SA KANYA UN?!


Napaatras ako ng hindi sa oras..
Bakit ako? Bakit sa akin?
Bakit ako na naman ang mali sa mata niya?
Bakit lagi na lang siyang nasa side ni Chloe? Paano naman ako?
Nagulat na lang ako dahil hinigit ako ni Vince sa likod niya..



VINCE: Marion, wala siyang kasalanan dito.

MARION: Isa ka pang gag* ka!

****PPAAAKK****


Hindi un sampal ah.isa un ultimate punch!
Ano bang problema nitong si Marion?!
Bakit galit na galit siya?!
Ganun ba ka-big deal un pagsampal ko sa pinakamamahal niyang si Chloe?!
Halatang malakas un pagsuntok niya.
Kaya tinulungan ko si Vince, kahit kumukulo un dugo ko dito,
Malamang kailangan ko pa din tulungan toh..



KARISSA: MARION! Anong bang problema mo?!

MARION: He deserve it!

KARISSA: Alam mo, kung ako sayo, huwag ka ng makialam. Just leave us alone! Magsama kayo niyang girlfriend mo! Hindi un kami un ginugulo mo! Vince, halika na.


Mas galit ako ngayon kay Marion.
Hindi ko alam kung anong problema niya,
Para suntukin ng ganun si Vince..
Pumasok kami ni Vince sa isang kwarto na makakapagusap kami ng maayos,
Un walang iistorbo!



VINCE: Sana hindi ka nagsalita kay Marion ng ganun.

KARISSA: He deserve it! Napupuno na ko sa kanila!

VINCE: Pero---

KARISSA: Hoy! Vince de Vera, hindi pa tayo tapos!


*outside of the room*

JAPS: Magkakaayos na yan.

JIN: Hindi pa yan.

ALT: Oo nga, galit na galit si Karissa oh?

JAPS: Ano ba kasi pinaguusapan nila?

JACK: Ano bang klaseng kwarto yan?!


*Karissa&Vince*

VINCE: Karissa, kailangan ko magexplain kay Ciara.

KARISSA: Explain? Ano pang i-eexplain mo? Sobra mo ng nasaktan un bestfriend ko! SOBRA! Ayoko pang dagdagan mo pa un!

VINCE: Bakit ba hindi niyo muna ako pakinggan?!

KARISSA: Eh kasi nakakasawa ka na! Bibigyan na sana kita ng chance pero mukhang hindi worth it. Lalo na un nakita ko ngayon!

VINCE: It’s a misunderstanding! Hinalikan niya ko Karissa!

KARISSA: Hinalikan mo naman?!

VINCE: Alam mo un bigla?! Hindi ko naman gusto un! Hindi ko alam na gagawin niya un!

KARISSA: Buti na lang, ako na un nakakita, pero kung si Ciara na naman? Baka napatay na kita ngayon!

VINCE: Intindihin mo naman ako. Seryoso ako sa kaibigan mo!

KARISSA: Pinapatawa mo ba ko? Naririnig mo ba yan sinasabi mo? Naririnig ko ba ito sa isang playboy?

VINCE: KARISSA! HINDI NA KO PLAYBOY!

KARISSA: Lokohin mo lelang mo! Vince, sabi ko naman sayo, layuan mo bestfriend ko! Maawa ka naman sa kanya! Kung may nakipagpustahan sayo, magpatalo ka na lang! Babayaran na lang kita! LAYUAN MO LANG BESTFRIEND KO! BAKIT BA KASI BESTFRIEND KO PA?!! WAG NA WAG KA NG LALAPIT SA KANYA! NAKIKIUSAP AKO!!!


Umalis na ko ng kwarto..
Ayoko na..
Hindi ko alam kung anong kalokohan itong pinaggagawa niya..
Bakit ba kasi bestfriend ko pa?!


Nung nakita namin umalis si Karissa at iniwan si Vince,
At pinagsisipa niya un mga table at upuan dun..
Agad naman kaming pinuntahan si Vince..
Hindi ko kayang nakakaganito un Bal ko..



JAPS: BAL!!! Ayos ka lang ba?

VINCE: Bakit ganun? Bakit ayaw niya maniwala? Seryoso naman ako diba?

JAPS: Oo, seryoso ka Bal ka.

VINCE: T*ngina pare! ANG SAKIT-SAKIT NA! Hindi ko kayang mawala siya!


Halatang mahal na mahal na ni Bal..
Bakit ba kasi ang daming nagpapakomplikado nito?



*DISMISSAL*


Nakita kong nag-iisa si Vince sa corridor..
Nabalitaan ko un pag-aaway nila Karissa at Vince..
Siguro nga seryoso talaga si Vince kay Karissa..
Pero hanggang ngayon, paulit-ulit sa utak ko un mga sinabi ni Karissa kanina..
Ang sakit! Sobra!
Siguro nga, ito na rin un mga sagot sa mga tanong ko..



MARION: Vince?

VINCE: Oh?

MARION: Sorry nun kanina.

VINCE: Ayos lang. Tama ka, I deserve it. G*go ako e.

MARION: Hindi, nagkamali ka lang.

VINCE: Pero mahal ko siya e.

MARION: Tipong hindi mo kayang mawala?

VINCE: Oo, Pare. Hindi ko talaga kayang mawala siya. Kilala mo naman ako diba? Ngayon lang ako nagseryoso.


Bigla na lang kami napatigil dahil dumaan sina Karissa at Ciara..
Tinignan pa kami ni Karissa pero si Ciara, hindi man lang lumingon..
Siguro galit din siya kay Vince at siguro, galit na din siya sa akin..
Nakatitig sa akin si Karissa, and the best thing to do is to look away..
Ito na ang simula ng pag-give up ko sa kanya.
Kahit masyadong MASAKIT


Dumaan sina Karissa at Ciara,
Pero nakafocus lang ako kay Ciara..
Kung ano un itsura ko, un din ang itusra niya.
Lumingon ka naman please?
Bakit ayaw niyang lumingon?
Gsuto ko siyang lapitan pero ayoko na makarinig ng masakit galing sa kanya..
Ayokong ipagtabuyan na naman niya ako..
Masyado nang MASAKIT


Bakit nakita ko pa siya?
Ciara, wag kang lumingon.
Wag kang lumingon,
Natatakot akong lumingon at kapag ginawa ko un,
Baka bumalik ako sa kanya..
AYOKO! Oo, alam kong weakness ko siya.
Pero siya din ang lakas ko..
Pero as much as possible, hindi talaga ako lilingon..
Hindi ko pa siya kayang kausapin or harapin..
Masyado pang MASAKIT!


Bakit nakita pa namin un dalawang taong kinaiinisan ko..
Una itong si Vince, kahit anong itsura pa ipakita niya sa akin,
Hinding hindi kosiya mapapatawad..
At itong si Marion,
Hindi ko na kaya ung pinapakita niyang ugali.
Masyado akong naguguluhan sa paguugali niya.
At dahil doon, gsuto ko muna umiwas,
Kahit masyadong MASAKIT



>>MARION’S ROOM<<

CARMELA: KUYA!!!!!!

MARION: Puwede hinaan mo yan boses mo?

CARMELA: Sorry, Kuya. Nabalitaan ko un nangyari kanina.

MARION: Alin dun?

NATHAN: PARDX!!!!!

MARION: Puwede ba hinaan niyo boses niyo?!!

NATHAN: Ay sorry.

CARMELA: Kuya Nathan, andito ka ulit?

NATHAN: Pardx, Nabalitaan ko un nangyari kanina.

MARION: Alin nga dun?

CARMELA/NATHAN: Bakit marami ba?

MARION: Siguro?

NATHAN: Teka, saan ba tayo magsisimula? Marami nga.

CARMELA: Wait, wait. Ano ba talaga nangyari?

NATHAN: Si Vince at Karissa, naging sila pala. Tapos break na sila.

CARMELA: WHAT?! VINCE!? KARISSA?!

NATHAN: Yup. Un ang sabi ng reliable source namin.

CARMELA: Sino naman yan reliable source niyo?

NATHAN: Si Japs.

CARMELA: Reliable nga ba?

NATHAN: Siguro, saka bestfriend siya ni Vince.

CARMELA: Pero VINCE and KARISSA?

NATHAN: Pati din kami hindi makapaniwala.

CARMELA: Pero, hindi eh, kasi sa tingin ko may feelings siya kay Kuya.

MARION: Tigilan niyo na ko.

NATHAN: Parang alam ko na yan boses na ganyan.

CARMELA: Teka, teka. Don’t tell me, gmgive-up ka Kuya.

MARION: Ano naman mapapala ko kung ipagpapatuloy ko pa toh?

CARMELA: Pero paano na yan feelings mo? Hindi mo pa nga nasasabi kay Karissa.

MARION: Para saan pa? Mas lalong magugulo ko pa ung sitwasyon nila ngayon.

NATHAN: Pero---

MARION: Pardx, kilala mo ko. Ayokong may ganito, saka alam mo naman kalagayan ni Vince.

CARMELA: Pero Kuya, totoo bang sinampal ni Karissa si Chloe?

MARION: Totoo nga un. Dahil doon nagalit sa akin si Karissa.

“ Alam mo, kung ako sayo, huwag ka ng makialam. Just leave us alone! Magsama kayo niyang girlfriend mo! Hindi un kami un ginugulo mo! Vince, halika na “

Mas mabuti na un sinabi niya sa akin un, mas madali akong makakalayo. [/color]

CARMELA: Kuya naman, huwag ka naman ganyan. Baka naman may mali.

MARION: Malinaw sa akin ang lahat.

NATHAN: So lalayuan mo na siya ngayon.

MARION: Mukha naman madali na sa akin un, lalo na siya un lumalayo ngayon.

CARMELA: Pero Kuya, kaya mo ba?

MARION: Sino na ulit ako?

NATHAN: Pardx, puwede mo naman ilabas sa amin un nararamdaman mo.

MARION: Ayos lang ako. Iwan niyo muna ako.

CARMELA: Pero---

MARION: Un lang matutulong niyo sa akin.

NATHAN: Sige, Carmela, halika ka na.

CARMELA: Kuya, andito lang ako ah?


Lumabas na sila ng kwarto..
Mabuti na lang, marunong silang makinig..
Ayokong makita nila un totoong nararamdaman ko..
Tama na un, napatunayan ko sa sarili ko,
Na minahal ko si Karissa.
Mas mabuti na un ganito,
Sa tingin ko naman, hindi pa ko na-fall ng ganun sa kanya..
Siguro?
Pero bakit ganito??
Bakit ako NASASAKTAN NG SOBRA?!!!
Puwede ba kong gumising na sa masamang panaginip na toh?

















Wala ba talagang karapatang umibig ang isang MARION GATCHECO???

2 comments:

  1. nice update! kailan po next update nyo! sobrang bitin po kasi ^_^

    ReplyDelete
  2. ms. a muxtah n mis n kt ak ak ak mxtah update

    ReplyDelete